Chapter 20

6 2 0
                                    

Chapter 20
── Picture

"After ng Section 2, turn niyo na" Sabi ni Miss Aurora sa'min "Stand by na kayo" 

Tumango nalang kami kay Miss at inayos na ang mga sarili namin. Ramdam ko na yung kaba, pero wala nang atrasan 'to.

Malapit na matapos yung Section 2 kaya need na namin mag-abang. Lumingon ako sa likod kung saan nakapwesto sila Lucas. Napansin kong nakatingin sa'kin si Lucas at ngumiti siya ng walang boses na "good luck." Nginitian ko nalang 'to at bumalik sa pagtitig sa stage, focus mode na.

Dalawa ang iisipin ko habang nag pe-perform kami, ang manalo sa contest at manalo sa puso ni Von.

Huy! Eme lang, wala tayong gusto sa wakwak na 'yan!

Last minute naming pinalitan yung pangalawang kanta dahil parehas pala kami ng Section 2 na tutugtugin. Kaya napilitan si Gizelle na kami ang mag adjust at baguhin ang second song, pero buti nalang nakapaghanda kami ng Plan B. 

Ayaw ni Gizelle sana kasi isa sa mga kanta ni Avril Lavigne yung tutugtugin namin, favorite niya daw kasi 'yon. Pero no choice kundi palitan dahil sa Section 2. Sa totoo lang, ok na rin na napalitan para hindi awkward yung pag kindat kindat ko kay Von

Maharot ka, Von. Babawian kita!

Maya maya, natapos na ang performance ng Section 2 at bumaba na sila ng stage. Nakaramdam ako ng halo halong kaba at excitement habang hinihintay ang susunod na sasabihin ng host.

"Next up, representing Section 1— Citrine! We have Gizelle Punzalan, Sly Sarabia, Jaimeson Williams, and Vienna Maxenne Rodriguez!" narinig kong sigaw ng host. 

Umakyat na kami sa stage, tumungo sa kanya kanyang pwesto. Nagsihiyawan naman ang mga tao, naririnig ko rin ang boses nila Roxy at Audrey na nagche-cheer sa amin

"Go Section 1! Mahal ko kayo!" Sigaw ni Audrey

"Pinsan ko yung singer nila!" Sigaw naman ni Roxy habang nakatayo pa 'to pero pinaupo naman agad nila Tita Nelyn si Roxy

Nakakahiya pero salamat sa suporta 

Narinig ko rin ang ibang sigaw galing sa ibang tao

"Go Miss 2B!"

"Gizelle my loves! Panalo na 'yan!"

"Sly! I love you!"

"Ang pogi mo, Jaimeson!"

Napansin ko rin na umupo sila Lucas, Von, Mavi, at Royce sa harap. Nakita ko si Von na parang seryoso, pero may ngiti sa gilid ng labi niya.

Okay, showtime.

🎶 E.T - Katy Perry 🎶

🎶 You're so hypnotizing
Could you be the devil, could you be an angel
Your touch magnetizing
Feels like I'm floating, leaves my body glowing 🎶

Nag fierce look muna ako, and as I sang the next line, tumingin ako kay Von. Sinundan ko ng isang mapanuksong ngiti at mabilis na kumindat sa kanya. Napansin ko namang biglang kinikilig 'tong mga kasama niya, si Mavi at Royce na sinasagi pa braso ni Von, tinutukso siya.

🎶 They say be afraid
You're not like the others, futuristic lovers
Different DNA, they don't understand you 🎶

Pero heto si Von, biglang nagseryoso ang mukha niya. Yung smirk face niya? Gone. Para bang nakatuon lang lahat ng atensyon niya sa'kin.

🎶 You're from a whole other world
A different dimension
You open my eyes
And I'm ready to go, lead me into the light 🎶

Secrets and RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon