Chapter 7
── Driving LessonWeekend na, at sa wakas, pahinga na rin mula sa stress sa school. Pagtapos ng eleksyon, nagturo naman kinabukasan ang mga teachers namin. Napansin rin namin na tumahimik ang mga wakwak, lalo na nang malaman ng principal yung tungkol sa mga pinaggagawa nila sa campaign poster ni Ashtrid. Sa totoo lang, enjoy din na hindi sila gumagawa ng kalokohan lately.
Mukhang pinagalitan.. Dasurv!
Nagsimula na rin kami mag ayos ng mga kailangan para sa School Festival. Pinasuyo na rin sa akin ni Gizelle na maningil sa mga kaklase namin para sa ambagan pambili ng supplies tulad ng pintura, colored paper, at iba pang mga kinemerutchie na decorations para sa Festival.
Cash lang tayo mga mamser ah! Walang send e-wallet! Hindi pa verified ang lola niyo.
Habang nagpapahinga ako sa bahay, naisip ko na mag practice ng pagda-drive. Nabanggit kasi sa amin nila Tita Nelyn na magbabakasyon muna si Kuya Berting ng ilang buwan sa probinsya nila dahil may negosyong pinatayo daw si Kuya Berting doon at kailangan niyang pagtuunan ng pansin 'yon muna.
Tsaka sakto 'to pag 18 na ako at kumuha ng driver license, maipapasa ko yung test doon. Kinuha ko na ang susi at lumabas ng bahay para mag drive sa loob ng subdivision namin. Pinahiram muna sa akin ni Kuya Berting yung kotse, pumayag rin naman sila Tita Nelyn at Tito Mike na gamitin ko muna 'to.
Hawak ko ang manibela, nakafocus ako sa kalsada. Ang dami ko pang kailangan matutunan, pero kaya ko 'to!
Oh ayan! Hindi ko na sinasabing "Hindi ko kaya 'to", baka biglang sumulpot sila Roxy
First time kong mag-drive nang ganito, ako lang mag-isa, at kahit subdivision lang 'to, feeling ko mapapahamak pa 'ko dito.
Nanood naman ako ng tutorial kung paano mag drive. Naglaro na rin ako ng mga Driving Simulator sa laptop. Enough na siguro 'yon para may konting kaalaman ako sa pagmamaneho. Diba? Wais 'to.
Tsaka kung magka boyfriend man ako, oh edi hindi na ako ang Passenger Princess. Isa na akong Driver Princess tapos yung boyfriend ko yung Passenger Prince. Perfect!
"Okay, Vienna" sabi ko sa sarili ko, habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. Pakiramdam ko, ang bilis ng tibok ng puso ko. Naririnig ko ang pag-click ng seatbelt, at habang nakatingin ako sa side mirror, napabuntong-hininga ako ng malalim.
"Bahala na" bulong ko, pero hindi ako satisfied. I sighed again, pero mas malalim na this time. Nagsign of the cross ako ng maraming beses pero parang kulang pa rin. Baka kailangan mag tawag pa ako ng mga santo o guardian angel para lang ma make sure na safe ako sa byahe ko.
OA na kung OA, mas ok na yung ligtas!
Ramdam ko na nanginginig yung mga kamay ko sa kaba. Inisip ko na lang, paano kung biglang may sumulpot na bata sa harap ko? O kaya'y may biglang huminto na kotse? Ay jusko po, baka mabangga ko sila!
Maglagay kaya ako ng papel sa likod tas nakalagay "STUDENT DRIVER" o kaya "WAG BUSINAHAN, IIYAK ANG DATING PASSENGER PRINCESS"
Nagsign of the cross ulit ako, pang anim na yata 'to! Pero hindi pa rin enough.
Ano ba, Vienna Maxenne?!
Ginawa ko ulit, pero parang hindi sapat. Umabot yata ng pitong beses akong nagsign of the cross bago ako huminga ulit ng malalim.
Pag-ikot ko sa susi, narinig ko ang tunog ng makina na umaandar. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahawakan ko ulit yung manibela. "Vien, kaya mo 'to. Hindi ka pwedeng sumuko. Walang maghahatid sundo sainyo" bulong ko pa, as if nagko comfort ako sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Secrets and Rivalry
Teen FictionSa Coral Heights International School, laging may tensyon sa pagitan ng dalawang section, Section 1, kung saan puro matatalino at masisipag ang mga estudyante, at Section 5, kilala bilang pasaway at pasimuno ng gulo. Ngunit isang transferee student...