Chapter 18

7 2 0
                                    

Chapter 18
── Cosplay

"Last Minute pa ba 'yan? Mukhang pinaghandaan ng ilang linggo nga eh" sabi ni Roxy, tinitingnan ang costume ko habang inaayos ang buhok niya.

Cosplay Carnival na ngayon, at nakasuot na kami ni Roxy ng mga costume namin. Si Roxy, ginaya si Sailor Jupiter — classic na green skirt, white gloves, at signature ponytail. Bagay sa kaniya pero nau-umay na ako. Ayan nalang kasi lagi suot niya pag may mga cosplay event, nakikita ko sa Instagram niya.

Ako naman, nakasuot ng 2B costume, na sinuggest sa'kin nina Lucas, Roxy, at Avrinx nang magtanong ako sa kanila kung sino ang magandang i cosplay. Sabi naman ni Roxy, bagay daw 'yon sa'kin.

Avrinx
Hmm... 2B? Yung sa Nier Automata yata 'yon
________________________
Lucas Matsui
Try 2B from Nier Automata
Favorite 'yon ni Von

Oo, tuloy pa rin ang plano kahit nagtatampo ako sa kaniya.

Tinanong rin ako ni Lucas kung sino yung gusto kong makita na cosplayer sa event, sinabi ko naman si Jin Kazama ng Tekken ang gusto kong makita pero imposibleng may makakita ako ng ganon sa cosplay.

Like girl, sinong mag to-topless sa event? Sinong may abs?

Pwede pa naman i cosplay 'yon kasi may ibang version siyang naka tshirt at jacket pero syempre, maganda pa rin pag yung default character ni Jin. Childhood crush ko kaya 'yon >_<

Pagkatapos kasi ng meeting namin sa Guidance Office dahil sa cheating incident, dumiretso ako sa bilihan ng mga pang cosplay. Saktong last stock na nila 'yung black dress ni 2B, pati 'yung sword niya at ibang accessories. Feeling ko, it was meant to be talaga for me.

Ako ang sinisisi ni Von sa nangyari. He accused me na ako ang nalagay ng cheat engine sa computer and it was supposed to be kay Jaimeson daw yung computer but napunta kay Lucas, hindi rin ma check ang CCTV dahil pumutok daw ang wires nito nung nakaraan pa at hindi pa napapalitan.

Pero na debunk naman ni Jaimeson ang accusation na 'yon dahil hindi pa namin nagagamit yung computer laboratory at wala pa akong account para mabuksan ang computer. Hindi pa nila alam kung kailan gaganapin ulit ang E-sport Tournament pero malabong magkaroon daw ulit for a rematch. 

"Buti nalang may stock pa 'yang costume ni 2B. Paano kung wala, ano plan B mo?" Tanong ni Roxy

"Baka si Jett" Tipid kong sagot sa kaniya habang inaayos ko ang mga accessories ni 2B. Buti nalang talaga nakahanap pa ako ng stock. Nanghiram nalang ako kay Tita Nelyn ng boots niya na mahaba, saktong kasya naman siya sa'kin.

Maya maya, dumating na sina Tita Nelyn at Tito Mike "Ready na ba kayo?" tanong ni Tito Mike, sabay senyas na oras na para umalis.

"Let's go! Baka malate pa tayo" sabi ni Tita Nelyn. Agad na kaming sumakay sa kotse, at naupo ako sa likod kasama si Roxy. Habang tumatakbo na ang sasakyan papunta sa school, naisipan kong umidlip muna dahil inaantok pa ako. Anong oras na kasi ako nakauwi kagabi, sobrang layo ba naman ng pinagbilhan para lang dito sa costume na 'to.

"Daddy, where are we going?"

"Sa Amusement Park lang. Just behave there, baby, ok?"

Malakas ang ulan, parang may bagyo, at halos sabayan ng kidlat ang bawat patak ng ulan. Sa harap ko, may dalawang lalaking nakaupo, pero hindi ko makita ang mukha nila. Biglang may sumisikat na liwanag sa harapan ko, palapit ng palapit, hanggang sa naging sobrang liwanag na halos wala na akong makita.

"Daddy!"

"Daddy!" Sigaw ko. Agad akong napabangon dahil sa panaginip na 'yon.

D-Daddy?

Secrets and RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon