Chapter 13

8 3 0
                                    

Chapter 13
── Friday the 13th

Maulan pa rin ngayon pero hindi na katulad kahapon na sobrang lakas, light rain nalang ngayon pero mamayang tanghali, aaraw naman na, ayon sa balita. Tahimik kaming dalawa ni Roxy sa loob ng kotse habang nagda drive ako papuntang school. Simula kasi ngayon, ako na muna ang magiging driver sa aming dalawa kasi umuwi na si Kuya Berting sa probinsya nila. Medyo kinakabahan ako, hindi dahil sa ulan, kundi sa pagmamaneho. First time ko kasing mag drive papuntang school.

"Kaya mo yan, sister. Relax lang" sabi ni Roxy habang naglalagay ng lip gloss.

Nakailang sign of the cross naman ako kanina bago kami umalis. Iniisip ko lang din ngayon yung mga tinuro sa'kin ni Lucas. Medyo mabilis yung pagda-drive ko dahil ilang oras nalang, magsisimula na 'yung klase.

Basta isipin kong nasa driving simulator ako!

Malapit na matapos yung mga decorations para sa School Festival. Pinapatuyo nalang yung iba at konting adjustments nalang. Sana nga umaraw na agad para makapag walis na kami ng basa sa ground floor at malagay na namin yung decorations. Para ma check na rin namin kung ano pa yung pwede naming ilagay dahil next week na ang event.

"Ready ka na ba sa cosplay carnival?" biglang tanong ni Roxy, sumilip siya sa salamin at nag aayos pa ng lip gloss niya. "Sino pala ico-cosplay mo?"

"Honestly, hindi pa 'ko ready. Wala pa kasi akong maisip na costume. Ikaw ba?" 

"Sailor Jupiter, syempre! Terno daw kami ni Audrey, siya naman si Sailor ChibiMoon." Ngumiti siya sa akin, proud na proud.

Natawa naman ako sa sinabi niya "'Di ka ba nagsasawa kay Sailor Jupiter? Ilang beses mo na cino-cosplay 'yan"

"'Wag ka ngang ano d'yan, favorite ko 'yun!" Sabay simangot nito habang nilalagay yung lip gloss sa bag niya "Buti nga ako may costume na, ikaw wala pa"

"Hindi ko kasi alam kung sino ico-cosplay ko." 

"Baka mag last minute ka ah!"

"Mamaya, maghahanap nalang ako. Mahaba pa naman ang oras"

Habang nagkwekwentuhan kami at sinusubukan kong kalmahin ang sarili ko sa pagmamaneho, biglang may sumulpot na kotse galing sa kanan...

BANG!

May malakas na kalabog mula sa harapan ng kotse. Parehas kaming napasigaw ni Roxy dahil sa lakas ng impact.

"T*ngina!" Sigaw ko, halos mauntog ako sa manibela dahil sa bigla kong inapakan ang preno. Napahawak si Roxy sa dashboard dahil sa ginawa ko, gulat na gulat. "The heck?! What was that?!"

May bumangga sa amin! Buti nalang din na walang masyadong sasakyan sa kalsada ng ganitong oras, kundi baka pati 'yon bumangga sa likod ng kotse ko.

Jusko po!

Paglabas ko ng kotse, nakita ko ang kotse na bumangga sa amin, isang black posche na mukhang inaalagaan ng maayos dahil sa sobrang kintab pero... nabangga..

Pamilyar yung kotse, parang nakita ko na 'to sa school

Nakita ko naman na bumukas ang pinto sa driver's seat.

At sa likod ng manibela nito, si Von.

Napairap ako nang makita ko siya, agad kong naramdaman ang pag init ng dugo ko. Si Roxy, lumabas na rin ng kotse at agad na lumapit sa akin, sabay kaming tumingin kay Von na pababa ng sasakyan niya.

"You again!" Sigaw ni Von "Do you even know how to drive?!" 

Eto nanaman tayo...

"Wow, coming from you!" Inis na sagot ni Roxy "Dahan dahan nga lang magmaneho si Vien. Sino sainyo ngayon ang 'di marunong magmaneho dito?"

Tumawa nang sarkastiko si Von habang lumalapit. "Dahan dahan? Sabihin mo na lang na walang alam magmaneho 'tong pinsan mo! Kung may alam siya, hindi dapat nangyari 'to!"

Napailing ako, sinusubukan kong pigilan ang sarili ko na magalit. "Naririnig mo ba sarili mo, Von? Ikaw ang biglang sumulpot, ikaw ang bumangga!"

"Patawa ka rin eh!" Sigaw ni Von, mas lalo pang lumapit sa amin "Ikaw 'tong hindi tumitingin sa dinadaanan mo! Kita mong may daanan dito, hindi mo manlang naisipang magdahan dahan"

"Ang hilig mong mambintang, ano?!" sigaw ko pabalik, ang inis sa boses ko halata na. "Ano bang problema mo?"

Ngumisi si Von, pero halata sa mata niya na mas seryoso na siya ngayon. "Wala akong oras makipagdiskusyon sa'yo. May mga mas mahalaga akong bagay na dapat asikasuhin kaysa sayangin ang oras ko sa'yo" sabi niya "Hindi pa 'ko tapos sa'yo." Sabay talikod nito saamin at babalik na sa driver seat ng kotse niya

"I can make your life miserable" Dagdag pa nito

Napalunok ako. Parang may nagbabadya sa mga salita niya, isang babala na hindi ko pwedeng balewalain.

Baka mas malala pa 'to sa cupcake at slime

Pero uunahan ko na siya para kahit papaano makabawi ako sa mga ginawa niya sa Section 1. 

Tinanggal ko yung sapatos ko at buong pwersa kong hinampas sa windshield ng kotse niya yung takong ng sapatos ko. 

Agad naman 'tong nagkaroon ng crack dahil matigas yung takong ng sapatos ko.

Halos natulala si Von pati si Roxy sa ginawa ko. Rinig na rinig ang tunog ng pagkabasag ng salamin, at kita ko ang gulat sa mukha nila habang nakatingin sila sa basag na windshield ng mamahaling kotse ng wakwak.

"Sister..." Tulalang sabi nito sa'kin

"Anong ginawa mo?!" sigaw ni Von, galit na galit.

"Wag mo akong gawing target ng mga problema mo, Von. Kung may galit ka, ibang tao ang pag initan mo!" Tinalikuran ko siya at humakbang pabalik sa kotse. Nang makarating ako sa tabi ni Roxy, nakita kong natulala rin siya sa ginawa ko. Sinenyasan ko na siyang bumalik sa kotse at sumunod naman 'to

Tahimik akong sumakay sa kotse. Habang papaalis kami, naramdaman kong nanginginig pa rin ako sa sobrang inis.

Tahimik lang kami ni Roxy habang papalayo sa pinangyarihan ng banggaan, pero ramdam kong naiilang siya sa ginawa ko. Ilang minuto pa lang ang nakalipas, pero pakiramdam ko sobrang bigat na ng atmosphere sa loob ng kotse.

"Sister... ba't mo ginawa 'yun?" Tanong niya, nanginginig pa rin ang boses. Tumingin siya sa akin, parang gustong makipag usap, pero hindi ko na siya pinansin. Ayokong magsalita muna, baka kung ano pang masabi ko.

Alam niyang mapapahamak ako lalo dahil sa ginawa ko sa kotse ni Von pero bahala na. Napupuno na 'ko sa mokong na 'yan. Sugurin niya ko, hindi ko uurungan 'yan.

Tahimik kami hanggang sa makarating sa school. Pagkaparada ko ng kotse, agad kaming bumaba. Pumunta na si Roxy sa building nila at ako naman dumiretso na sa building namin. Nang makarating ako sa classroom, sakto namang tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase.

Puro lectures lang naman kami ngayon, recitation, tapos nagpa short quiz lang. Hindi na nila kami binigyan ng homework para daw maenjoy at makapag relax kami sa weekend at school festival lalo na kami na organizer ng event. 

Pero hindi ko magawang mag relax, umagang umaga na badtrip agad ako.

"Sisters, anong date ba ngayon?" Bulong ni Audrey sa amin habang nagsusulat 'to sa notes niya

"Hindi ko sure" Sagot ni Ashtrid na busy rin magtake down notes

"Its Badluck day, Friday the 13th" Seryosong sagot ni Gizelle na busy rin magsulat

Shutanginamerls!

Kaya naman pala umagang umaga, yung wakwak agad yung bumungad saamin ni Roxy.

Pagkatapos ng klase, tumunog na ang bell para sa lunch break. Akmang tatayo na kami ni Roxy para bumili sa cafeteria nang biglang may bumagsak na plastic bag sa loob ng classroom. Nagulat kaming lahat, at bago pa namin malaman kung ano iyon, biglang nag lock ang pinto mula sa labas. Napalingon kami sa may pintuan, pero mukhang hindi kami basta basta makakalabas.

Secrets and RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon