Chapter 26
── Iced TeaDalawang araw na ang nakalipas pagtapos mangyari yung drama ko sa school. Kainis kasi 'tong si Catherine, naging emotional pa tuloy ako.
Hindi na rin ako nakapasok sa ibang subject namin after our lunch break, pagkarating ko kasi sa office ng Student Council, sumaktong andoon pa si Miss Aurora pati yung ibang student council ng college. Sinabi ko yung problema ko at cinomfort nila ako. Kakausapin nalang daw ni Miss si Catherine tungkol sa nangyari.
After nila akong i comfort, hindi ko namalayang nakatulog na ako sa sofa. Sinabi naman ni Miss Aurora na excuse muna ako sa ibang subject para makapagpahinga ako.
Si Lucas naman, panay sorry sa chat pero hindi ko nalang muna nireplayan. Sinabi naman niya na wala sa plano 'yon ni Von na siraan o ipahiya ako. Tanging lahat ng 'yon, galing mismo kay Catherine. Hindi nila alam kung bakit naging ganon si Catherine pero sigurado akong dahil sa picture 'yon, nagseselos si Catherine kaya eto siya, binubulabog buhay ko.
Akala ko ba he will let Von do his job? Bakit umeepal siya ngayon?
Pero hindi ako sure kung ayon nga ang dahilan pero kung ayon nga, kapal naman niya.
Ngayon, its Monday, nakahiga at nakatulala sa kisame, hindi alam kung papasok ba o hindi. Parang ang hirap kasing humarap sa mga kaklase ko lalo na kasama pa rin namin ngayon yung mga wakwak.
Pero wala naman akong choice, naka uniform na ako at binubulabog na ako ni Roxy sa pinto.
"Sister! Wake up! Let's go!" Sigaw niya mula sa labas ng kwarto ko at umubo pa.
"Gising na 'ko, madam!" Sigaw ko
"Banana Pancakes breakfast!" Sigaw pa nito.
Uy! Buti naman.
Agad akong bumangon, kinuha ang blazer uniform at bag ko, at lumabas ng kwarto. Bumungad naman si Roxanne na magulo ang buhok, naka face mask, pajama na very pink, at mukhang namumutla.
Hindi ba 'to papasok?
"Anyare sayo, girl?" Tanong ko sa kaniya "Ba't namumutla ka? Tsaka ba't 'di ka pa naka uniform?"
"Hindi ak- ACHOO! Hindi ako papasok" Sagot nito.
Naligo ako ah
Nilagay ko naman ang kamay ko sa leeg at noo niya para i check kung mainit ito, at tama nga, nilalagnat 'to.
"I just woke you up para makapasok ka sa school" Dagdag nito "Para hindi ka... ACHOO! .... mahawa sa'kin dito"
"Anyare? Ba't ka biglang nilagnat?" Ang sigla sigla pa nito kahapon ah. Out of nowhere, nilagnat?
"Naabutan kasi ako ng ulan kahapon, nakalimutan kong maligo"
"Ba't saan ka ba galing kahapon?"
"Sinamahan ko si Audrey kahapon sa Mall" Sabi pa nito sabay bumahing nanaman.
"Kumain kanaba?"
"Yeah, dinalhan nalang ako ni yaya ng food"
"You should stay sa kwarto mo at magpahinga kaysa pagala gala ka dito sa bahay" Sabi ko naman sa kaniya. Bumalik naman 'to sa kwarto niya at bumaba naman ako para kumain na.
Nakita ko naman si Tita Nelyn at Tito Mike na nasa lamesa na, kumakain.
"Good Morning po" Bati ko sa kanila, bumati rin naman sila sa'kin. Umupo na ako sa tabi ni Tita Nelyn at kumuha ng dalawang pirasong pancake.
"Vienna, pakisabi nalang sa mga teachers niyo na hindi muna makakapasok si Roxanne" Ani Tita Nelyn habang kumakain ng Banana Pancakes. Tumango nalang ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Secrets and Rivalry
Teen FictionSa Coral Heights International School, laging may tensyon sa pagitan ng dalawang section, Section 1, kung saan puro matatalino at masisipag ang mga estudyante, at Section 5, kilala bilang pasaway at pasimuno ng gulo. Ngunit isang transferee student...