Chapter 24

7 1 0
                                    

Chapter 24
── Jerry

[A/N: Sa mga may Musophobia / Murophobia (Fear of mice and rats) and Katsaridaphobia (Fear of cockcroaches), sorry na po huhu baka ma trigger lang po]















"MOMMYY!!!! HELP!!!"

"Wait lang! Jusko ka, Roxanne!"

"Hon, sa labas muna kayo. Ako na dito"

"DADDY!!"

"Wag kang sumigaw, ang aga aga! Magising pa kapitbahay natin sa sigaw mo"

Ano ba 'to? Umagang umaga, sumisigaw 'tong sila Roxanne sa labas ng kwarto.

Napa check naman ako ng oras, ay piste! 4 AM palang

"I swear, dalawa silang andyan" Rinig kong sigaw ni Roxy "Sobrang laki"

Dahil sa pagtataka ko sa kanila, bumangon na ako at binuksan ang pinto. Bumungad sa'kin si Roxy na nakapasan sa likod ni Tita Nelyn.

Anong meron?

"H-Hi, Vienna" Bungad na bati ni Tita Nelyn sa'kin, naka pajama pa 'to. Mukhang nahihirapan sa pagpasan kay Roxy. "Naistorbo ka ba sa boses ni Roxanne? Pasensya na ah" Opo...

"Ano pong meron?" Tanong ko sa kanila habang humihikab pa. Inaantok pa ako hays

"Jerry Senior and Jerry Junior are in my room!" Sabi ni Roxanne na mukhang takot na takot.

Sinong Jerry? Bakit Senior at Junior? May nakapasok ba sa kwarto ni Roxy?

Maya maya, bumukas ang pinto. Si Tito Mike na naka pajama rin, may dala dalang transparent storage bag, teka...

Bakit may dalawang malaking daga sa storage box?

Is this Gus gus and Jaq?

"B-Bakit may daga sa kwarto mo?!" tanong ko kay Roxy, habang nakatitig sa dalawang dambuhalang Jerry kuno sa loob ng storage box na hawak ni Tito Mike.

"I don't know! Nagising nalang ako, may gumagapang na sa kama ko!" reklamo ni Roxy, mukhang kinikilabutan pa. 

"Papacheck ko nalang mamaya sa mga yaya natin 'tong kwarto mo" sabi ni Tito Mike habang bitbit yung storage box na may mga daga. "Baka may butas dito na 'di lang natin napapansin. Pati sayo, Vienna, ipapacheck ko rin yang kwarto mo mamaya."

Napansin ko namang nag roll ng eyes si Roxy "The heck? My room is always clean!"

"Malinis man yan o hindi, still possible" sabat ni Tita Nelyn. "Sige na, magsibalik na kayo sa kwarto at matulog na kayo."

"Ayaw!" nakapout pa si Roxy "Baka mamaya, may daga nanaman d'yan e!"

Natawa nalang ako. "Dito ka nalang muna sa kwarto ko matulog" sabi ko pero sa totoo lang, alam kong 'di 'to magiging maayos kasi malikot matulog 'to

Mabilis namang kinuha ni Roxy ang kumot at unan niya, takot na takot talaga sa daga. Si Tita Nelyn bumalik na rin sa kwarto niya, at si Tito Mike bumaba dala ang storage box na may mga daga. 

Pumasok na kami ni Roxy sa kwarto ko. Siya sa kama, ako naman sa gaming chair. Malikot matulog 'to, ayoko katabi. Naalala ko pa nung nasa probinsya kami, yung paa niya halos nasa leeg ko na sa kalikot! 

Ilang minuto ang lumipas, pero hindi ako mapakali. Hindi ako makatulog. Grabe naman kasi 'tong hilik ni Roxy! Pakiramdam ko tuloy, gising na gising yung diwa ko. Kaya naisipan kong mag open ng phone muna para mag scroll muna ng mga video clips sa fyp.

Secrets and RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon