Chapter 8

14 3 0
                                    

Chapter 8
── Heartache and Pain

"Roxy! Vien! Bumaba na kayo! Baka ma late tayo sa misa" Sigaw ni Tita Nelyn sa amin.

"Wait lang po" Rinig kong sagot ni Roxy na nasa kabilang kwarto

Tumingin muna ako sa salamin para makita kung maayos ba itsura ko. Plaid Khaki Pinafore Dress galing sa store nila Tita Nelyn na AromaStitch, naka Painter Bonnet, Long sleeve na white, at black shoes lang sinuot ko. Mukha namang maganda yung ayos ko.

Oh pak! Slayable! Ganda ng lola niyo!

O kaya magpantalon nalang ako para mas komportable?

"Vienna! Roxanne!" Sigaw ni Tita Nelyn. Eto nga sabi ko nga, bababa na ako. Hindi na ako magpapalit

Sakto namang pagkabukas ko ng pinto, nakasalubong ko si Roxy na naglalagay pa ng ribbon hairclip sa buhok niya at sabay na kami bumaba

"Kaya naman pala ang tagal magsibaba, awrang awra naman pala ang mag pinsan" Sabi ni Tita Nelyn na naka cross arms.

"Syempre, mommy. Bihira na nga lang tayo umalis, hindi pa namin itotodo" Sagot ni Roxy habang inaayos pa rin ang buhok niya

Sunday kasi ngayon at naisipan nila Tita Nelyn na gumala dahil bihira na lang daw kasi nakakaalis ng bahay. Panay trabaho kasi sila tapos si Roxy laging naiiwan sa bahay. Kaya eto, bumabawi sila.

Gusto ni Tita Nelyn na magsimba muna bago pumunta sa mall. Pagtapos mag simba, diretso mall na since magkatabi lang naman daw 'yon.

Dumiretso na kami sa kotse, si Tito Mike ang magda-drive, nasa harap naman si Tita Nelyn, at kaming dalawa naman ni Roxy ang nasa likod. 

Kinuha ko muna ang phone ko at earphones para malibang. Pag tingin ko kay Roxy, hindi pa siya tapos sa pag aayos ng buhok niya

"Ano ba 'yan, Rox? Hindi ka pa rin tapos d'yan?" Tanong ko sa kaniya sabay tumawa ng mahinhin. "Naaalibadbaran na ako d'yan"

Baka hanggang makarating kami sa mall, hindi pa rin tapos 'to!

"Hindi naman lahat bless na kahit hindi mag ayos, maganda pa rin" sagot niya habang tinutusok pa ang last ribbon sa buhok niya. "Katulad mo"

Wow, ako pa? Mukha nga akong basahan pag walang ayos!

"Para kang regalo d'yan sa dami mong ribbon sa buhok mo. Wala pang pasko, Roxanne" Singit ni Tita Nelyn. Kita ko naman na parehas sila ni Tito Mike na tumawa

"Ma, its called Coquette. C-o-q-u-e-t-t-e. Coquette~" Sagot naman ni Roxy with matching hand movements pa.

Kulang nalang background music na "I'm just a girl"

"You're pretty, kahit wala kang ayos" Sabi ko naman sa kaniya habang nilalagay yung earphones sa tenga ko.

Namili na ko ng pwedeng patugtugin habang nasa byahe pa kami. Ano kaya magandang soundtrip ngayon?

🎶I Wanna Know What Love Is - Foreigner 🎶

🎶 I've gotta take a little time
A little time to think things over
I better read between the lines
In case I need it when I'm older 🎶

Habang nasa biyahe kami, nakikita ko si Tita Nelyn na kinakausap si Tito Mike tungkol sa plano nilang mag shopping pagkatapos magsimba. Tahimik lang ako sa likod, nakikinig ng music, tinitignan yung mga dinaanan naming mga building at puno. Mukhang kalmado naman ang umaga, at parang tamang tama lang ang simoy ng hangin sa labas.

🎶 I wanna know what love is
I want you to show me
I wanna feel what love is
I know you can show me 🎶

Secrets and RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon