Chapter 19

7 2 0
                                    

Chapter 19
── JamFest Showdown

"Did you warm up?"

"Did you drink a lot of water?"

"When was your last practice?"

"Gusto mo bang ako nalang pumalit sa'yo? I can sing naman"

Kanina pa sa bahay ganyan si Roxanne. Panay tanong kung ok ba boses ko, nakapag warm up daw ba ako, maligamgam daw ba na tubig ang ininom ko, at kung ano ano pang concern niya sa'kin.

JamFest Showdown na kasi ngayon, which means labanan na ng mga banda. Sabi ni Miss Aurora, eto daw yung pinakamadaming gustong sumali talaga pero 1 representative per section lang sa Junior High Level at 1 representative per College Department naman sa College Level.

Eto rin kasi yung parang pa audition ni Sir Sean para sa Music Club niya pero magkakaroon pa rin naman ng another audition incase hindi enough daw ang members na mapipili niya ngayon.

Malapit na kami sa School. Syempre, sila Tita Nelyn ang kasabay namin. Naka black skirt, white polo na crop top, black leather suit jacket, black neck tie, at yung sinuot kong stockings at boots kahapon sa cospaly. Naka ponytail lang ako na may white ribbon galing kay Roxy at syempre ang eyeglasses ko na nakalagay lang sa ulo ko. Sabi kasi ni Gizelle, mag black and white outfit daw kami.

"Nak, ba't ikaw pa 'tong kinakabahan? Look at Vien, relax lang" Sabi ni Tito Mike habang nagmamaneho

Ay nako, tito! Para nga kong nagkape sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.

"Vienna can do it. Parang hindi mo pa narinig kumanta 'yan" Sabi ni Tita Nelyn "Manang mana 'yan sa mama niya"

"Really? Tita Mina is a singer?" Tanong ni Roxy na parang namamangha

"Aba, syempre!" Proud na proud na sinabi ni Tito Mike "If Mina can ace her singing contest nung kasing edad niyo pa siya, paano pa kaya si Vienna?"

Oo nga pala, may naikwento pala 'to sila mama sa'kin na sumali rin 'to ng mga singing contest nung bata pa siya. Laging nakasuporta pa nga daw 'tong si Tito Mike kay Mama, well, magkapatid sila eh.

"Nasa lahi na ng mga Tiongson 'yan, Nak" Dagdag ni Tito Mike "Magagaling kumanta, talented pa"

Nagtawanan naman kami nila Tita Nelyn at Roxy ng mahinhin sa sinabi ni Tito Mike. "Oy, totoo 'yan."

"Ah nako, basta ako excited ako sa performance mamaya nila Vienna. Manonood kami, hindi pwedeng hindi namin makikitang mag perform 'to sa stage" Sabi naman ni Tita Nelyn

Nakarating na kami sa parking lot ng school at bumaba na. Nag kaniya kaniyang lakad na kami, dumiretso na si Tito Mike at Tita Nelyn sa booth nila at pupuntahan daw ni Roxy si Audrey na nasa garden kasama daw si Miguel. Dumiretso na ako sa room namin dahil andoon daw sila Gizelle.

Habang papunta ako sa building namin, nakita ko naman si Lucas na nakasandal sa hagdan ng building namin.

"Uy Lucas! Anong ginagawa mo dito?" Bungad kong bati sa kaniya

"May plano ako" Sabi nito

At talagang tumambay pa siya dito para sabihin lang na may plano siya?

"Dapat nag text kanalang kung ganon" Sabi ko naman habang tumingin tingin sa paligid "Baka may makakita pa sa'tin"

"Ngayon ko lang kasi naisip 'to eh. Ngayon ko lang rin nalaman na kasali ka pala sa JamFest" Sabi nito "Follow me, doon tayo sa garden namin"

At talagang sa building pa ng mga wakwak gustong makipag usap

Pero pinigilan ko siya "Ayoko. Baka andoon si Von"

Secrets and RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon