Gwen's POVI wanted to check if gising na ba si Sheena when mom called and asked me to go downstairs. She said may bisita raw.
Who could it be naman? Nataon pa talaga na kung kelan andito kami ni Sheena.
Let's find out.
----------
Third Person's POV
Pababa pa lang ng hagdan si Gwen naaninag na niya kung sino ang bisita. It's her ninang Cleo and ang kinakapatid niyang si Samantha.
Ilang steps pa mula sa hagdan ay sinalubong na agad siya ni Samantha.
Sam: Omygosh Mae! You look really H-hot I mean pretty!
Gwen: Hi, Sam. Nakauwi na pala kayo from Canada.
Hinatak naman siya ni Sam sa couch where Sam's mom and her mom are chitchatting.
Lumapit muna siya sa mommy ni Sam para magmano.
Gwen: Hello po, ninang. Kamusta po.
Ginulo naman ng ninang niya ang kanyang buhok na animo'y batang maliit pa siya.
Busy pa rin ang kanyang mama at ninang na magkwentuhan. They've been friends since college kaya gets niya na excited lagi ang mama niya pag nauuwi mula Canada ang kanyang ninang.
Agad naman pumalupot sa braso niya si Sam nang makabalik siya sa upuan. Dahilan para magbiro ang ina ni Sam.
Ninang Cleo: Bagay na bagay talaga ang mga anak natin ano mare?!
Eto na ang eksenang nakita at narining ni Sheena. Kaya naman dahan dahan siyang bumaba.
Tita Malou: Ay nako mare, pasensya ka na. E may napupusuan na ang anak ko eh.
Ninang: Sino naman mare? Mas maganda ba yan kesa sa anak ko? Sabi mo naman kasi nung college tayo, imatch making natin ang magiging anak natin e. Kahit ano pang gender na kalabasan nila. You know naman me, I love rainbows in all forms.
Bigla namang tinuro ni Tita Malou si Sheena na nasa kalagitnaan na nang pagbaba sa hagdan. Siya lang ata ang nakapansin sa dahan dahang pagbaba neto.
Tita Malou: Ayun oh! Magandang dilag din, si Sheena. Bisita nga namin eh.
Agad namang napatingin si Sam, ninang Cleo at Gwen sa gawi na tinuro ni Tita Malou.
Lumaki naman bigla ang mata ni Gwen nang makita si Sheena at agad niyang tinanggal ang nakapalupot na kamay ni Sam sa kanyang braso, tsaka siya biglang napatayo.
Gwen: S-Sheena
Tinignan naman ni Sam si Gwen na nakatulala kay Sheena. Tsaka nabaling ang tingin niya kay Sheena mula ulo hanggang paa. As if she's scanning every details of her body.
Lumapit si Gwen para hawakan at hilahin si Sheena papalapit sa couch kung nasaan ang tatlo na siyang kinagulat ni Sheena. Medyo naiinis pa siya kay Gwen for allowing that girl to hold unto her arms like that, but she needs to be respectful and to remain composed as possible.
BINABASA MO ANG
Exchange of hearts - Hambebe AU
RomanceHambebe enjoyers. Hambebe layag unsinkable ship How will one accident change the course of Gwen, Sheena and Aiah's lives? Will the heart beats for the same person? Will it be still be called a true love in-a-beat? This is a Hambebe centered AU. Hind...