WARNING: This chapter consists of brutal acts that may not be suitable for all readers. If you know you can't handle this content, please skip this chapter. Please, consider your own comfort before proceeding. (READ AT YOUR OWN RISK)
—----
"Peppero magaling ka na?"
Nangiting tanong ko habang naka dapa sa t'yan ko, nakatitig sa pusa ko.
Tumigil na kasi ang pagdurugo ng paa nito, at gumagalaw galaw na.
Natatawa pa ako dahil parang tumatalon pa 'to para lang makpaglakad. May straightener din kasi ang paa nito para hindi mapuruhan, kaya kala mo ay rabbit na tumatalon.
"Para kang timang Peppero." Pang aasar ko sa kan'ya, mukhang naintindihan naman ako nito at sinamaan ng tingin.
Okay na rin daw s'ya sabi ni Henna, dahil mahigit isang linggo na rin ang nakakalipas simula ng maaksidente s'ya. Wala na rin 'tong dextrose, at dahan dahan ng nakakagalaw.
Napagawan ko na rin s'ya ng prosthetic na paa na muntik na talagang sumimot ng pera ko sa bangko , pero ayos lang! Okay na ang pusa ko!
"Ahh! Ang bango bango bango mo!" Kinikilig na sambit ko, kasabay ng pagtaas nito sa era.
Pinapadyak ko rin ang paa ko habang yakap yakap ang abunjing bunjing na 'to.
"Alam mo? Mas mataba ka na sa akin, ang bigat bigat mo na!" Kunyaring pag papagalit ko sa kan'ya. "Scammer ka Peppero! Nung nakita kita mas maliit ka pa sa kamay ko, tapos bigla kang lumobo?! Aba!"
Nakagat ko pa ang pang ibabang labi ko, kasabay ng mahinang pag pitik sa ilong nito.
"Cute mo kainis!" Nangigil ako!
Pinaglalaruan ko si Peppero, nang marinig kong tumunog ang cellphone ko.
Sandali kong binaba sa ere ang pusa ko, at kinarga 'to na parang sanggol sa isa kong braso kasabay ng pag kuha sa phone ko.
Nangunot ang noo ko, nang makita kong may nag live sa facebook page na sinalihan ko para kay Drix.
"Malapit lang 'to dito ah?" Bulong ko sa sarili ko.
May event na nangyayari kasi hindi kalayuan dito sa tinitirahan ko, at base sa live na 'to ay nandito si Drix.
Ni isang ngiti ay wala akong nakita sa mukha n'ya, pero seryosong tumutulong sa mga tauhan nito.
Agad naman akong napatayo dahil doon, kasabay ng pag bihis jacket ko.
Nagpabango lang ako, dahil naligo naman na ako ilang minuto lang ang nakalipas.
Kahit naman miserable ang buhay ko, ay hindi pa rin ako papayag na kakaiba amoy ko. Baka imbis na ako 'yung mamatay, ay katabi ko 'yung malagutan ng hininga kapag naamoy ako.
KInuha ko rin ang bag kung saan ko laging nilalagay si Peppero, transparent 'yun at bilog para kitang kita n'ya rin ang pinupuntahan namin.
Hindi ko na 'to iiwan, at baka pag uwi ko matulunay na. Aba, wag naman! Ang laki na ng nagastos ko.
"Sumama ka sa akin!" Pag buhat ko sa kan'ya, tska nilagay sa bag.
Nag bulsa rin ako ng mga naka sache na pagkain n'ya, para hindi magwala.
Walang ilang saglit ay lumabas na rin ako sa bahay, wala naman akong balak na lumapit sa maraming tao at baka magwala lang ako kapag nasanggi nila ako.
Gusto ko lang matanaw si Drix sa malayo, hindi ko alam kung bakit pero wala lang gusto ko lang s'ya makita.
Hindi dahil gusto ko s'ya, pero curious na curious ako sa kan'ya.
YOU ARE READING
UNDER Series #5: Controlling her desires.
Misteri / ThrillerAzaleinara Almiera Alcobra isn't someone that you can easily imagine. She was a firefighter and rescue team leader who was always in command of saving people even though she had a trauma nearing with someone. She fantasizes about death and will do...