CHAPTER 16

44.7K 902 369
                                        

"Let's go,"

Pag ngiti sa akin ni Drix, kasabay ng pag lahad sana ng kamay n'ya palabas ng kwarto.

Tinitigan ko lang 'yun, at tinanggihan s'ya bago tuluyang lumabas kung nasaan kami.

Hindi sa hindi ko kaya, takot lang talaga ako sa mga boses na maririnig ko kapag hinawakan ko s'ya.

"Bakit ka pala doon sa kwarto ng bihis?" Tanong ko sa kan'ya, hindi lumalapit sa posisyon n'ya.

Sa likod ko lang s'ya naglalakad, at hinayaan lang akong mauna sa kan'ya.

"It's my room." Tanging sambit nito, na ikinanuot ng kilay ko.

"H-ha?" What?! Kwarto n'ya 'yung malaking kwarto na 'yun?!

Natulog ako sa kama ni Drix?!

AHHH! KAYA PALA ANG BANGO!

"You'll stay on my room from now on." Muling dagdag nito, kasabay ng pagpunta n'ya sa harapan ko at nag simulang maglakad patalikod.

Nakailing ang ulo nito, habang nakatingin sa akin.

"I won't give you a chance to kill yourself, Adlaw." He grinned. "Baka nga mag tago ka pa sa akin, para lang masaktan mo ang sarili mo which...I won't let that happen."

Wala akong sinabi doon, hindi ako sanay kung paano s'ya magsalita lalo na nakangiti pa s'ya.

Ang lambot ng ngiti n'ya, napakalayo sa Drix na nakikita ko sa screen ko noon.

May kung ano sa kan'ya na hindi ko mapaliwanag, pero may kung ano rin dito na gustong gusto ko.

Pumorma ang isang ngisi sa labi ko ng titigan ang buong katawan ng lalaking nasa harap ko.

Mula ulo hanggang paa, s'ya na mismo ang nagsabi na sa akin na s'ya.

This man who was smiling in front of me, offered himself to be mine.

S'ya na mismo ang nagsabi, kaya wag n'ya ako sasabihan ng kung ano sa lahat ng mga mangyayari sa kan'ya.

Kasi after all he was now mine.

"There was something in your smile," muling pagsasalita nit. "It's not genuine, Almiera." Seryosong sambit nito bago inaayos ang paglalakad.

Wala akong sinabi pero muling pumunta sa likuran ko, at nag simulang maglakad kasunod ko.

"Hindi bagay. When you smile, smile because you're happy, not because there was something..." He paused, leaning in closer, his breath warm against my ear. "I don't like that smile, Adlaw," bulong nito sa tenga ko, his voice dropping to a near whisper. "Ayoko ng ganyang ngiti mula sa 'yo, smile bacuse your happy with me, hindi dahil may kalokohan ka d'yan sa utak mo. Sayong sayo na ako, hindi mo na kailangan mag isip ng kung ano ano."

Nawala ang ngisi sa labi ko kasabay ng pagkabigat ng presensya n'ya sa likuran ko.

Nakagat ko ang panloob na pisngi ko dahil doon, mukhang alam na alam n'ya kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Anong aasahan ko, eh parehong may tama kami sa isa't isa? Literal na may tama.

Naramdaman ko ang dahan dahan na paglayo n'ya sa tengahan ko, bago tahimik na naglakad.

May naging katagalan pa ang naging paglalakad namin hanggang sa maabot ang kusina.

Malayo talaga 'yung kusina nila be!

Literal na malaki ang bahay nila! As in malaki!

"Both of you, kumain na kayo." Mabilis na bungad ni Yuan ng makita kami.

UNDER Series #5: Controlling her desires.Where stories live. Discover now