CHAPTER 21

56.6K 991 494
                                        

"Adlaw, urong."

Gumulong naman ako sa kabilang parte ng kama kasabay ng paghatak n'ya ng comforter na hinihigaan ko.

Yakap yakap ko lang si Peppero ngayon, habang nakasimangot si Drix sa direksyon ko– hindi, sa pusa ko s'ya nakasimangot.

Ang aga aga magkasalubong ang kilay eh...magiging angry bird talaga s'ya n'yan.

Kanina pa ako gising pero nakatulala lang ako sa dito sa kama, habang si Drix naman ay nagiligpit sa buong kwarto.

Simula ng magising ako, kanina pa s'ya nag lilinis mula sa mga nakakalat na damit, hanggang sa pag v-vaccum ng sahig, at pagpalit ng sheets ng kama.

"Hindi ka ba napapagod?" Tanong ko sa kan'ya habang nakadapa ako sa dibdib ko at nakatingin sa kan'ya.

Pinapadyak ko pa ang binti ko sa ere habang pinapanood s'ya sa ginagawa n'ya.

"Is this thing tiring ba? Hindi naman?" Nakangusong sambit n'ya, kasabay ng pagtupi nung tinanggal n'yang bedsheet.

"Nakakapagod kaya mag linis–"

"Mas nakakapagod tingnan na magulo 'yung kwarto." Putol nito sa akin. "It was so hard for me to move if things was messy around me."

Kala mo naman kakantihin s'ya, laging galit aba.

"Ngumiti ka nga, ang aga aga pa para ka namang pinagsakluban ng langit at lupa–"

"What if tulungan mo ako?" Nakataas na kilay na tanong n'ya sa akin.

Natawa na lang ako doon, at bumangon sa pagkakahiga ko.

Niligay ko lang sa cage si Peppero, kasi totoong takot si Drix sa pusa at hindi talaga lumalapit sa akin kapag hawak ko s'ya.

Ang sabi n'ya nakagat daw kasi s'ya ng pusa noon, dahilan para isugod s'ya sa hospital dahil hindi kinaya ng katawann'ta 'yung rabies nung pusang gala na gumagat sa kan'ya.

HIndi naman pusang gala bunjing ko ah? Mas alaga ko pa nga 'to kay'sa sa sarili ko hmp!

Pagkalagay o kay Peppero sa kulungan nya, ay tinulungan ko s'ya na magligpit. Kawawa naman, 'di pa kami nag aalmusal pero naglilinis na s'ya.

Kapag 'di ako tumulong baka ako pa sabihan n'ya na ako 'yung kalat dito, edi umiyak ako? Wag ganon, foul 'yun.

"You're a clean freak, aren't you?" Tanong ko sa kan'ya, habang sinasabit sa closet n'ya 'yung ibang mga jacket na tinggal n'ya para ayusin.

"Ayaw ko lang ng magulo." Sagot n'ya sa akin.

"Hindi naman magulo?" Muling ikot ko.

"Malamang niligpit ko na." Masungit nasambit nito.

Naningkit naman ang mata ko dahil doon, bakit kaya highblood 'to hindi ko naman inaano.

Ang bait bait ko nga, tinutulungan ko na nga s'ya pero badmood pa rin.

"Gutom ka na ba? Ang sungit mo eh." Pag nguso ko dito.

Hindi 'to nagsalita, pero kita ko ang pagbuntong hininga n'ya bago naglagay ng ngiti sa mga labi. Ambilis mag change ng mood ah, wow angas.

"I am, so please? Can we finished all of this na, so we could eat breakfast?" Mas malumanay na pakiusp nito sa akin, gamit ang nang aamong mata nito.

Napalobo ko na lang ang pisngi ko dahil doon, 'yan alam mo kasi kung paano ang kukunin.

Isang ngiti mo lang parang wala ng nangyari– malandi.

Napatango lang ako dito, alas sais pa lang kasi ng umaga at nagising ako sa pag v-vaccum n'ya.

UNDER Series #5: Controlling her desires.Stories to obsess over. Discover now