WARNING: This chapter contains mental distress, that may not be suitable for all readers. Please consider your own comfort before proceeding. (READ AT YOUR OWN RISK.)
—--------
"Hi, Ms. Rescuer! Hi, Tito!" Bungad ni Yuela ng makatapak kami sa mansyon.
Hindi pa man tuluyang naibababa ni Drix ang gamit n'ya, ay mabilis na binuhat n'ya si Yuela at hinalikan sa pisngi.
Ang gaan talaga nito pag dating sa mga pamangkin n'ya, na akala mo ay hindi galit sa mundo.
"Why does my princess still up?" Pag lalambing ni Drix kay Yuela.
"I went to the kitchen to get some milk," pag ngiti nito.
"Alone?"
"No, she was with me." Sagot ng isang boses.
Nilingon ko ang direksyon nun, kasabay ng pagbagsak ng dibdib ko.
Anong...
"Hi, it's nice to see you again." Bungad ng lalaking 'yun ng dumampi sa direksyon ko ang mga mata nito. "Good evening, Ms. Rescuer." Ngiti nito na nagpaatras sa akin.
Bumigat bigla ang paghinga ko doon, kasabay ng paghakbang paatras at pagtago sa likuran ni Drix.
"Aw, you're scared sa akin–"
"Stop mocking her, Cadis." Malamig na boses ni Drix.
Isang tawa naman mula sa lalaki ang narinig ko, bago inangat ang parehong kamay at kinuha si Yuela sa braso ni Drix.
Halatang halata talaga na mas bata 'to sa amin, pero hindi naman nalalayo sa tangkad na meron kami ni Drix.
"You shouldn't be scared to him, Mera." Nakangiting sambit ni Drix ng humarap 'to sa posisyon ko. "Almiera, this is Cadis. My cousin. He was one of the person you can call if you need something." Pag papakilala n'ya.
Wala akong sinabi don, at napalunok na lang ako.
Ang amo ng mukha ng lalaking 'to, kung hindi mo alam ang ginawa niya nung nakaraan ay hindi mo maiisip dahil sa kainosentehan ng mukha n'ya.
"I'm a doctor." Sambit nito na ikinataas ng kilay ko.
"Ha?"
"If you're wondering how did I that, that was because I'm a doctor." Palinawag nito. "I just did that to save you, because my cousin was whining at me–"
"Bakit ka nandito?" Biglang putol ni Drix sa kan'ya.
Kita ko ang mahinhin na pagtawa nitong Cadis, at nang aasar na tumitig dito.
Doctor? Ilang taon na ba s'ya...
Kahit na naguguluhan ay may kung anong nagpalinaw sa utak ko kung ano nga ang nangyari nung nakaraan, baka nga...
Baka ng naagapan ni Drix ang pagdudugo sa pulsuan ko kaya naman ay naligtas nila ako, kaso ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nila ako tinali– ah, baka takot sila na saktan ko ulit ang sarili ko kapag nalaman kong buhay ako.
"We're just visiting the kids, nasaktuhan lang na wala ka." Panibagong boses ang narinig ko kasabay ng paglabas ng isang maganda pero maliit na babae. "Oh...who is this tower– damn, hindi na pala talaga si Hera? Sigurado ka na?" Nakangising tanong nito kay Drix.
Nag salubong ang mga kilay ko dahil doon.
"Hera?" Mahinang bulong ko sa sarili.
Sinong Hera?
YOU ARE READING
UNDER Series #5: Controlling her desires.
Mistero / ThrillerAzaleinara Almiera Alcobra isn't someone that you can easily imagine. She was a firefighter and rescue team leader who was always in command of saving people even though she had a trauma nearing with someone. She fantasizes about death and will do...