CHAPTER 4

5.2K 123 38
                                    

Nakatulala ako ngayon habang diretsong nakatingin kay Peppero.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa 'to gumigising, buhay naman s'ya kasi nakikita kong gumagalaw ang bilog nitong t'yan.

Baka natutulog lang...

Nawala na ang mga boses na 'yun sa utak ko nang mapalitan ng hapdi sa pag guguhit ko sa katawan ko, sana lang talaga ay hindi na maulit ang nangyari kahapon dahil baka mawala na ako nang tuluyan sa sarili ko.

Gumala ang mata ko sa buong kwarto kung saan ako namamalagi, hanggang sa bumagsak 'to sa lamesa at nakita ang isang platic.

Dahan dahan akong naglakad patungo sa lugar na 'yun, at binukasan.

"Meron pa pala nito?" tanong ko sa sarili ko, nang makita ang pandesal dito.

Hindi ko maalala kung kailan ko 'to binili, pero nailing ko na lang ang ulo ko habang tinitigan ang piraso nun.

Wala pa naman akong nakikitang kahit anong amag, wala naman akong balak kainin 'to pero ramdam na ng t'yan ko ang pagtunog nang sikmura ko.

Wala na akong cash ngayon, at simula pa kahapon ay hindi kumakain, at ayaw ko rin namang lumabas dito.

Ayaw kong makasalamuha nang kahit na sino, at gusto ko lang samahan si Peppero dito.

Sana talaga ay magising s'ya, bukas na lang ako lalabas para bumili nang gamot n'ya kapag tuluyan na akong kumalma.

Baka, ako pa kasi ang masagasaan dahil sa pag pa-panic kapag ngayon ako lumabas.

Wala naman sa aking kaso kung mabangga ako, pero hindi ako pwede mawala na andito pa si Peppero. Kawawa naman s'ya...

Mariin kong pinikit ang mata ko, tska binitawan ang pandesal na hawak hawak ko.

Kinuha ko na lang din ang cellphone ko, at isinaksak sa nag iisang saksakan dito.

Isiniksik ko ang sarili ko tabi nun, kasabay ng paggamit nun.

Dahil sa algorithm ng social media, ay puro mga litrato ni Drix ang naging laman ng feed ko.

May isang page pa nga akong nakitang para lang sa kan'ya, halos lahat ng laman ng comment section ay ang mga papuri nila, at pag hanga sa batang 'yun.

Napanguso ako, habang hawak hawak ang balikat ko na s'yang ginuhitan ko. Pumipitik kasi ang hapdi nun dahil sa pawis na umaagos ko dahil sa init ng lugar na 'to.

Dahil nga gamit ko ang saksakan, ay kinailangan kong tanggalin ang naka clip kong electricfan dito.

Sa saktong pagbaba ng daliri ko ay bumungad sa akin ang isang article tungkol kay Drix.

"At just 21 years old, Drix Yudesco Hacovo has impressively taken the reins of their family company, steering it to success while donating billions to various charities, showcasing both business acumen and a heart for philanthropy."

kakandong_kay_Yudesco: Baka asawa ko 'yan!

Mrs.Hacovo: Andito si Drix sa tabi ko, naksuksok sa leeg ko kinikilig.

"Matalino nga talaga s'ya." Bulong ko sa sarili ko.

HIndi ko na namalayan ang oras na s'yang binabad ko sa cellphone ko, kakabasa ng mga article tungkol sa kan'ya, mga edit mula sa interview n'ya ay paulit ulit ko rin pinanood, hanggang sa sumali rin ako sa fan group na nakita ko sa isang website.

May kung anong pumorma sa labi ko, kasabay nang paghahanap nang social media n'ya para sana i follow kaso wala akong makita maliban sa mga fan accounts.

UNDER Series #5: Controlling her desires.Where stories live. Discover now