CHAPTER 15

30.2K 670 199
                                    

"Let's go, dalawang araw ka ng 'di kumakain. I'm sure you're hungry."

Sambit ni Lewis, na nag pasalubong kilay ko.

Dalawang araw?! Dalawang araw akong walang malay?!

"I-ilang araw ang kabuuan na nandito ako?" Nauutal na tanong ko sa kan'ya bago naglakd palabas ng kwarto.

"Almost a week." Kalmadong sambit nito na nagpasalubog sa didbib ko.

Yung pusa ko! What if pumayat s'ya kasi wala ako– oh...kasama pala s'ya ni Henna.

Sa paglabas ng kwarto ni Lewis, ay sumunod ako sa kan'ya hindi nililigpit ang kama na s'yang hinigaan ko.

Ayaw kong hawakan 'yun, masyadong malinis 'yun at maganda para sa mga kamay ko.

Sa pagdaan namin sa isang malaking salaming sa hallway ng bahay na 'to, ay napansin ko rin na ibang na ang damit na suot ko.

Isa 'yung pantulog na satin pajama, at kulay pula 'yun.

Hindi pa ako nakaramdaman ng gan'tong tela sa katawan ko, parang hangin lang 'to sa gaan at ang kinis sa magaspang kong balat.

Nagising rin ako na nakatali ang buhok ko pataas na hindi ko alam bakit. Isang buntong hininga ang binitawan ko, aminin ko man o hindi ay 'tong itsura ko ngayon ang pinaka malinis na naging itsura ko.

Sa unang pagkakataon, nag mukha akong tao...

Matapos ang mahabang naming paglalakad, ay nakarating kami sa parehong kusina kung saan ako nakakain nung nakaraan.

Nilibot ko ang paningin doon, at mas alalo lang nagulat ang sistema ko sa sobrang laki ng lugar na 'to. Parang kahit pagsama samahin ang lagi ng headquarters namin, ay wala sa kalingkingan ng lawak ng buong mansyon na 'to.

Anim lang silang nakatira dito, hindi ba napakali ng bahay na 'to...

Buong squatters area na tinutuluyan ko, ay mukhang kasya sa lugar na 'to malaki pa ang espasyo na matitira kung sakali.

Namulat naman ang mata ko ng makita ang pagkain sa lamesa, hindi 'yun kasing dami ng nung nakaan dahil isang plato lang ang nandoon, pero ang dami pa rin nun.

Pang dalawang linggo na pagkain ko na ang nakalatag dito...

"You should eat." Sambit ni Lewis, kasabay ng pag upo sa harap na upuan. "The kids aren't here, pinahatid ko na sila sa school. Even my husband wasn't here, also Drix." Ngiti nito.

Wala namang lumabas sa bibig ko don, at napako lang ang mata sa itsura ng babaeng 'to.

Dati sa cellphone ko lang s'ya nakikita, at kahit sa screen palang ay gandang ganda na ako sa kan'ya, pero ngayon ay may kung ano talaga sa presensya n'ya.

Nanlalaban ang itsura nito, pero may kung anong magaan sa aura n'ya.

Hindi na ako magtataka kung bakit n'ya nakuha ang panganay ng mga Hacovo, dahil sa sobrang ganda nito. Parang s'yang dyosa na nahulog dito sa mundo para maghatid ng kung anong ganda.

Pero sa kabila ng ganda nito, ay naalala ko kung ano ang sinabi n'ya sa akin kanina.

Kung totoo ang mga inilahad nito, ay tama nga s'ya. Pareho pero magkaibang dilim nag pinagdaanan namin noon.

How could this beautiful woman suffered that thing. Sa bait ng babaeng 'to, bakit hinayaan ng mundong sapitin n'ya 'yun?

Kung ako ay tanggap ko pa, pero kapag tungkol sa iba parang hindi ako makapaniwala.

"Stop staring at me, baka isipin ko may gusto ka sa akin hays...nagbabagong buhay na ako, Almiera. May mga anak na ako, at asawa." Pag iling nito, kasabay ng pag inom ng gatas sa baso n'ya.

UNDER Series #5: Controlling her desires.Where stories live. Discover now