CHAPTER 13

5.2K 206 45
                                    

WARNING: This chapter contains themes of SUICIDE ATTEMPT. Please take a moment to consider your own emotional well-being before proceeding. This chapter may not be suitable for everyone.

I understand that some of you may find this content triggering. If you feel that it could negatively impact you, I strongly encourage you to SKIP THIS CHAPTER.

Your mental health and comfort are the most important things, and it's okay to step away from difficult material if needed. Please prioritize yourself and seek support if necessary.

If you're having the same problem with yourself, please talk to someone.

May this hotline help you:

HOPELINE

(0908) 639 2673 (Smart/tnt)

(0966) 351 4518  (Globe/Tm)

(0917) 899 8727 (Landline)

In Touch: Crisis Line

(0919) 056 0709 (Smart/Tnt)

(0917) 800 1123 (Globe/Tm)

(2) 8893 7603 (Landline)

Please be safe and well.

(READ AT YOUR OWN RISK.)

—-------------

"What did you do?"

Seryosong tanong nito sa akin ng tuluyang makaharap ako sa posiyon n'ya.

Hindi ko naman inalis ang kamay ko sa bakal dahil may espasyo naman ang layo n'ya sa akin.

Mukhang alam n'ya na kung paano ididistansya ang sarili n'ya, sana alam din ng mga tao dito kung anong hindi ko gusto.

Alam kong hindi ako espesyal para sila ang mag adjust sa akin, pero kung mananatili ako dito sana...sana ihiwalay nila ako ng kwarto.

Masyadong makapal ang mukha ko para hilingin 'yun, pero mas pipiliin ko na lang na ganon.

Kahit ang pinaka maliit na lang, kahit tumayo na lang ako magdamag, ayos lang basta wag nila akong isasama sa ibang tao.

Kasi kahit anong pilit ko, hindi ko kaya–

"Almiera." Isa muling madiin na pagatawag ni Drix ang pumitik sa tenga ko, dahilan para umangat ang mata ko sa kan'ya.

Ang dilim ng mga titig nito sa akin, ang bigat ng presensya n'ya.

Matangkad ako, pero pababa n'ya akong tinitigan dahilan para manliit ako sa sarili ko.

"What did you do to be here–"

"Anong ginagawa mo dito?" Pag putol ko sa kan'ya, iniiwasan ang ang tanong n'ya.

Alam kong may kakayanan s'yang malaman ang nangyari sa akin, pero para sa sarili ko ayaw ko na 'yung sabihin.

Ayaw ko na ilandtad ang ka-demonyohang ginawa ko sa kan'ya.

Sa lahat ng taong pwedeng makaalam nito, s'ya ang nasa huli sa listahan na 'yun. Pero, bakit s'yang ang nauna dito?

Kahit na sabihin kong hindi ko kaibigan sina Izus, at Henna ay umasa pa rin ako na sila ang unang pupunta sa akin para tanungin ako.

Katarabaho ko sila, sila ang unang makaalam na naka aksidente ang government vechicle namin.

Pero, bakit? Bakit si Drix ang unang nakaalam sa katarantaduhang nagawa ko, na pwede pang maging resulta ng pagkapatay ko ng tao?

"You're not answering my question, Almiera." Muling sambit nito sa isang presensya na hindi ko makilala. "Is that really your fault?"

Dahan dahan kong natanggal ang mata ko sa kan'ya, kasabay ng pagyuko ng ulo ko, at pagbitaw sa reha ng selda na to, bago humakbang paatras.

UNDER Series #5: Controlling her desires.Where stories live. Discover now