CHAPTER 24

3.8K 210 126
                                    

"I made you some chocolate cake."

Inaantok pa ang mata ko, at nakapikit pa nga 'tong gisingin ako ni Drix dahil amy chocolate daw s'yang ginawa.

Sabog sabog pa ang itsura ko dahil nga kakagising ko lang, parang pugad pa nga ng ibon ang buhok ko ng matanaw ko ang itsura ko sa malapit na salaming dito sa kwarto.

Halos ayaw pa nga dumilat ng mata ko, pero ramdam ko ang sunod sunod na pagdampi ng maliliit na halik ni Drix sa akin.

"Anong...oras na?" Inaantok na tanong ko sa kan'ya.

"7 am, Adlaw ko." Malambot na sambit n'ya, na hinahalikan pa ang mukha ko kahit na pakiramdam ko ay ang dami ko pang laway doon.

Kahit hindi pa tuluyang mulat ang mga mata ko, ay aninag ko na nakapolo na si Drix, at maayos na ang damit nito.

"I know you love chocolate so much, so I made you some for your breakfast...also, your hot chocolate was here." Ngiti nito sa akin.

Imbis na pansin ang pagkain na binigay n'ya, ay yumapos lang ako sa katawan n'ya habang binabawi pa ang tuliro ko mula sa pagkakatulog.

Siguro umabot pa ng sampung minuto ang pagtulala ko sa kawalan, habang nakayakap ako sa kan'ya.

"Drink thid, before it gets cold." Malambot na sabi n'ya, bago n'ya hinarap sa akin 'yung tasa na may chocolate.

Hindi pa ako tuluyang gising, pero kinuha ko na 'yun at ininom ko.

Ninamnam ko pa sa dila ko ang sarap nun, na s'yang tuluyang nagpagising sa katawan ko.

Pumadyak pa ang paa ko sa kama, kasabay ng maliit na pagtawa ni Drix.

"Ahh," sambit nito na pinanganga ako.

Ginawa ko naman 'yun, bago n'ya sinubo sa akin ang cake na binake n'ya.

Ang sarap ah!

"Anong cholate ginamit mo?" Parang batang tanong ko sa kan'ya, at kinuha na sa kamay n'ya 'yung sinusubo n'ya sa akin.

Tumalbog talbog pa ako sa kama, dahil sa sarap ng ginawa n'ya. Nabuhayan ang buong katawan ko, at naging aktibo ang dugo ko dahil dito.

Wala ng hila hilamos, o mumog kasi sa kama na ako binigyan ng almusal ni Drix! AHHH!

"Dark chocolate," pag tayo n'ya kasabay ng paglagay ng necktie sa leegan n'ya. "It will make syou satiated longer, and boost your energy throught out the day." pagngiti n'ya sa akin.

Tuloy tuloy lang ang pagtango ko sa kan'ya, kasabay ng pagubos ng mga dinala n'ya dito sa kwarto.

WAHH! BUSOG NA AKO! ANG SARAP!

Nang maubos ko 'yun, at naitabi sa gilid ay yumapos na naman ako kay Drix. Parang bigla talaga akong bumabait kapag pinakain, kaya take note.

Kapag masungit ako, ibig sabihin nun gutom lang ako.

Nawala na lahat ng nasa utak ko nung nakaraang araw, hindi rin naman kasi ako hinayaan matulog ni Drix na masama ang loob sa mga nasabi n'ya.

Literal na hindi s'ya natulog, hanggang hindi ako natutulog na walang sinabi.

Inilabas pa n'ya ako, at pinagluto, sunod sunod rin ang sorry n'ya sa akin at sinakyan pa ang kung anong trip ko para lang pansinin s'ya.

Natalian ko pa ang buhok nun, at nilagyan ng ponytails ang buhok na s'yang hindi n'ya tinaggal kahit nung kumain na kami ng dinner kasama sila Yuan, and Lewis na halatang natatawa sa kan'ya.

Paano pa ako magagalit kung ni isang pag kairita sa mukha n'ya ay wala akong nakita, at masaya rin s'ya sa pag aamo sa akin? Sige ka, kapag ako nasanay ng gan'to ah.

UNDER Series #5: Controlling her desires.Where stories live. Discover now