CHAPTER 23

14.6K 338 166
                                    

WARNING: This chapter consists of EXPLICIT WORDS, that may not be suitable for all readers. If you know that you get easily offended by some words regarding DEATH, and other forms of INSENSITIVITY please consider your own comfort before reading this. (READ AT YOUR OWN RISK)

—------

"Ang boring bunjing ko..."

Nilubog ko lang ang mukha ko sa t'yan ni Peppero, habang pinaglalaruan s'ya dito sa kama.

Pumasok na kasi si Drix, at mukhang mamayang gabi na naman s'ya uuwi.

Ilang oras pa lang s'yang wala, na mimiss ko na s'ya.

Ahh! Hindi ako makahinga– charot, OA masyado.

"Mwa!" Pag halik ko kay Peppero.

Sana maaga s'ya umuwi, para sabay kaming kumain huhu

Di na ako sanay walang kasabay, lalo na kapag 'di s'ya kasabay pakiramdam ko hindi ko malunok 'yung kinakain ko.

Grabeng pangungulila 'to.

Gusto ko sana pumunta sa Unit ngayon kaso nasaktuhan naman na day off ko, kaya wala rin akong gagawin don kahit pumunta ako.

Pahinga ko ngayon, kaso na b-boring naman ako.

Wala rin si Lewis sa sala nung sinilip ko kanina, mukhang nasa kwarto na naman s'ya nakikipag laro sa asawa n'ya.

"Hays buhay, anong gagawin natin?" Tanong ko sa pusa ko, at niyakap na 'to sa braso ko bago tumayo sa kama.

Sumipat naman ang mata ko ng makita ang kalendaryo sa table ni Drix dahilan para pumunta ako doon, at mapagtanto ang petsa.

"March 26..." Bulong ko sa sarili ko.

Napalobo ko ang pisngi ko, kasabay ng pag himas sa ulo ni Peppero. So, this is her day?

Isang malaking buntong hininga ang binitawan ko kasabay ng pag porma ng maliit na ngiti sa labi ko.

"Birthday n'ya ngayon..." Bulong ko kay Peppero, at mas lalong hinigpitan ang yakap dito. "Birthday ni Weziani ngayon..."

Tumayo ako sa kama, at lumabas dito sa kwarto. Tanging mga kasambahay lang ang nakikita ko sa paligid, at wala ng iba.

Ang boring rin pala kahit malaki 'yung bahay, pero walang kasama no? Kaya siguro, ayaw ni Yuan na mag isa si Drix sa sarili n'yang mansyon.

Nang tuluyan akong makalabas, ay umupo ako dito sa isa sa mga baitang sa bukana ng pinyuan, kung saan tanaw ang napakalawak na lupain ng mga Hacovo.

Napanguso na lang ako, habang hinihimas sa kamay ko si Peppero.

Alagang alaga kasi ang hardin dito sa harapan, kung saan kita ang pagdidilig ng mga tauhan, pati na rin ang pangangalaga nila sa mga puno na s'yang kinukurbahan ng mga hardinero.

Ang sarap maging mayaman talaga, wala ka ng ibang iispin kundi ang gumising at mag trabaho lang para sa milyon milyong pera na makukuha mo para ipasahod sa mga taong kumikilos para sayo.

Ang swerte ng mga pinanganak sa yaman, hindi nila kailangan maransan 'yung mga bagay na naranasan naming lumaki sa isang kahid, at isang tuka.

Gan'to pala si Lord sa iba no? Pero sigurado naman ako, na bago pa man ang lahat ng yaman na 'to, ay nagsimula rin sa hirap ang pinaka puno ng pamilya na 'to.

Lumaki sa hirap, pero hindi hinayaan na mamatay sa hirap. NAgsumikap na makaahon sa kinalalagyan, at hanggang ngayon dumating sa punto na hindi lang sila nakaahon, nakalipad pa sila sa himpapawid.

UNDER Series #5: Controlling her desires.Where stories live. Discover now