CHAPTER 8

25.4K 572 38
                                    

"Why are you so reckless?"

Tanong nito sa akin, kasabay ng paglagay ng towel sa katawan ko.

Nangungunot ang noo ko, at unti na lang ay mag didikit na ang dalawang kilay ko sa sobrang pagtataka.

May distansya pa rin ang posisyon ko dito dahil ayaw ko pa ring lumapit sa lahat ng tao, hindi lang sa kan'ya.

Nailagay ko na lang din sa braso ko si Peppero, habang pinupunasan ang ulo n'ya ng tuwalya na 'to.

Ang baho mo, baby ko.

"You could have died–"

"Sino ka ba?" Wala sa sariling tanong ko sa kan'ya, habang pinupunasan ang ulo ko ng towel.

Hindi dahil sa hindi ko s'ya kilala, kundi hindi ko alam kung sino s'ya para kwestyunin kung mamatay ba ako o hindi? I like his presence when he was far away from me, but in this distance? Sino ba s'ya?

Ang ayaw ko sa lahat ay ang kwenekwestyon kung mamatay ba ako, o hindi dahil wala naman silang pakialam kung ayun nga talaga ang gusto ko.

Gustong gusto ko s'yang nakikita dahil pakiramdam ko ay may kung sa imahe n'ya, pero kung tungkol sa kamatayan ko. Aba, wala s'yang pakialam.

"H-hindi mo ba ako kilala?" Nagsalubong na kilay na tanong nito sa akin.

"Kilala." Mabilis na sagot ko dito.

"Then why did you asked, who am I?" Muling tanong n'ya sa akin.

"Sino ka para mangialam kung gusto ko mamatay sa pagsugod don, o hindi?" Walang prenong sagot ko sa kan'ya.

Sandaling wala 'tong sinabi, at diretso lang na nakatangin sa akin.

May kung anong lason ang kulay tsokolateng mga mata nito, na naluluhod ako sa mga titig n'ya. Para bang kahit anong oras, ay tuluyan akong malalaglag sa isang bagay na wala akong ideya kung ano.

Sa unang pagkakataon, ay mabilis inalis ang mga mata ko dito.

Hindi ko gawaing tanggalin ang mga mata ko sa kung sino, pero may ibang nag papangilabot sa sistema ko kung paano s'ya tumitig.

Ano 'to? Ano bang kailangan n'ya sa akin?!

"Kung andito ka kasi alam mong sinusun–"

"I was visiting my niece in the same cemetery where you at earlier." Pag putol nito sa akin.

"H-ha?"

"It's my niece's death anniversary and birthday at the same time, so I visited her before her parents." Mahinang sambit nito, kasabay ng pagtanggal ng mga mata n'ya sa akin. "I don't want my brother to see that I was crying for his daughter, 'cause' he'll be more devastated."

Imbis na maliwanagan, ay mas lalo akong naguluhan dito.

Bakit n'ya sinasabi sa akin 'to? Hindi ko naman tinatanong?

Pero...may namatay na anak ang Kuya n'ya? Bakit walang kahit anong balita tungkol doon sa mga page na nasalihan ko?

"I saw everyone lose their lives in front of me..." Muling bulong nito. " And I won't let the one who saved me lose her life in front of my eyes..."

May kung anong dumampa sa akin, nang marinig ko ang mga salita na 'yun kasabay ng pagtayo n'ya sa kinauupuan.

"Is one of your places got eaten by this fire?" Malambot na tanong nito sa akin, "I can help you to find a new place–"

"Kaya ko sarili ko." Pag putol ko dito, kasabay ng ako naman ang tumayo mula sa posisyon ko. "Umalis ka na, hindi ka bagay sa mabahong lugar na 'to."

Tuluyang na akong umalis doon, walang pakialam kung nasusunog pa ba ang lugar na tinitirahan ko.

UNDER Series #5: Controlling her desires.Where stories live. Discover now