CHAPTER 11

13.5K 351 186
                                    

"Nakakagutom..."

Bulong ko sa sarili ko habang diretsong nakatingin kay Peppero.

Andito kasi kami sa unit ngayon, dahil dito ako pumupunta kapag umaga na.

Wala pa rin kasi akong matutuluyan, at wala pa rin akong sweldo kaya naman ay pabalik balik ako dito sa unit namin.

Wala rin namang sinasabi sila Chief, dahil umaga lang naman ako nandito. Hindi rin naman ako makalat, kaya ayos lang.

Naggagala kasi ako kapag gabi, kung saan saan nakakarating. Pakiramdam ko nga ay bangag na nga ako dahil sa laging paglalakad ko kapag lubog na ang araw.

Ewan ko ba sa katawan ko, wala na akong nararamdaman na pagod at mas lalo akong 'di mapakali kapag nanatili ako sa isang lugar.

Kung tama ang tantiya ko ay mahigit isang linggo na akong walang maayos na tulog dahil sa nangyari. Kung matutulog naman ako, ay bigla bigla akong kinakatok ng utak ko sa mga boses na ayaw kong marinig.

Kaysa tuluyang mabaliw sa mga boses na 'yun, ay mas pinipili ko na lang na 'di matulog hanggang sa umabot na sa gan'to na wala na akong nararamdaman na antok sa katawan ko.

Parang 'di na alam nito ang salitang tulog, at pagod.

"What if iluto kita Peppero, crispy pata ang taba mo pa naman–"

"Meow!" Malakas na putol nito sa akin.

Pumorma naman ang ngisi sa labi ko dahil doon.

"Takot din," natatawang sambit ko. "Takot ka pagtripan ko no? Di na ako magugulat kung bigla kitang letchonin dahil sa sobrang taba mo, bangag pa naman ako."

Mas lalo akong natawa ng tumalon 'to palayo sa akin, at sinamaan ako ng tingin bago tumakbo. 

Mukhang natakot nga talaga s'ya, dahil paika ikang naglakad 'to paalis dahil sa prosthetic n'ya sa paa bago tumungo sa isang parte ng unit.

Lumakas ang tawa ko dahil doon, pati si Peppero ay natatakot na sa mga tumatakbo sa utak ko.

My laughter filled the whole headquarters, especially since I was the only person there.

Masyado pa kasing maaga, at mamayang pang alas sais ng umaga ang pasok ng mga kasamahan ko.

Nangingiyak na ang nag iisa kong mata dahil sa kakatawa, ewan ko ba 'di naman ganon na nakakatawa pero tawa ako ng tawa.

Siraulo.

"P-peppero, halika na dito! Joke lang naman!" Muling tawag ko dito, pero hindi ko na nakita.

Hindi ko naman s'ya masisisi kung kahit s'ya natatakot na sa akin eh.

S'ya ang lagi kong kasama, at kitang kita ng mata n'ya ang lahat ng nangyayari sa akin. Buti nga at hindi n'ya ako iniiwan dahil sa takbo ng utak ko.

S'ya ba naman bigla kong halbutin kais iiyak, tapos biglang tatawa, na sasabayan ng sigaw, at kung nagkakataon s'ya ang nakakakita sa pagsugat ko sa sarili ko kapag wala akong magawa, o kaya naman may naririnig ako sa utak.

Kung maipapa-check up ko nga lang ang pusa ko, paniguradong may iniinda na rin yang traumatic experiences dahil rin sa akin.

Hindi malayong madepress din ang mga pusa dahil sa nakapaligid sa kanila, lalo na sa akin.

Naawa ako para sa pusa ko, pero s'ya lang ang kayang tiisin ang lahat ng demonyo sa katawan ko.

Gusto ko s'yang ilayo sa akin, pero ayaw ko naman.

Kapag wala s'ya, paano na ako? Di pwede! Akin lang pusa ko, hmp!

Tumayo ako sa kinalalagyan ko, at nagtungo sa lababo dito.

UNDER Series #5: Controlling her desires.Where stories live. Discover now