CHAPTER 9

27.5K 601 59
                                    

WARNING: Please be advised that our female character has a psychological condition, which means her mental state is unstable, causing her to immediately change her mind in such a matter of time.

This chapter consists of mental distress, traumatic response, self-harm, and manipulation. If you know that you can't take such content like this, please skip this chapter. CONSIDER YOUR OWN COMFORT BEFORE PROCEEDING. (READ AT YOUR OWN RISK)

—--------------------------------

"Ah..." I groaned when I felt how heavy my head was.

Nasobrahan na ata ako sa usok na nalanghap, at nasagad na rin ang katawan ko dahil sa pagod.

Nakapikit na inilagay ko sa noo ko ang braso ko bago inalala ang mga bagay na nangyari– teka?! Hindi pa tapos 'yung sunog ah?!

Gumalaw din ang katawan ko, kasabay ng pagkapa sa kung saan ako nakahiga.

Hindi ako pamilyar sa lambot, at sa pagiging komportable ko sa kung saan lumalapat ang likod ko.

Ilang taon ng sumasakit 'yun sa lapag, kaya naman ay panigurado akong nasa isang kutsyon ako nakahiga ngayon.

Mabilis kong inimulat ang mata ko, kasabay ng isang madilim na kwarto ang bumungad dito.

My brows furrowed because of this unfamiliar scene and feelings.

Hinanap agad ng kamay ko, ang bagay na pwedeng maging ilaw para maliwanagan ako sa kung ano ang nangyayari at nasaan ako.

Panigurado namang wala ako sa unit, dahil maski ang sofa doon ay masakit sa likod. Panahon pa kasi ng kopong kopong 'yung sofa na 'yun, sinusurot na nga.

Wala namang isang sandali, ay may nakapa ako na s'yang nagbigay ng maliit na ilaw sa paligid ko.

My brows furrowed when I saw the room.

Anong...

Mas malaki pa 'to kaysa sa opsina sa unit namin, may dalawang sofa sa harap nito, at isang maliit na lamesa sa harap. May malaking TV rin dito, pero nakapatay 'yun, at ang isa pang pumakaw sa mata ko ay ang napakalaking bintana sa gilid ng kinahihigaan ko.

Tanaw na tanaw dito ang ilaw ng mga mas mababang gusali sa paligid kung nasaan ako, Gabi na rin, kaya naman ay kitang kita ang liwanang ng mga 'yun.

Nasa...nasaan ako?

Muli kong binalik ang mga mata ko sa sarili ko, 'tska napag tanto na may nakakabit rin na swero sa kamay ko.

Nasa hospital ba ako– biglang dumampa ang dibdib ko ng bumaba ang kamay ko sa gilid ng kama na 'syang kinalalgayan ko, at may nakapa na kung ano.

Don't tell me...

Nawalan ako bigla ng hininga, nang mapagtanto na may ibang tao sa kwarto na 'to. Nahawakan ko pa! Ah!

Pumintig ang katawan ko, at kahit na nakaswero ay biglang nahulog sa kama dahilan para sumirit ang dugo sa kamay ko.

Hindi ko inintindi ang sakit, at mabilis na gumapang sa gilid ng kwarto na 'to.

Ang bigat ng paghinga ko, nanlalamig ang buong katawan ko.

Sino 'to? Bakit sya nakatungo sa mismong kama kung nasaan ako?!

May nahawakan akong ibang tao, ako ang nakahawak sa kan'ya!

Nanginginig ang mga kamay ko, at palakas ng palakas ang kabog sa didbib ko.

Sino 'to...

"A-anong, bakit ka nahulog?!" Biglang rinig ko ng makitang umangat ang lalaking naktungo sa kung nasaan ako kanina.

UNDER Series #5: Controlling her desires.Where stories live. Discover now