CHAPTER 19

14.1K 364 137
                                    

"Anong..."

Ayan na lang ang lumabas sa bunganga ko ng makita ang napakaraming bag na pinasok ng mga kasambahay nila Drix sa kwarto kung nasaan kami.

Nagtago din ako sa likuran nito, dahil sa mga taong pumapasok sa kwarto.

Iba't ibang laki ng paper bag ang hawak hawak nila, ang daming karton na mukhang sapatos ang nakalagay. May mga binuksan din silang kulay itim na kahapon na nagpa luwa ng mata ko.

"Ano...ano yan?" Nauutal na tanong ko kay Drix habang nakakapit sa damit nito.

Ilang sandali pa ay natapos sila sa paglalagay ng mga bag na 'yun, at lumabas ng kwarto.

Lumayo naman sa akin si Drix, bago kinuha ang isang kulay itim na kahon bago ako pinaupo sa harap ng salamin sa kwarto na 'to.

Para naman akong napako sa kinalalagyan ko ng makitang walang emosyon sa mga mata si Drix, pero kinuha sa kamay n'ya ang kulay gintong...kwintas.

Walang lumabas sa bibig ko, at lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Hinawi n'ya sa kabilang parte ang buhok ko, bago inilapat ang gintong alahas na 'yun sa leegan, kung saan dumampi ang malamig na temperatura nun sa balat ko.

Tahimik lang 'to sa paglalagay nun, na nagpabigat ng hangin sa paligid namin.

Mas lalong na estatwa ako sa kinauupuan ko, nang hawakan nito ang parehong balikat ko at inilahad ang mukha malapt sa tenga.

Diretso 'tong nakatingin sa repleksyon namin sa salaming, kasabay ng dahan dahan na pag porma ng maliit na ngisi sa mga labi.

"From now on, you'll live a life that you deserve...with me." Malalim na sambit nito, na nagbigay ng kuryente sa buong katawan ko. "Ibibigay ko sayo ang buhay na pinagkait sayo ng mundo, hindi ka na magugutom dito, you won't be worried about the money...at, mas lalong hindi ka natatapakan ng mga tao...kapag Hacovo ang nakakabit sa pangalan mo."

Nangunot ang noo ko dahil doon.

Hacovo?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Forget the old tradition of courting, cause' I can do that even though you already have me. Once, I turned 25...you'll marry me." Ngiti nito sa akin na naikinaawang ng bibig ko. "May mga kailangan lang akong tapusin."

Pumitik pa ang katawan ko ng isang napaka babaw na halik sa tenga ko ang binitawan nito bago lumayo sa posisyon ko.

Muli kong hinarap ang posisyon nito, bago s'ya may kinuhang kahon sa cabinet.

"It will be 4 more years for us, until then...I'll make sure to provide everything for you, aayusin kita hanggang sa dumating ang araw na 'yun, ipapakilala kita sa mundo kung saan ikaw ang kakatakutan ng tao... I'll make sure that everyone who wronged you will kneel infront of everyone's eyes." Seryosong sambit nito kasabay ng pagkuha ng isang kumikinang na singsing sa kahon.

Walang lumabas sa bibig ko, hanggang sa kinuha n'ya ang dyamanteng sing sing doon. Kasabay, ng marahan n'yang pag angat sa kamay ko bago sinuksok ang napaka gandang singsing na 'yun.

Hindi malaki, pero hindi rin malaki ang dyamante na meron 'to. Maliban sa malking bato nito sa gitna, ay mayroon pa 'yun sa buong ring ng singsing na s'yang nagpapakinang dito.

"This ring isn't a promise lame ring," diretso sa mata kong sambit nito. "This ring will represent that you're mine, that you belong to me...pagmamay ari kita–"

Hindi natapos ang sasabihin nito ng inabot ko ang leeg ko kasabay ng pagkuha ng isa pang kwintas na nakalagay doon.

Tinaggal ko 'yun sa leeg ko, tska nilagay sa leeg ni Drix na ikinanunot ng noo nito.

UNDER Series #5: Controlling her desires.Where stories live. Discover now