"Nakahap ka na ba ng lilipatan mo?"
Tanong ni Henna, habang pinapahinga ko ang ulo ko dito sa sofa. Nasa braso ko rin si Peppero habang hinihimas ang ulo nito.
Nung mga nakaraang linggo na nasa hospital ako, ay si Henna pala ang nag alaga dito.
Akala ko ay pumayat si Peppero dahil ang tagal kong nawala, pero mas lalong 'tong bumigat dahil sa dami ng pinapakain ni Henna sa kan'ya.
Obese na s'ya, mas mataba pa pusa ko kaysa sa akin.
"Ang chonky na ng pusa ko." Hindi na katingin na sambit ko kay Henna, hindi pinansin ang tanong n'ya. Sana all, kumakain ng tama sa oras.
Isang linggo na rin ang nakalipas simula ng makalabas ako sa hospital, at isang linggo na rin ang nakaraan simula ng nag usap kami ni Drix. May kung ano talaga sa lalaking 'yun na hindi maintinidhan kung ano.
Para bang may kung ano sa presenya n'ya na hindi ko maipaliwanag kung masama ba o ano– ay basta!
"Mas magaling kasi ako mag alaga kaysa sa'yo." Nang aasar na sambit ni Henna, dahilan para maangat ko ang sarili ko at sinamaan ng tingin si Peppero.
HIniharap ko naman ang katawan nito sa akin, at binuhat ang mabigat na katawan nito.
"Pinagpapalit mo na ako Peppero?!" Pag papagalit ko dito, pero wala 'tong sinabi at tinitigan lang ako.
Aba, na pipe na s'ya!
"Pinutol mo dila ng pusa ko, Henna? Bakit hindi na 'sya nag m-meow?" Paglipat ng tingin ko sa babaeng 'yun, na may gulat sa mga mata.
"Bakit naging OA ka 'te?" Sambit nito.
Nangunot naman ang noo ko doon, pero mas lalong nag salubong 'to ng makitang naglakad si Izus patungo sa tabi ni Henna, at hinalikan ang ulo nito.
"She was just more tense when she was with you, thats why she was always meowing." nang aasar na gatol ng lalaking 'to na ikinasalubong ng kilay ko.
Inangat ko lang ang pang gitnang daliri ko, at tinapat sa dalawang 'to.
Tumalikod ako sa posiyon nila, at binitbit si Peppero papunta sa terrence para magpahangin.
Mag lalandian na naman kasi ang dalawang 'yun sa harap ko, at baka maibato ko pa si Peppero sa kanila.
Paanong kaya nila yumapos sa isa't isa? Nakakakilabot.
Well...malamang 'di ko kaya yun, nasusunog ako bigla eh.
"Habang buhay ka na sa akin, Peppero. Ikaw lang meron ako." Bulong ko sa pusa ko.
Ilang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari ang napakalaking sunog na 'yun, pero hanggang ngayon ay nangangapa pa rin ang mga tao dito sa lugar na 'to.
Buti na lang talaga ay hindi inabot ng apoy ang headquarters namin dahil kung hindi ay baka tuluyan ng inatake si Chief dahil sa presyon.
Edi wala rin akong natuluyan, kamalas naman kung ganon.
Nakatanaw lang ako dito, habang nakatitig sa mga tao.
Sinandal ko naman ang baba ko sa railings ng terrece habang nakaliyad ang katawan dahil mababa ang bakal na 'to para sa tangkad ko.
Naipikit ko lang ang mata ko habang nilalasap ang hangin– pucha ang baho!
Imbis mag muni muni, ay marahas kong minulat ang mata ko dahil sa nakakiritang amoy na 'yun.
Habang nakatambay dito, ay nagsalubong ang kilay ko ng may makitang pamilyar na presensya mula sa baba ng headquarters.
May kasama 'tong mga bodyguard habang naglalakad papasok dito sa kinalalagyan namin.
YOU ARE READING
UNDER Series #5: Controlling her desires.
Mystery / ThrillerAzaleinara Almiera Alcobra isn't someone that you can easily imagine. She was a firefighter and rescue team leader who was always in command of saving people even though she had a trauma nearing with someone. She fantasizes about death and will do...
