WARNING: This chapter consists of mental distress and traumatic panic attacks. If you think that you easily get offended by this kind of topic, please skip this chapter. Consider your own comfort before proceeding. (READ AT YOUR OWN RISK.)
—-------
"Why do you look like a pretty mawnster?"
My eyes narrowed when I heard his voice again.
Dumampa ang mata ko sa batang may kulay asul na abong mata sa gilid ko.
Diretso lang ang tingin nito sa akin habang kumakain nang kung anong pagkain na wala akong ideya kung ano.
It was a type of chocolate that has gold in it. Totoo ba 'yun? Nakawin ko kaya 'to– teka!
"A-anong tinawag mo sa akin?" Nagsasalubong na kilay natanong ko sa kan'ya.
Sandaling nawala ang pag aalala ko kay Peppero, dahil sa lumabas bunganga nang bata na 'to.
Napakatabil naman ng dila n'ya, para tawagin akong halimaw! Aba!
"Mawnster!" Aba, inulit pa talaga.
Umigting ang nag iisang mata ko dahil doon, at pumorma ang pikon na ngiti sa labi ko.
"B-bakit mo naman nasabi na monster ako?" Nauutal na tanong ko dahil sa kan'ya.
Napanguso naman 'to, bago muling kinagat ang chocolate na kinakain nito. Ibinaba n'ya rin sa gilid ang hawak n'yang libro at kumuha nang ballpen sa malapit na desk.
Nangunot ang mga mata ko dahil doon, at sinundan ang kinikilos ng batang 'to.
"Cause' you hwad a wat of drawings on your skin." Inosenteng pag ngiti nito sa akin, kasabay ng pag guhit sa balat n'ya gamit ang ballpen na hawak hawak.
Isang malaking dampa sa dibdib ko ang naramdaman ko dahil doon, at parang hinapit ang puso ko.
Ang tintukoy n'ya ay ang napakaraming peklat sa katawan ko, na kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang maitago dahil sa laki, at kapal nito.
Nakagat ko ang pang ibabang labi ko, pero patay ang mga matang nakatingin sa direksyon ng batang 'to.
This is why I hate kids, they are too honest, and I can't handle it.
Ayoko ng pagiging matapat nang mga batang katulad nito, dahil talagang tumatagos sa akin ang bawat salitang sinasabi nila.
"You're such a mawnster." Unti, na lang masasapak ko na 'to– "You look like my Mommy, she also has a lot of drawings, and she's a mwanster too!"
"Ano?" Iritableng sambit ko.
Pati nanay n'ya sinasabihan n'ya ng gan'to? Sino ba nagpalaki dito? Yayakapin ko lang sa leeg hanggang mag-violet–
"Mwanster!" He innocently repeated. "Mawnster means that all of you survive your pawst with thowse drawing, mwansters aren't scary because of how they look. Mawnsters means powerful, and brave where people are looking up at you! Mommy told me that, people with drawings is a brave beautiful powerful mawnsters."
Ang kaninang patay na mata kong nakatingin sa kan'ya, ay unti unting lumambot.
"I'm nawt insulting you ms beautiful lady mwasnter, I just want you to know that you had their characteristic to be brave, and strowng that you made till this day. I'm so prowud with you!" He added.
Tanging pagkagat lang sa pang ibabang labi ko ang nagawa ko dahil sa mga sinasabi n'ya, ni hindi ko na nga 'to pinansin at hinayaan na lang.
Bakit ako kinakausap ng batang 'to? Hindi ba s'ya naturuan na wag kumausap ng hindi n'ya kilala?
YOU ARE READING
UNDER Series #5: Controlling her desires.
Mistério / SuspenseAzaleinara Almiera Alcobra isn't someone that you can easily imagine. She was a firefighter and rescue team leader who was always in command of saving people even though she had a trauma nearing with someone. She fantasizes about death and will do...
