CHAPTER 14

6K 228 131
                                    

"AHH!"

Bigla akong napasinghap, bumigla ang pasok ng hangin sa baga ko, at nanlaki ang mga mata ko dahil doon.

Napaangat rin ako sa kung nasaan ako, at biglang sumikip ang dibdib ko sa mabilis na pagbulok sa hangin doon.

Para bang pinana ang dibdib ko, ang sakit ng pagpasok nito na para bang sinsaksak ako, pero walang kahit anong dugo ang nakita ko.

Marahas kong nilibot ang mata ko dahil sa pakiramdam na 'yun, nag salubong naman agad akong ilay ko ng magising ako sa isang madilim na kwarto.

Anong...

Alam ko, namatay na ako? Bakit nasa kwarto ako ng kung sino– muling bumaba ang mata ko ng makita kung ano ang posisyon ko.

Naningkit ang mata ko ng makitang...nakatali ako?

Bigalng dumampa ang dibdib ko dahil doon.

Muli kong nilibot ang mata ko hanggang sa mapagtanto kung ano ang itsura ko ngayon, parehong nakatali ang mga kamay k sa kama na 'to. May kung anong bagay rin ang nakaharang sa pulsuan ko.

Parang bakal na hindi ko mapagtanto kung ano, umaakayt ang kaba sa sistema ko.

Sa paglibot ng mata ko, ay napagtanto na napaka raming apparatus ang nasa paligid ko. May mga nakakabit rin na anong tubo sa akin na hindi ko alam kung ano.

Ang ingat ng mga makitang nasa katawan ko, ang dami nun!

Ibinaba ko ang mata ko hanggang sa makitang napakanipis ng damit na suot ko kung saan nakakbit ang mga mahahabng kung ano ano, iba iba ang kulay nun dahilan para manginig nag buong katawan ko.

Anong nangyayari?!

Sa pagbilis ng kabog ng dibdib ko, ay narinig ko ang ingay ng katabing monitor sa posisyon ko.

Kung tama ako ay ito ang isang bagay na kumokonetado sa pintig ng puso ko, dahil sa mga linyang naka paskil dito.

Ang bigat ng paghinga ko, pero ang kaninang masakit na pagdampi ng hangin dito ay tulutang nawala at bumalik sa normal.

Pero, hindi 'yun sapat para hindi kwestyunin ang paligid ko.

Nasaan ako?

Alam ko pinatay ko na ang sarili ko?!

Kitang kita ko ang napakaraming dugong tumagas sa katawan ko, paanong...paanong buhay pa ako?!

Nasaaang kwarto ako–

Nahinto ang pag kausap ko sa sarili kong utak, nang may makita akong lalaking naglakad sa posisyon ko.

Hindi ko maaninag ang mukha nito, pero may kung sino pa ang sumunod dito na tumayo lang sa dulo ng kama kung nasaaan ako.

Ayaw gumalaw ng katawan ko, pero ramdam ko ang nginig ng dibdib ko.

SInundan ng mata ko ang lalaking lumapit sa gilid ko para tingnan ang mga apparatus na nakadikit sa akin.

May hawak din 'tong board kung saan meron s'ya sinusulat.

Ang dilim ng paligid, hindi ko maaninang kung sino s'ya.

Nangunot ang mata ko nang biglang tumama sa mukha nito ang mahinang ilaw sa kwarto.

"How's the feeling of being resurrected from death?" Tanong nito na para bang nagpabagsak sa dibdib ko.

Ang lambot ng boses n'ya pero kinilabutan ako.

Napaawang naman ang bibig ko dahil sa sinabi n'ya.

Anong sabi n'ya? R...resurrected from the death?!

UNDER Series #5: Controlling her desires.Where stories live. Discover now