CHAPTER 20

14.5K 380 148
                                    

"Lewiuela."

Pagka apak na pagka apak namin sa mansyon ay boses agad ni Yuan ang narinig namin, nakita ko pang napaling ni Lewis ang ulo n'ya bago ngumiti sa asawa.

Iniling ko na lang ang ulo ko doon, bago nag lakad pagbalik sa kwarto.

Mukhang susuyuin n'ya na naman ang asawa n'ya dahil tumakas s'ya. Ano kayang suyo gagawin nun? Hmmm...

Masaya naman akong naglalakad habang hawak hawak si Peppero sa braso ko, dinala ko na kasi s'ya dito sa mansyon. Sana lang talaga ay 'di magalit si Drix, at baka ako ang magalit sa kan'ya kapag nagkataon!

Peppero over priority! Ibig sabihin, si Peppero muna bago si Drix!

Buti nalang talaga ayhindi masyadong nagtanong sa akin sila Chier, na ang tanging concern lang nila ay kung ayos lang ba talaga sa akin ang trabaho na 'yun.

Nagulat pa nga si Henna dahil ang akala nila ay tinaggap ko talaga ang trabaho sa mga Hacovo, maski si Chief ay hindi nakapagsalita dahil doon.

Sinakyan ko na lang din ang mga sinabi ni Lewis, dahil pumunta lang naman talaga kami sa headquarters para kunin si Peppero.

Ang lapit lang nun pero ginabi na kami ng uwi.

Niyaya pa kasi ako ni Lewis pumunta sa isang lugar na hindi ko pa napupuntahan, pero nag liwanag ang mata ko ng makita may napaka laking climbing wall doon.

Wala rin masyadong tao sa loob ng lugar na 'yun, kaya napapayag n'ya akong magpalipas ng oras.

Hindi na ako nagulat na ang bilis nakaakyat ni Lewis sa matalik na pader na 'yun at inaangasan pa ako, total wala namang tao at nasa cage naman si Peppero ay pinatulan ko s'ya doon.

Ilang beses pa kami nag paunahan doon, may mga pag kakataon na nauuna s'ya, pero hindi rin naman ako nag papatalo hanggang sa hindi namin namalayan 'yung oras at ginabi na kami.

Gutom na gutom na nga ako eh, dahil nakikita ko na naman bilang siopao si Peppero.

Delikado talaga kapag nagugutom ako, nagiging pagkain sa mata ko ang pusa ko.

Hipo hipo ko ang ulo ni Peppero, hanggang sa binuksan ko ang pintuan ng kwarto.

Napalobo ko naman ang bibig ko ng makitang malinis na 'yung kwartong iniwan ko ng makalat.

SInipat ko pa ang buong kwarto, pero hindi nakita ng mata ko ang hinahanap ko.

Binaba ko lang din ang pusa ko sa may tabi ng kama, at akmang uupo na sana sa kama.

"Wala pa rin s'ya–"

"Adlaw, can you practice cleaning the room before you go?" Isang boses ang nagpahinto sa akin.

Napalingon naman ako sa likuran ng makita kong nagtutupi pala ng mga damit si Drix habang nakasalamapak sa sahig ng walk in closet n'ya, na tanaw sa kinatatayuan ko.

Ang kalat ng damit sa paligid n'ya, opero ayun din 'yung mga binili n'ya para sa akin. Masinop n'ya 'yung naayos, at patong patong na sa tabi n'ya.

Naka grey sweat pants lang din 'to, habang suot suot pa ang salaming n'ya. As usual, wala na naman 'tong suot pang itaas kung saan naglalaway na naman ako sa katawan n'ya.

Hindi ba nilalamig 'tong batang 'to?

"Anong ginagawa mo d'yan?" Tanong ko sa kan'ya.

"Can't you see that I'm folding your clothes, hindi ka ba marunong mag tupi at mag linis?" Masungit na sambit nito. "Lumapit ka nga dito, tuturuan kita. Ang kalat kalat mo."

UNDER Series #5: Controlling her desires.Where stories live. Discover now