CHAPTER 25

1.9K 143 107
                                    

"Tulog ka na naman..."

Naningkit ang mata ko habang nakatingin kay Drix na malalim ang tulog dito sa sofa.

"Bakit, hindi ka na lang kasi sa tabi ko?" Mahinag bulong ko, habang marahan na pinaglalaruan ang buhok n'ya.

Nakaupo ako ngayon sa may sahig, habang tinititigan s'ya.

Hindi ko naman s'ya masisisi kung tulog s'ya kasi alas dos palang naman ng madaling araw, nagising lang ako dahil nauuhaw ako pero natagpuan na lang ang sarili kong nakatitig sa kan'ya.

"Ang lamig lamig ng kwarto, pero wala ka na namang damit." Pag iling iling ko, kasabay ng pag hatak ng comforter sa katawan n'ya, at matakpan 'to.

Nanginginig na nga ako dito dahil sa lamig ng aircon, pero s'ya nakakatulog na walang kahit anong pang itaas.

Makapal ba balat n'ya?

Naipatong ko ang mukha ko sa mga tuhod ko habang nakatingin sa kan'ya.

Hindi na kasi ako makatulog, kaya naman ay 'to nalang ang ginagawa kong pampalipas oras dahil natutuwa rin naman ako sa ginagawa ko.

Gabi gabi na lang akong nakatitig sa kan'ya, hindi ko alam kung napapansin n'ya ba ako pero malalim naman lagi ang tulog n'ya kaya mukhang hindi.

Simula dumating ako dito, ay wala ng gabi ang hindi ako tumutitig sa kan'ya pag dating ng madaling araw, bago muling babalik sa kama para matulog ulit.

Nakanguso lang ako sa kan'ya, habang pinapalakad ng marahan ang daliri ko mul asa noo nito hanggang sa mga labi. Hindi ko naman 'yun hinahayaan na lumapat, pero natutuwa lang ako kapag ginagawa ko 'to.

Lasap na lasap hindi lang ng mata ko, pero ng mga daliri ko ang gandang lalaki nito.

Para talaga s'yang anghel, na personal na hinulma ni Lord para pagmukhain na gan'to ka perpekto.

Ang gandang lahi siguro ng magiging anak mo kung sakali?

Bahagyan kong nakagat ang pang ibabang labi ko doon, at muli kong niyakap ang mga braso ko sa tuhod ko, at ipinatong ang mukha ko dito.

Kung sakaling magkaka anak si Drix, ngayon pa lang nakikita ko na ang magiging itsura nila.

Sobrang ganda, at sobrang gwapo...

Sa itsura palang ng mgapamangkin n'ya ay ibang iba na, dahil sa mukha ni Yuan eh.

Paano pa kaya kung si Drix? Ang sarap isipin, pero ang lungkot rin.

Ayaw ko sa bata, at mas lalong ayaw ko sa ideya ng pangangank.

Isipin ko pa lang kung paano ginagawa 'yun ay kinikilabutan na ako, lalo na 'yung ideya na kailangan may ipasok 'yung lalaki sa babae para makabuo– hindi ko kaya.

Nakakasuka, nakakatakot, nakakapanghina.

Iniling ko ang ulo ko dahil doon, lalo na ng maalala ang isang parte ng nakaraan ko.

Nakakakilabot 'yung tunog na ginagawa n'ya, habang nasa loob ko s'ya.

'Yung mga matatalim, at madidilim, na puno ng kahalayan na mga mata nya ang s'yang sumusunog sa utak ko.

"Ah...ang sarap mo, ang sikip mo...uh..."

Bigla kong natakpan ang tenga ko dahil doon, dahil sa naririnig ko sa utak ko.

"Lahat na ginamit ko sa 'yo, pero iba pa rin 'yung pakiramdam kapag ako 'yung nasa loob mo...uh..."

Isang malaking buntong hininga ang binitawan ko doon, at binaling ang tingin ko kay Drix na payapang nautulog sa harapan ko.

UNDER Series #5: Controlling her desires.Where stories live. Discover now