CHAPTER 17

7.2K 236 152
                                    

"HOY BABAE KA!"

Isang malakas na sigaw ang narinig ko dahilan para mailing ko ang ulo.

Hindi nga ako nagkamali na walang ilang saglit ay nakita kong tumatakbo si Henna papunta sa direksyon ko.

"Saan ka nanggaling?!" Naniingkit ang mata ko ng makitang nangingilid ang luha sa mata nito ng maabot ang posisyon ko. "I thought...I thought something happened to you!"

Nangunot naman ang noo ko lalo na ng umagos ang luha sa mata nito habang nakatayo sa harapan ko, may iniwan naman s'yang espasyo sa gitna namin at hindi tuluyang lumapit.

Pero, hindi ang espasyo ang umagaw ng atensyon ko kundi ang bumubulusok na luha sa mga mata nto.

Bakit s'ya umiiyak?

"Alam...alam mo bang nung nakita ko 'yung video tungkol sa pagkabangga mo, tumakbo ako palabas ng campus!" Mariing sambit nito. "Alalang alala ako sayo! Tapos nung nakarating ako sa presinto nakalaya ka na daw, hindi ko alam kung saan ka pumunta! Almiera...natakot ako...akala ko...akala ko nawala ka na..."

Isang malaking dampa ang naramdaman ko sa didbib ko, totoo bang is Henna ang nasa harapan ko?

Bakit n'ya ako iniiyakan, katrabaho ko lang naman s'ya?

"Saan...saan ka ba nanggaling–"

"Alcobra!" Isang malakas na boses ang narinig ko mula sa likuran ni Henna.

Nagsalubong naman ang kilay ko ng makita si Izus, at si Chief na mabilis na naglakad sa posisyon ko.

Anong nangyayari?

Kita ko ang pagpapagala ng mata ni Chief, at Izus sa katawan ko. Hindi sila lumapit sa akin pero kita ko ang hindi pamilyar na itsura ng mga mata nila.

Ang lambot ng mga 'yun...pero hindi ko alam kung bakit.

"Pinuntahan ka namin nun nung nalaman namin na nakabangga 'yung truck na dala mo, pero wala ka na daw sa presinto." Panimula ni Chief. "Isang linggo kang nawala, Alcobra."

Ah, alam ko na.

Pinapagalitan ako, oo...

Ano pa nga ba diba? Nasira ko 'yung truck namin, paniguradong ipapabayad 'yun sa akin kaya nila ako sinasalubong ngayon–

"Nag alala kami sa 'yo." Pag putol sa akin ni Chief, dahilan para mangunot ang noo ko.

"Ha?"

"Why you didn't call us? May radio ka naman." Singit ni Izus na diretsong nakatingin sa akin. "You know that we will rushed to you, kung nalaman namin agad 'yun."

Purong pagtataka ang bumalot sa isip ko, bakit gan'to sila sa akin? Hindi ako pamilyar sa matang binibigay nila sa akin, anong ginawa ko?

Bakit nila kailangang mag alala sa akin kung katrabaho ko lang naman sila? Bakit lagi na lang silang gan'to kahit noon...

"Saan ka ba nanggaling, Almeira?" Malabot na tanong ni Henna sa akin, kasabay ng pag punas ng luha sa mata n'ya.

Kita ko ang pagbaba ng mga mata nila sa pulsuan ko, dahilan para dahan dahan kong itago 'yun sa likuran ko.

May benda pa rin kasing nakalagay doon, dahil malaki naman talaga ang naging sugat nun na muntik ko ng ikamatay.

Hindi ko nasundan ang araw ng pananatili ko sa mansyon ng mga Hacovo, at hindi inakala na isang linggo na pala akong nawawala.

Alas sais pa lang ng umaga, umalis na ako sa mansyon ng naligo si Drix at wala pang ibang taong nakakalat sa mansyon. Paniguradong tulog pa rin din si Lewis, at Yuan nung umalis ako.

UNDER Series #5: Controlling her desires.Where stories live. Discover now