Prologue

290 5 2
                                    

I don't know why they keep doing this to me.

We're here sa salas ni mama, naguusap about sa gusto nilang gawin ko na labag sa loob ko.

"Pero ma! Bakit po ako? Pwede naman po si ate diba?" Sagot ko kay mama na ngayon ay galit na nakatingin sa akin.

"Hindi pwede! Kailangan ng ate mo ng masayang buhay at Isa pa dapat siyang makasal sa lalaking mahal niya!" Sigaw ni mama na nagpayuko sa akin.

Pero ako bawal sumaya?

"Pero ma! Gusto ko din po makasal sa taong mahal ko!" Sabi ko kay mama na nagpangiti sa kaniya.

"Bakit? Diba mahal mo si zander?! I'm giving you a chance para makuha na siya" Umiling ako.

"Pero ma! Hindi niya ako mahal!" Sagot ko.

Oo mahal ko siya pero hindi ito tama!

"Pumayag na sila, lalo na si zander and bukas ay doon na ang kasal niyo pero" Huminto siya.

"Hindi kayo magkakaroon ng kasal kung baga ay contract lang okay? You will live with him sa Isang bubong pero kasal lang kayo sa papel, understand that?" Napawang ang bibig ko sa narinig.

"Kailangan lang kasi natin ng pera eh kaya naman, Ikaw ang tulay para doon" Ngumiti siya na nagpaluha sa akin.

"Don't worry, kasi ang alam ko ay after 1 year ay hiwalay na kayo" Yumuko na lang ako at pinunasan ang luha ko na papatak na mula sa mata ko.

"Wag kang umiyak! Gawin mo kung anong dapat na gawin mo! Para may kwenta ka naman sa buhay namin!" Doon na tumulo ang luha ko tapos nun umalis na si mama.

Nanginginig ang buong katawan ko.

Sana nga ay kahit paano magkaroon manlang ako ng silbi sa kanila.

I Found My Light And It's YouWhere stories live. Discover now