Habang kumakain kami ulit tatlo dito sa kusina, biglang pumasok si ma'am carol.
Wow! She's so beautiful!
Mukha may lakad ata si ma'am.
"Everyone! Kayo na muna ang bahala dito okay? I need to attend a meeting kaya kayo na muna dito pakisara na lang ulit" Saad niya.
"Okay po ma'am!" Sabi namin.
"Sige na, good work!" Nakangiti niyang sabi tapos umalis na.
"Yuki! Lily! Jake!" Napatingin kami kay leo na humahangos na pumasok.
"Mamaya na kayo kumain! Need na kayo dalian niyo!" Tumigil na kami sa pagkain tapos nagligpit.
Lumabas din kami abad at yun nga! Ang daming customers!
"Loko! Bakit biglang dami naman ata!" Sabi ni jake.
"Sige na! Back to work na guys!" Sabi ni Jake tapos lumapit na doon sa customers, ganoon din sila lily and leo.
"Waiter!" Inayos ko muna ang sarili ko tapos nun tinignan yung tumawag at nagulat ako kung sino yun.
Ang walang hiya kong asawa.
May kasama siyang magandang babae.
Umiling lang ako tapos lumapit na sa kanila at inabot yung menu.
"Moctails lang, 2 orders" sabi ni zander na nakangiti pa.
"Okay po sir!" Masayang sabi ko tapos sinulat na yung order nila.
Inabot niya na yung menu sa akin.
"Sige po! Wait lang po sa order po ninyo" sabi ko tapos kinuha na yung menu at nakangiti.
Komonot ang noo niya.
Tumalikod na ako at umalis.
Kung akala mo na iiyak ako o magseselos o kung ano man, pwes! Mali ka kasi simula nung araw na nauntog ako, kinalimutan ko na kung ano man yung nararamdaman ko noon para sayo kaya malaya kang makipag date sa kahit na sino.
Inabot ko ulit yung order sa kusina at cashier.
Tapos sa iba naman ako nag serve.
Habang nagsusulat ako ng order nila, kinalabit ako ni Jake pagdaan sa may sakin tapos may tinuro na tinignan ko naman.
Si sir pogi! He's still here?!
Ngumiti siya sa akin at may sinenyas.
Wait......ah! Aalis na ako!
Ngumiti lang ako tapos tumango.
Umalis na din siya.
"Is that all po ma'am?" Sabi ko sa customer.
"Yes" Inabot niya na yung menu sa akin tapos ako naman umalis na.
Nagpunas ako sa mga table na wala ng customers.
"Anong sabi sayo?" Bigla nanaman sumulpot si jake.
"Sino?" Tanong ko.
"Yung masungit kanina na customer" sabi niya habang nagpupunas sa kabilang table.
"Sabi niya aalis na daw siya" Sabi ko tapos nag spray ng alcohol at pinunasan ulit yung lamesa.
"Bakit naman niya yun sasabihin? I mean kakilala mo ba?" Umiling ako.
"Hahahaha di ko din alam eh" Tumingin ako sa kaniya tapos nakakonot noo na siya.
"Ingat ka sa taong yun baka may balak sayo" Tumawa ako pero mahina lang.
"Loko! Mabait siyang tao kaya! Ikaw naman para yun lang ay minasama mo na agad" Bumuntong hininga siya.
"Alam mo mas mabuting maging maingat lalo na at maganda ka" Nagulat ako sa huling sinabi niya.
"Wait! Tingin mo maganda ako?!" Ngumiti siya tapos tumango.
"Loko! Hahahaha magpunas kana nga lang diyan" Natawa na lang din siya.
"Waiter!" Nagulat kami sa sumigaw.
Tumingin ako sa gawi ni zander tapos masama pa akong tinitignan.
Lumapit si lily at siya na kumausap kay zander.
Anong trip niya?! Baliw! Sumigaw ba naman dito.
Nagpunas na lang ulit ako.
After namin magpunas ay nag serve ulit kami sa mga bagong dating na customers.
Hindi ko na lang pinapansin yung isang papansin kala mo kung makatingin eh no? Siya nga tong may kasamang babae eh kaya bahala siya diyan.
"Waiter!" Tawag niya nanaman ulit.
"Lapitan mo na yuki" sabi ni Jake kaya no choice ako kundi lumapit.
"May orders pa po sila?" Nakangiti kong tanong.
"Yung receipt sana tsaka kung pwede lang wag kang haharot habang nasa work kasi nakakasira yan sa reputation nitong restaurant" Napawang ang bibig ko sa sinabi niya pero bumuntong hininga ako.
"Alam mo sir" huminto ako at ngumiti.
"Alam mo sir kung ang simpleng pakikipag usap at communication sa ka trabaho ko ay harot na sayo ay naku! Pa mental na kayo" sabi ko tapos nagdilim bigla ang mukha niya.
"You're being rude to my boyfriend!" Sigaw sa akin nung Kasama ni zander.
Tumingin ako sa kaniya na kahit siya nagulat din.
"Omg! I'm sorry po! Hindi ko po alam na boyfriend niyo pala to" sabi ko tapos tumingin kay zander na parang sinasabi niya na hindi totoo tapos parang kinakabahan pa.
I don't give a freaking damn zander.
"I'm sorry po kasi hindi naman po ako nakikipag harutan eh kasi po may sinabi lang na nakakatawa yung ka trabaho ko eh kayo kaya sabihan ng maharot eh matutuwa ba kayo?" Sabi ko doon sa babae.
She rolled her eyes at me.
"Let's go na nga! Hindi na kami babalik dito" Tumayo na siya tapos hinawakan si zander sa kamay para umalis na kaso.
"Ma'am!" Sabi ko kaya natigilan siya.
"Pay first po bago kayo umalis" sabi ko tapos nun namula siya.
"Kunin ko lang po" Tumalikod ako at naglakad tapos kinuha yung receipt at lumapit ulit sa kanila.
"Here po" nakangiti ko pang sabi.
Kumuha si zander ng pera tapos inabot sa akin yung bayad.
Nakatingin siya sa akin at nangungusap pero tumingin na lang ako sa bayad.
"Let's go!" Sabi nung babae ako naman ay umalis na din.
Muli akong lumingon at yun! Nakalabas na sila kaya nakahinga na ako ng maluwag.
YOU ARE READING
I Found My Light And It's You
RomanceThis story is about yukira, a young beautiful woman who get forced to marry a man who hates her to death, his name is zander, he hates her because he doesn't want to get married because he enjoy being a single person. Yukira's life was full of hards...