Chapter 20

67 2 0
                                    

After ng ilang minuto tumayo na ako dahil kailangan ko pang mag mop ng sahig.

Ginamot ko muna yung mga sugat ko tapos nun nag suot ako ng jacket at patalon para matakpan yung mga pasa ko sa katawan tapos sa mukha naman ay pulbo para di masyadong halata.

After kong magayos dumating na ang asawa ko.

Lumapit ako sa kaniya habang nagtatanggal siya ng sapatos.

"Kamusta na si ate?" Tanong ko.

Nakaupo kasi siya at nakatalikod sa akin.

"Okay na" Tumango ako.

Bumalik na ako ulit sa kusina para uminom ng tubig.

"Matutulog na ako" sabi ni zander tapos umakyat na sa taas.

After kong gawin ang mga dapat gawin natulog na din ako kasi sobrang sakit ng katawan ko.

Nakakapagtaka na hindi ata ako sinisi ng asawa ko ngayon? Baka pagod lang.

Siguro bukas ay pupunta na lang ako kay ate.

Masakit ang mga sugat ko pero dahil sanay na ako ay hindi na ako umiiyak dahil dun kasi mas masakit ang mga salita kaysa sa mga sugat sa katawan.

Humiga na ako sa kama ko at natulog na.

Kinabukasan muli akong nagising ng maaga pero nagulat ako ng makita si zander na nagluluto na sa kusina.

Anong mayroon?

Lumapit ako sa kaniya.

"Bakit Ikaw ang nagluluto?" Tanong ko.

"Bakit bawal ba?" Masungit niyang sabi sa akin kaya naman umiling na lang ako at pumunta sa ref para uminom ng tubig.

"May paguusapan tayo" Napatigil ako sa paginom kasi mukhang seryoso ang paguusap namin.

After kong uminom ay pumunta na ako sa sala tapos umupo sa sofa.

Pancakes ang ginawa niya tapos ham with mayonnaise sandwich.

Umupo siya sa tapat ko tapos nilapag yung pagkain sa lamesa.

"Kumain muna tayo" Hindi na lang ako nagsalita at kumain na lang kami.

Tahimik lang ang paligid dahil nga 3:30 am palang at tanging nguya lang ng pagkain namin ang naririnig.

After a few minutes doon na siya nagsalita.

"About our marriage" Lumunok ako.

"I think it's time para itigil na itong lahat"

Napatigil ako sa pagkain ng sabihin niya yun.

Tumigil na din siya sa pagkain at tumayo tapos pumunta sa office niya.

Paglabas niya may hawak siyang documents.

Nilapag niya yun sa lamesa.

"What's this?" Tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

"Open it" Kinuha ko yun tapos binuksan.

Divorce paper”

Yun agad ang nakita ko.

"Pumirma na ako diyan kaya pirma mo na lang ang kailangan" komonot ang noo ko.

"Hindi ba parang ang aga naman ata? We still have 4 or 5 months for this kaya bakit?" Bumuntong hininga siya.

"Ako na ang aako sa mga consequences about our divorce kaya wag kang magalala and the reason kung bakit" Huminto siya at yumuko.

"Nabuntis ko si shane" Nanlaki ang mga mata ko at muntik mabitiwan yung hawak kong papel.

"Alam naman na nila kaya naman payag na sila sa maagang divorce natin" Nakayuko parin siya habang ako naman ay nahihirapan huminga.

I know na may iba siya pero bakit ganoon? Masakit parin? I thought wala ng epekto pero bakit ako nasasaktan? May pa deny pa siya tapos ang ending mabubuntis niya din? Hahahahah ang kapal ng mukha niyang sabihin sa akin na may lalaki ako?! Well mas malala siya dahil nakakadiri siya!

"Sa family mo kakausapin palang sila nila mama mamaya kaya sana naman itong maagang divorce tanggapin mo" Tumingin na siya sa akin at saktong tumama ang kamay ko sa pisngi niya.

Hindi ko alam bakit ko siya sinampal o bakit ako nasasaktan tapos nanginginig din ang mga kamay ko.

Tumingin siya sa akin at nakita ko ang mga luha sa mga mata niya habang hawak ang pisngi niya.

Hindi ako iiyak dahil sayo zander kaya wag kang umasa!

"Fine" Matigas at malamig kong sabi while wearing a poker face.

Gulat siyang tumingin sa akin.

Kinuha ko mula sa envelope yung divorce paper at pinirmahan yun.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Yan na" Pagsabi ko nun binagsak ko yung divorce paper sa lamesa kasabay ng ballpen.

"If ever na magkita tayo someday ay sana lang talaga wag mo na akong kakausapin and if ever na magkita tayo pero about sa work sana naman let's be professional at work lang and don't ever bring up our disgusting past again kasi nakakainis isipin na ang gaya mo nagawa kong mahalin" Sakit lang sa mga mata niya ang nakikita ko.

"Naiinis ako sa sarili ko na sinayang ko ang mga luha, efforts at oras ko sa mga walang kwentang tao katulad niyong lahat"  Nanginginig siya at sinubukan hawakan ang kamay ko pero iniwas ko yun at naglakad na palayo sa kaniya pero tumigil din ako at muling tumingin sa kaniya.

"Yung mga gamit ko aayusin ko na dahil aalis na din ako ngayong araw kaya naman sana kumain kana lang diyan at kitain mo na mamaya yang mahal mong Shane okay? Baka magalit pa yun at Kasama mo parin ako dito" Tumalikod na ako ulit at naglakad paakyat.

Tapos na akong magmakaawa sa inyong lahat at maging mabuting anak na lahat ng gusto niyo ginagawa ko pero wala eh binigyan niyo ako ng dahilan para maging masamang anak kaya ngayon puputulin ko na din kung ano man ang ugnayan ko sa inyo at kay ate naman bahala siya dahil kasalanan naman niya bakit siya nagka ganoon kaya di ko na siya pupuntahan baka sisihin pa nila ako ulit sa nangyari.

Masakit parin ang buong katawan ko kaya naman nag message muna ako kay ma'am carol na hindi ako makakapasok ngayon dahil masama ulit ang pakiramdam ko buti at pumayag naman siya.

Bakit natiisin ko lahat ng pang aabuso nila? Sobrang tanga ko sa part na inisip ko na mamahalin nila ako kahit alam ko na hindi mangyayari kahit sa panaginip.

I Found My Light And It's YouWhere stories live. Discover now