Tinapik tapik ko lang ang likod niya hindi ko namalayan na nakatulog na pala siya.
Inihiga ko siya sa sofa at talagang sobrang bigat niya buti at di siya nagising.
Tinitigan ko ang gwapo niyang mukha na kahit tulog ay talagang sobrang gwapo.
Bakit naman kaya ginawa yun ng mama niya sa kaniya? May sakit kaya ang mama niya? Gusto kong itanong pero ayaw kong maalala niya ulit.
"Lumabas na kayo!" Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto tapos nun nagising si sen.
"Naku! Sorry po sir!" Paghingi ng tawad ng guard tapos yung receptionist kanina.
"Yang babae po kasi na yan basta na lang pumasok dito sa office niyo eh kaya po kailangan naming damputin" sabi nung guard.
"I know her And don't you dare touch her okay?" Galit na Saad ni sen tapos niyakap ako mula sa likod ko tapos pinatong ang ulo niya sa balikat ko.
"Get out" masungit niya pa ding sabi.
"Sige po sir, pasensiya na po" lumabas na sila tapos sinara ang pinto.
"Sen" tawag ko sa kaniya.
"Hmm?" Malambing niyang sagot.
"Kumain kana ba?" Umiling siya.
"I don't want to eat" bumuntong hininga ako.
"Pag di ka kumain aalis ako" sabi ko kahit na alam kong wala siyang pake.
Mabilis siyang kumalas sa akin at pinaharap ako sa kaniya.
"Okay, kakain na" niyakap niya ulit ako.
"Basta dito ka lang" naguguluhan ako kasi bakit kaya siya ganito sa akin sa iba naman ay iba ang trato niya.
Siguro dahil sa ako lang yung babae na nakakapag pagaan ng loob niya.
Siguro yun din yung reason bakit siya mabait sa akin.
"order lang ako ng food" kinuha niya yung phone niya at nag scroll doon.
"What do you want to eat?" Tanong niya habang hawak ang phone at nag scroll tapos yung isang kamay nakahawak sa kanang kamay ko.
"Yung sayo muna" tumango siya.
"Kung saakin naman siguro pizza na lang" Tumingin siya sa akin.
"Hindi naman healthy yun eh" parang bata niyang sabi.
Sumimangot ako.
"Okay sige" mabilis niyang sabi tapos nag order din ng pizza nakita ko hahahaha.
"Hawaiian pizza" sabi ko tapos tumango siya.
"Dalawang pizza inorder ko" sabi niya tapos tinago na yung phone niya.
Tumingin ulit siya sa akin tapos pinisil pisil yung kamay ko.
"What?" Sabi ko.
"Ganda mo" seryosong Sabi niya kaya naman natawa ako.
"Bolero" sabi ko.
Umiling siya.
"If someone ask me what is the definition of stunningly beautiful woman" tumigil siya at muli akong tinignan ng seryoso, mata sa mata.
"Ikaw agad ang sasabihin ko" Napatulala ako sa way ng pagtitig niya sa akin.
"Kaya mo kasi akong baliwin eh kahit na wala ka pang ginagawa" Napakonot ang noo ko.
"Akala ko ba ayaw mo sa mga babae?" Tumango siya.
"Oo pero sayo hindi" napatingin tuloy ako sa baba.
"Nagseselos ako sa mga damit mo" napatingin ako sa kaniya.
"What?!" Sabi ko.
"Buti pa yung mga damit mo laging nakakapit sa magandang katawan mo samantalang ako hanggang yakap lang" naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.
"Kinikilabutan naman ako sa mga sinasabi mo sen" sabi ko tapos nun namula siya.
"N-Narinig mo?" Napahawak siya sa bibig niya at namumula ang mukha.
"Nasabi ko pala!" Tumayo siya at lumayo sa akin.
"D-Dito kana lang muna, doon lang ako sa desk ko gagawa na ng paperworks" para siyang ewan na pumunta sa desk niya.
"Wait lang natin yung order" sabi niya tapos nagsimula ng sulatan yung mga papel sa desk niya.
Ano bang mga pinagiisip niya? Parang ewan lang talaga.
"Sen" tawag ko tapos tumingin naman siya sa akin ng nakangiti.
"Yes?" Sagot niya.
Umupo ako na parang nang aakit sa kaniya tapos nun natulala siya.
"Maganda ba ako?" Tanong ko hahahaha.
Kinagat ko din ang labi ko.
Nakita ko na napalunok siya.
"Bakit?" Tanong ko ulit.
"Y-Your......" Sabi niya habang nakatingin sa akin.
"A goddess" natawa ako tapos nun napaiwas siya ng tingin.
"Hahahahahahahaha" Namula din siya.
"Stop teasing me" Humawak siya sa mukha niya na parang nahihiya.
"Sige na nga mag work kana" umayos na lang ako ng upo.
Maya maya pa ay pumasok si Charles.
"Hoy! Di naman kayo nagsabi na may pagkain pala!" Sabi niya pagpasok at dala na yung order.
"Di ka naman kasali diyan" sabi ni sen.
"Sungit mo naman! Yuki inaaway ako!" Parang bata niyang sabi tapos nilapag sa lamesa yung mga pagkain.
"Bigyan mo sen" sabi ko.
"Okay" mabilis niyang sabi.
"Grabe! Sino ka?! Yung sen na kilala ko hindi nababago ang isip pag nakapag decide na ah!" Pangaasar ni Charles.
"Bakit bawal na ba mabago ang decisions ng isang tao?" Sagot ni sen.
"Pag Ikaw kasi hindi na pwede mabago eh" tinignan na siya ni sen ng masama.
"Stop it! Kumain na lang tayo okay?" Tumayo na ako tapos lumapit sa lamesa.
"Yuki!" Tumayo si sen kaya nagulat ako tapos bigla din siyang sumigaw.
"Ako na! Let me serve you" mabilis siyang lumapit sa akin tapos nun binuksan yung mga plastic.
"Upo ka na lang doon" komonot ang noo ko kasi pizza lang naman kakainin ko.
"Kumain ka na muna ng may kanin mamaya na yung pizza"
Sabi niya kaya no choice ako kundi umupo at sundin siya sa totoo lang nagugutom na din ako ih gusto ko ng may kanin.
Bento box?! Mahilig siya diyan?
"Masarap to tsaka walang chicken to kaya safe pag kinain mo" sabi niya pa.
Binigay niya yun sa akin kaya kinuha ko na.
Nag pray muna ako tapos kumain na.
"Damot naman nito!" Reklamo ni Charles tapos kinuha yung Isang bento box.
Hinampas ni sen yung kamay ni Charles.
"Kay yuki yan tanga" sumimangot si Charles.
"Bigay mo na nga sen para kayong mga bata eh!" Masungit kong sabi.
Binigay din ni sen yung bento box.
"Yes! Hahahahah" napailing na lang ako.
Puro kalokohan pag magkasama.
YOU ARE READING
I Found My Light And It's You
Любовные романыThis story is about yukira, a young beautiful woman who get forced to marry a man who hates her to death, his name is zander, he hates her because he doesn't want to get married because he enjoy being a single person. Yukira's life was full of hards...