Inayos ko ang sarili ko at tumayo na tapos dumiretso sa kwarto ko at natulog na.
Nakakapagod na talaga.....
Kung pwede lang na umalis na ako eh.
After nitong walang kwentang marriage contract na to! Aalis na ako at hahanapin kung saan ako sasaya.
Ang hirap na ako na lang lagi ang nasasaktan ng ganito dahil sa kanila.
Kinabukasan:
Hindi ako nakabangon kasi masama ang pakiramdam ko talagang hindi ko kaya.
Since hindi naman need ni zander ng luto ko ay hindi ko naman need na magluto ng breakfast for him.
Nag message ako kay ma'am carol na di ako makakapasok kasi sobrang sama talaga ng pakiramdam ko.
Habang nakahiga at nakabalot ng kumot, kumatok siya sa pinto ko.
"Hoy! Babae! Ano! Drama nanaman bayan?!" Sigaw niya mula sa labas ng pinto.
Ano bang gusto niya? Hindi ko na nga siya ginugulo tapos ito nanaman?
Bumangon ako tapos binuksan ang pinto.
"Bakit ba wala ka sa baba?! Kanina pa kita hinahanap!" Sigaw niya parin.
"Bakit?" Mahinang tanong ko.
"Saan ang breakfast?" Napakonot noo ako.
Pag naghahanda ako ayaw niya pero pag wala naman tsaka siya naghahanap?
"Ano? Kausap mo nanaman yang lalaki mo?! Let me remind you okay? Mahuli ko lang kayong dalawa....baka parehas kayong makulong!" Tumango lang ako kasi sobrang sakit ng ulo ko.
"See?! You're admitting now! You have another man!" Narindi ako sa sinabi niya.
"Can you please stop?! Leave me alone for now! Kasi masakit ang ulo ko!" Naluluha kong sabi.
"Did you just yell at me?! You don't have the right!" Yumuko na lang ako.
"Pwede.......please, umalis ka na muna?" Mahinang sabi ko.
"Hindi ako nakapaghanda kasi alam kong hindi ka naman kakain tsaka masama ang pakiramdam ko kaya kung pwede doon ka na lang sa office mo kumain" Lumambot ang tingin niya sa akin pero alam kong wala lang yun.
Siya yung lalaki na gusto akong mawala sa buhay niya.
"Baka malate ka kaya sana please lang umalis kana" Sabi ko tapos sinara na ang pinto.
Muli akong humiga at nagbalot ng komot.
Pinikit ko na ang mga mata ko at nakatulog na.
Naramdaman ko ang isang kamay sa noo ko pero hindi ko dinilat ang mga mata ko.
I'm just dreaming about him taking care of me.
This isn't true.
Kinagabihan:
Nagising ako dahil sa katok sa pinto.
"B-Bakit?" Mahinang tanong ko kasi masakit din ang lalamunan ko.
"Dinner is ready" Sabi niya kaya naman kinurot ko ang sarili ko kung nananaginip parin ako.
Bumangon ako tapos nagsuklay ng buhok bago binuksan ang pinto.
Andito siya sa harap ko nakatayo tapos nakakonot ang noo.
"Nagluto ka?" Tanong ko tapos tumango siya.
"Dapat sinabihan mo na lang ako" sabi ko.
"Edi nahawaan mo pa ako sa sakit mo" Malamig niyang sabi.
Sinara ko ang pinto at naglakad na.
"Masama parin ba pakiramdam mo?" Nasa likod ko siya ng tanungin niya ako.
"Oo" sabi ko.
Anong trip nito? Bait baitan?
"Hindi ka kumain ng lunch?" Umiling lang ako.
Bakit ba ganito siya?! Kung may gusto siya, sabihin niya na lang hindi yung may pa ganito pa.
Nakarating na kami sa may kusina tapos umupo na ako.
Naghanda siya ng tinolang manok at adobong sitaw.
"Adobong sitaw na lang sa akin" Umupo siya sa tapat ko at komonot ang noo.
"Ang arte mo! Parehas kong niluto yan para sayo" Umiling ako.
"May allergy kasi ako sa manok eh" nagulat siya sa sinabi ko at napa clear throat.
"G-Ganoon ba.....hindi ko alam kaya sige sayo na lang yung sitaw" Tumango ako tapos nag pray first then kumain na.
Medyo hindi ako makakain ng maayos kasi ang sakit ng lalamunan ko.
"Okay ba yung luto ko?" Tanong niya kaya tumingin ako sa kaniya.
"Ano bang gusto mo?" Komonot ang noo niya.
"What?!" Iritang tanong niya.
"Why are you doing this? Kung may gusto kang sabihin sa akin, just say it" sabi ko tapos nun tumayo siya at masama akong tinignan.
"Bakit?! Naawa lang kasi ako sayo kasi nga! Nakakaawa ka okay? Gets mo?" Sigaw niya sa akin.
"Pwes! Di ko kailangan ng awa mo" madiin kong sabi.
"Yang pride mo ang papatay Sayo!" Tumayo ako tapos binagsak yung spoon sa lamesa.
"Edi mamatay kung mamatay!" Pagkasabi ko nun, umalis na ako ng upuan at nilagpasan siya.
Nagulat ako ng hawakan niya ako sa braso tapos pinaharap ako sa kaniya.
"What's wrong with you! Mahirap ba sayo na tanggapin na alagaan kita?!" Sigaw niya sa akin.
Really? Alagaan ako? Hahahahah funny!
"Ano bang makukuha mo by doing this?! Sigaw ko sa kaniya habang umiiyak.
Binitiwan niya ako.
"Masama ang pakiramdam ko kaya kung pwede kahit ngayon lang wag mo naman ako pahirapan.......Pwede bang magpahinga muna ako?" Nagsusumamo kong sambit sa kaniya.
"Kung pwede......hayaaan mo muna ako" Hindi siya nagsalita, nakatingin lang sakin.
Malambot ang mga tingin niya at parang di nakapaniwala sa mga sinabi ko.
Pinunasan ko ang mga luha ko tapos nilagpasan na siya at umakyat na sa kwarto ko.
Sinara ko ang pinto at nilock yun tapos humiga na sa kama ko.
YOU ARE READING
I Found My Light And It's You
Любовные романыThis story is about yukira, a young beautiful woman who get forced to marry a man who hates her to death, his name is zander, he hates her because he doesn't want to get married because he enjoy being a single person. Yukira's life was full of hards...