Chapter 22

63 1 0
                                    

Habang nag uusap kami ng ibang mga bagay bagay about sa pamangkin niya daw na talagang ubod ng sungit at talagang puro na lang trabaho.

Ako naman ay sinasabi na puro lang din ako trabaho at wala ng oras sa mga ganoong bagay.

We still here sa cafe na ito habang umiinom parin ng coffee.

"I hope na magkita kayo nun at panigurado na makikita mo kung gaano kasungit yun hahahaha" Sobrang saya niya habang kinukwento yung pamangkin niya sa akin bagay na ni minsa di ko naranasan kaya nakakainggit din pala.

"Tita!" Napatingin kami sa lalaking lumapit sa amin.

"Oh! Harold! Hahahahah look at your face" Tinawanan ni ma'am Kristina itong gwapong lalaki na nasa harap namin na tingin ko ay ka edad ko lang din.

"Tita naman eh! Stop laughing!" Naiinis nitong sabi kasi yung itsura niya ay kala mo may humahabol na kung sino pero gwapo parin.

Ng makita niya ako ay biglang umayos siya ng tayo at inayos din ang sarili.

"Uy! Bawal pa siya iho kasi di kayo bagay eh" pangaasar pa ni ma'am Kristina.

"Tita!" Mas natawa si tita Kristina ng makita ang pikon nitong mukha.

"Anyways, this is yuki and yuki this is harold my pamangkin at Harold this beautiful young lady is yuki and siya ang tumulong sa akin at nanlibre!" Ang kulit ni ma'am Kristina.

"Grabe ka naman tita ang yaman mo buraot ka parin?" Tinaasan siya ng kilay ni ma'am Kristina.

"Are you listening sa mga sinabi ko kanina? I told you na nanakawan ako right?" Maarteng sabi ni ma'am Kristina.

"Oo na" Sabi nitong Harold.

"Hi! My name is harold and nice to meet you tsaka thank you sa pagtulong mo dito sa makulit kong tita"

Nag shake hands kami.

"Anong makulit?! Baka maganda!" May pa hawi pa ng buhok si ma'am hahahaha.

"Welcome pero to be honest, tinulungan din ako ni ma'am Kristina kaya naman no need to thank me" Nakatulala siya ng magsalita ako.

"Ah.....h-hello?" Sabi ko.

"Ah! Sorry hahahaha ganda mo kasi" Pagsabi niya nun hinampas siya ni ma'am Kristina.

"Kwento mo sa paa mo Harold! Bolero ka talaga eh no? Yes she's pretty pero di kayo bagay hahahah she's so pretty para maging kayo" Pangaasar pa ni ma'am Kristina na lalong nagpainis kay Harold.

"Tara na nga!" Masungit nitong sabi tapos tumingin naman sa akin at ngumiti.

"Thanks you ulit sayo yuki and here" Iniabot niya ang isang business card.

"Pwede kang pumunta sa company ko anytime if you need any help just call my number" Tumango ako at ngumiti tapos kinuha yun.

"Yung number kanina na ginamit ni ma'am, yun yung number ko" Masaya itong tumango at kinuha ang phone niya tapos may ginawa doon.

"Sige na iha! Thank you ulit pero okay ka lang ba talaga?" Tumingin siya sa akin at naninigurado kaya binigyan ko siya ng sincere na ngumiti.

"Okay lang po ako and magiingat kayo" Tumango naman siya.

"I will return the favor someday yuki kaya naman i hope na magkita pa tayo or tawagan mo si harold in case na may need ka okay? Sige na bye na at ingat ka din" Kumaway sila parehas at lumabas na ng cafe.

Umupo ako at pinagpatuloy ang pagkakape ko.

Ang kulit siguro ng family nila at laging maingay kasi ang ganda ng chemistry nila tapos ang kulit pa ni ma'am Kristina kaya sana nga magkita ulit kami.

Nag stay pa ako ng ilan pang mga oras bago tuluyang umalis.

Sayang at di ko naabutan si sir Charles kanina pero okay na din yun kasi nakilala ko si ma'am Kristina.


6:30 pm na at dumidilim na din kaya naman naisipan kong sa hotel na lang muna mag stay kahit isang gabi lang.

Kaso ang mahal! Kaya naman hindi na lang pala.

Naghanap ako ng mga apartments na pwede yung kaya pa ng budget ko kasi kakain din ako ng dinner mamaya eh kahit siguro ano na lang basta may makain.

Habang naglalakad nakita ko ang pamilyar na tao.

Nakatayo ito sa labas ng isang restaurant.

Tumakbo ako palapit sa kaniya.

"Sir!" Masayang bati ko tapos tumingin siya sa akin at nagulat ng makita ako.

"Y-Yuki?" Nauutal niyang sabi.

"Good evening po sir lawson!" Ngumiti ito.

"Good evening din pero bakit ka andito?" Tinanggal niya ang scarf niya at sinuot sa leeg ko.

"Malamig kaya bakit ganiyan ang suot mo?" Mas gwapo siya sa malapitan.

"Yuki?" Napaiwas ako ng tingin sa hiya kasi bakit ako nakatitig sa kaniya! Nakakahiya!

"A-Ano sir" Binuksan ko yung bag ko tapos nilabas yung coat niya at binigay sa kaniya.

"Ito na po yung coat niyo! Thank you po ulit ng marami sir!" Umiling siya at bumuntong hininga.

"I told you to keep that kasi sayo na yan Ikaw talaga" Nakangiti nanaman siya.

"What are you doing here?" Tanong niya ulit.

"Naghahanap po ako ng apartment ko eh" Komonot ang noo niya na parang may gustong sabihin pero iba ang sinabi niya.

"I think i can help you with that" nabuhayan ako sa sinabi niya.

"Talaga sir?! Naku! Sobrang bait niyo po!" Masayang sabi ko sa kaniya kaso nagulat ako ng may makitang sasakyan sa likod niya

Pero wait! Bakit!

"Sir!" Tinulak ko si sir lawson tapos naramdaman ko ang pagtilapon ko at sakit sa katawan sunod nun may narinig akong parang kung anong tunog sa tenga ko.

"Yuki!" Sigaw ni sir lawson.

Ah......ang sakit......ang sakit ng ulo ko......pati katawan ko.....

Wala akong marinig.....

Ang labo na ng paningin ko......

I Found My Light And It's YouWhere stories live. Discover now