Chapter 48

30 0 0
                                    

Inalalayan ako ni cade sa pagsakay ng sasakyan.

6 pm ang start ng birthday party ni tita kristana, ngayon ay 4 pm na kaya pumunta na kami.

"Yuki" Tumingin ako kay cade.

"M-May boyfriend ka na?" Komonot ang noo ko.

"Eh? Hahahah bakit mo naman natanong?" Alam ko sinabi ko na dati na wala ah?

"K-Kasi.....kung w-wala pa" Tumingin na siya sa akin.

"P-Pwede ba kitang ligawan?" Kinakabahan at nauutal niyang saad.

"Pagisipan mo muna, you don't have to give me your answer now" Tumango lang ako kasi di ko din talaga alam ang sasabihin ko.

Tumahimik na lang kami buong biyahe.

Pagdating sa venue, halos mahilo ako sa bongga at garbo ng mga design tapos sabi niya munting celebration?

Halos lahat ng andito mayayaman tapos napansin ko na isang mansion itong venue, nilagyan lang ng design.

"Isa ito sa mga mansion ni mama, dito niya gusto kasi bigay ito ng papa ko kay mama kaya naman dito niya gusto lagi ang venue ng party niya" Pagpapaliwag ni cade sa akin.Bumaba na kami ng sasakyan.

"Wow! Look kung sino ang andito! Who is she? Girlfriend mo?" Isang matandang babae ang lumapit sa amin and she so elegant!

"Hindi po hahahaha kaibigan ko po" Nakangiting Saad ni cade.

"Grabe! Akala ko ay girlfriend mo! Sobrang ganda mo naman iha! Foreigner ka ba?" Umiling ako.

"Hindi po" Ngumiti muli ito sa akin.

"Sorry kasi sobrang ganda mo iha akala ko tuloy ay foreigner ka" Ngumiti lang ako.

"I'm silla" Pagpapakilala niya sa akin and naglahad ng kamay for handshakes.

"I'm yukira po, you can call me yuki po" Inabot ko ang kamay niya.

"Sobrang ganda mo naman! Alam mo ba single ang anak ko ba-" naputol ang sasabihin niya ng hawakan ako ni cade sa kamay ko at magsalita.

"Sorry po pero need na namin pumasok" Hinila na ako ni cade papasok ng mansion.

"Sabi na eh mangyayari to! Bakit ba kasi sobrang ganda mo?" Hinampas ko ang braso niya.

"Baliw ka" Sambit ko pero natawa lang siya. Habang naglalakad kami pinagtitinginan kami ng mga bisita.

"Sino yan? Gf ba ni cade? Sobrang ganda naman" Sabi nung isang bisita na nalampasan namin.

"Look oh! She's so pretty" Sambit Naman nung Isa ulit na bisita.

"Wow pre! Sino yan! Mas maganda pa kay veca!" Sabi din ng Isa ulit na bisita.

Dumiretso na lang kami sa may table at upuan sa gilid. Umupo ako pagdating namin doon.

"Dito ka muna, kuha lang kita ng drinks and food mo okay?" Tumango ako.

"Wag lang yung may chicken" Tumango siya tapos umalis na.

Pagalis niya, nagulat ako ng may mga lumapit sa akin.

"Miss! Gf ka ba ni cade?" Tanong nitong isang bisita na lalaki.

"Ganda mo miss! Sino bang papa mo? Anong company ba ang papa mo?" Medyo nairita ako doon.

"Sorry po pero bisita lang po ako dito" Sagot ko.

"Ano bang mayroon diyan? Tigilan niyo nga siya" Nakahinga ako ng maluwag ng dumating si cade.

Ganito pala sa mga birthday party?

Umalis na yung mga lumapit sa akin.

"Ito na lang ang kainin mo cake na lang and juice" Ngumiti ako ng ilapag niya yun sa lamesa.

Sinimulan ko ng kainin yung cake kasi medyo nagugutom na din ako.

"Sorry ah, di lang sila sanay makakita ng babae na Kasama ko tsaka sobrang ganda pa" Inirapan ko lang siya.

"Totoo naman ah! Ni minsan kasi di nila ako nakita na may kasama o I date manlang na babae akala nga nila bakla ako pero ito nahulog sayo" Hinampas ko siya sa braso.

"Tigilan mo nga ako" Ngumiti lang siya.

"Sabi pala ni mama parating na siya" Napangiti ako ng marinig yun. Sobrang ganda niya mamaya malamang!

"Cade" Napatingin kami sa lalaking lumapit sa amin na agad kong nakilala.

Siya yung isang anak ni tita kristina na sumugod kanina sa mansion ni tita kristina.

"Is she your girlfriend?" Umiling si cade.

"Hindi pero i hope oo" Ngumiti ito sa akin.

"Sobrang ganda mo miss kaso di ka bagay sa kapatid ko eh masyadong kang maganda" Tumingin ako kay cade at galit itong nakatingin dito sa lalaki.

"Kuya, kung galit ka kay mama wag mong ibaling sa akin" Kinabahan ako sa tension between them.

Napatingin kami sa pinto ng bumukas yun at pumasok si tita kristina.

Nagpalakpakan ang mga bisita.

"Welcome!" Bati ng mga bisita sa kaniya.

"Maguusap pa tayo mamaya" Inis na saad ng kuya ni cade tapos umalis na.

"Thank you everyone for coming! Let's start na!" Biglang sumigla ang music at nagsayawan na ang lahat.

Natuwa ako dahil ang lively ng birthday ni tita.

"Iha!" Masigla at masayang sambit ni tita ng makalapit sa akin.

"Sobrang ganda mo talaga! Sabi ko na eh lahat ng lalaki dito matutulala sa ganda mo" Komonot ang noo ko at sumimangot.

"Di naman po" Tumawa siya tapos nun hinawakan ang kamay ko.

"Kaya nga nabihag mo yung isa diyan eh" Tumingin siya Kay cade tapos si cade naman napa clear throat.

"Sige na iho! Isayaw mo na si yuki" Playful na sabi ni tita.

Hinawakan ko na ang kamay ni cade tapos nun pumunta kami sa gitna at doon sumayaw.

Nakahawak ako sa balikat niya habang siya ay sa bewang ko naman nakahawak.

"Sobrang ganda mo" Muling Saad niya.

"Bolero mo talaga no?" Umiling siya.

"Bakit naman kita lulukohin? Eh halos lahat ng lalaki dito sayo nakatingin" Sabi niya kaya tumingin ako sa paligid at totoo nga na sa amin sila nakatingin.

Tumingin ulit ako kay cade at piningot ang tenga niya.

"Aray ko! Masakit yuki!" Nakasimangot niyang sabi kaya naman binitiwan ko na ang tenga niya.

"Yuki?" Napatigil ako ng makilala ko ang boses na yun.

Tumingin ako ng dahan-dahan sa may kaliwa ko at nakita ang lalaking minahal ko ng sobra, akala ko ba limot na kita ngunit bakit andito ka?

Sobrang gwapo niya parin pero bakit parang pagod na pagod siya? Namumugto din ang mga mata.

"Si lawson? Bakit siya andito?" Napatigil din ang lahat at sa kaniya ang buong attention.

"Y-Yuki....." Sambit niya tapos tumulo ang mga luha.

"Kailangan ko ng umalis" Saad ko tapos patakbong umalis ng party.

"Yuki!" Sigaw ni sen pero di ako tumigil sa pagtakbo, kailangan kong umalis na dito!

I Found My Light And It's YouWhere stories live. Discover now