Chapter 45

41 0 0
                                    

Yuki






Dahil nga need kong magpagaling need kong manatili dito sa hospital, natatawa na lang ako everytime na maiisip ko na pangalawang beses na itong nangyari sa akin.

5 days na akong andito sa hospital at si cade ang nag aalaga sa akin.

Nakahiga ako ngayon dito sa bed ng hospital habang si cade naghihiwa ng apple.

"Cade" Tawag ko sa kaniya kasi lumipas ang ilang mga araw medyo naging close na din kami.

"Bakit yuki? May kailangan ka pa ba?" Umiling ako.

"Wala kasi akong pera eh tsaka di ko alam saan pupunta after kong magpagaling kaya may alam ka ba na lugar na pwede akong makapag trabaho yung marangal ah" Ngumiti siya.

"Mayroon naman kaso kailangan mo muna ng isang linggong pahinga paglabas mo dito kaya naman doon ka muna sa apartment ko tumira for a while and please don't worry kasi libre na yun kasi kasalanan ko naman eh" Umiling ako.

"May kasalanan din naman ako" Bumuntong hininga siya.

"Tanggapin mo na lang please okay?" Malambing niyang sabi sa akin tapos binigay sa akin yung apple.

"Ibig sabihin Ikaw ang may ari?" Tumango siya.

"Oo kaya naman libre ka na dun" Kinain ko na yung apple tapos ngumiti.

"Ang bait mo naman" Hinawakan niya ang balikat ko.

"You deserve kindness yuki kaya naman tanggapin mo na okay?" Bumuntong hininga ako tapos tumango.

"Okay!" Masaya kong Saad na nagpangiti sa kaniya.

Naputol ang paguusap namin ng may tumawag sa kaniya.

"Sagutin ko lang yuki" Tumango ako tapos tumayo siya at sinagot yung phone tapos pumunta sa may bintana sa tapat ng kama ko.

"Yes ma?" Panimula niya.

Rinig ko parin kasi malapit lang naman siya sa akin.

"Po? Si kuya nanaman?! Ano nanaman po bang ginawa?!" Medyo iritang tanong niya.

"Po?! Seriously?! Shameless talaga si kuya! Sa bahay pa talaga ni kuya son?!" Medyo tumaas na ang boses niya.

"Anyways po ma may nangyari po kasi eh and kasalanan ko po kaya naman papaliwanag ko mamaya pag uwi ko sorry po if di ako masyadong nakakatawag sa inyo this past few weeks" Napangiti ako sa sobrang galang at bait niya.

"Po? Dito po sa hospital pero ma-" napatingin siya sa phone niya.

"Ma?" Sambit niya muli.

"Naku! Mukhang alam na ni mama kung nasaan ako!" Sabi niya pag harap sa akin.

"Pero siguro okay na din yun" Muli siyang bumalik dito sa upuan sa tabi ko at umupo.

"May problama ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo yung kuya ko kasi eh may katarantaduhan na ginawa sa bahay ng pinsan ko kaya yun galit na galit yung pinsan ko kay kuya tapos si mama ata papunta na dito" Tumango na lang ako tapos umayos na ng higa.

"Salamat sayo cade ah" Tumango siya tapos hinawakan ang ulo ko at hinimas ang buhok ko.

"Ang ganda mo namang pasyente yuki may boyfriend ka na ba?" Agad akong umiling sa tanong niya.

"Wala" Napakonot ang noo ko ng ngumiti siya.

"Why are you smiling?" Umiling siya.

"Wala naman" Sambit niya tapos hinawakan ang kamay ko.

"Magpahinga kana muna okay? Balikan kita mamaya ako ng bahala kay mama if ev-" naputol ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang pinto.

"Cade!" Nagulat kami parehas pero mas nagulat ako ng makita si ma'am Kristina.

Tumingin siya sa amin tapos nagulat din ng makita ako.

"Omg! Yuki?!" Lumapit siya sa akin tapos si cade gumilid.

"Omg! Iha?! Why are you here?! Don't tell me" Tanong niya tapos tumingin kay cade.

"Ma, let me explain po" Nakakonot ang noo na tumango si ma'am Kristina tsaka wait? May anak si ma'am Kristina?

"Mag kakilala pala kayo ma?" Awkward na sambit ni cade.

"Yes and give me a proper explanation mamaya, umuwi ka na muna dahil hinahanap ka ng papa mo" Mabilis na tumango si cade.

"Yuki, una na muna ako puntahan na lang ulit kita bukas yung pagkain andiyan sa tabi mo lang" Pagsabi niya nun mabilis siyang umalis.

Ano bang nangyayari?! Grabe namang coincidence to!

"Ang pasaway kong anak na yun! Pasensiya kana iha ha kasi talagang may pagka clumsy yun at minsan taranta kaya naman kung ano man ang kasalanan ng anak ko hayaan mong mag take responsibility siya" Ngumiti ako tapos inabot ang kamay ni ma'am Kristina.

"Okay lang po ako tsaka ang bait po ni cade sa akin" Bumuntong hininga siya at ngumiti.

"Mabuti kung ganoon kasi kahit na ganoon yun talagang mabuting anak yun at tao" Ngumiti ako.

"Opo sobra po" Nagaalala niya akong tinignan.

"Mag sabi ka lang kung may kailangan ka okay?" Tumango lang ako.

"Sige po salamat po tsaka may kasalanan din naman po ako eh" Hinawakan niya din ang kamay ko.

"Sige na magpahinga ka na lang muna kasi may kailangan pa akong gawin at asikasuhin Buti at nakita kita ulit yuki, I'm so happy to see you again and tomorrow, I'll visit you again" Nakangiti niyang sambit sa akin.

"Okay po, ingat po" Tumayo na siya at lumabas na ng kwarto.

Ang bait nilang tao kaya naman kahit na naaksidente ako dahil sa kalokohan ko, masaya ako na makilala sila.

Napatingin ako sa bintana at nagsimula nanamang bumuhos ang luha ko dahil naalala ko nanaman ang nangyari kaya ako andito ngayon.

Pinunasan ko ang mga luha ko dahil masakit isipin kaya naman ayaw ko na nga lang isipin pero ganoon talaga eh kapag mahal mo kahit na sinaktan ka, naaalala mo parin kahit na masakit tsaka mahirap mag heal at mag move on lalo na yung taong nakasakit sayo sobrang minahal mo.

Sana katulad ng mabilis umibig ganoon din mabilis makalimot pero wala eh, mabilis mahulog at umibig ang tao pero hirap bumitaw at mag move on dahil naaalala mo yung mga araw na kasama mo siya kaya mas lalong masakit dahil yun yung mga araw na mahalaga sayo pero sen,  kahit na mahal kita pipilitin kong kalimutan ka dahil pagod na akong maniwala sa true love dahil yung taong pinaniwalaan ko na totoo ang forever, hindi pala kasi imagination lang.

Maybe love is not for me kaya naman, this time sarili ko na lang siguro ang mamahalin ko, hindi yung mga taong pinahalagahan ko pero sinaktan lang ako.

I Found My Light And It's YouWhere stories live. Discover now