Chapter 15

72 3 0
                                    

Palakas ng palakas ang ulan na halos di mo na makita yung daan tapos sobrang dilim din.

"Sir" putol ko sa katahimikan.

"Kahit sa may sakayan na lang po ng tricycle diyan sa may kanto po doon na lang ako sasakay pauwi" sabi ko tapos tinanggal na yung coat niya na kanina ko pa suot.

"I said I'm going to take you home" Tumingin siya sa akin na nakakonot ang noo.

"Hindi na po sir" Masungit siyang nagiwas ng tingin.

"Okay" maikling sabi niya.

"Dito na lang po" sabi ko then tumigil siya sa harap ng isang tricycle.

"Take my coat and the umbrella with you so you won't get sick kung gusto mo na talaga bumaba" nagulat ako sa sinabi niya.

"Sir? Pero bakit po? Coat tsaka payong niyo po yan" tanong ko.

"Just take it o ihahatid kita sa niyo" Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya napabuntong hininga na lang ako at tumango.

Ngumiti ulit siya tapos nun hindi ko alam pero biglang bumilis tibok ng puso ko kaya nagiwas ako ng tingin at binuksan na yung pinto ng kotse tapos kinuha na yung coat at yung umbrella.

"Sir! Sobrang thank you po! I hope mabayaran ko kaya sa mga kabutihan niyo! Sige po ingat pauwi" hindi siya nagsalita kaya bumaba na ako at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng tricycle.

Nabasa parin ako tapos naisip ko yung payong pala hay naku.

Umalis na si sir pogi kaya naman tumingin ako sa driver.

"Kuya sa fernandez street po" sabi ko Kay kuya.

"Sige ma'am" sinimulan niya na ang pagmamaneho habang ako naman sinuot na yung coat ni sir.

He's so kind kaya deserve niya yung babaeng katulad din niya kabait.

Sana nga makahanap ako ng tulad niyang lalaki someday hindi tulad ng unang lalaking minahal ko na asawa ko nga pero ginawa lang akong maid niya kaya naman hindi na ako magmamahal ng tulad niya, tulad ni zander.

Dahil sa lakas ng ulan ay pinasok yung tricycle kaya nabasa ako hanggang sa may tuhod.

"Ma'am okay lang po ba kayo?" Tanong ni kuya pero nalungkot ako ng makita siya.

Basang basa siya tapos nun yung tsinelas niya sira na din.

"Okay lang po ako kuya" sabi ko.

"Malapit naman na po tayo ma'am" sabi pa niya kaya umayos na lang ako ng upo.

After ng ilang minuto ay sa wakas na karating na din ako sa kalsada papuntang bahay.

Bumaba na ako after kong buksan yung payong.

Kumuha ako ng 300 sa bag ko tapos binigay kay kuya.

"Ma'am may 50 po kayo? Wala na po kasi akong panukli eh, pasenisya na po" umiling ako.

"Sayo na yan kuya" sabi ko tapos lumaki ang mata niya.

"Sige na kuya! Mababasa pa yan!" Sabi ko kaya kinuha niya na din.

"Ma'am! Salamat po! Pwede ko na po tong pambigay na baon sa mga anak ko! Salamat po" tuwang tuwa siya at labis ang pasasalamat.

"Bili na din po kayo ng bagong tsinelas kuya! Minsan po dapat bumili din kayo ng kahit isang gamit para sa sarili niyo! Sige na po kuya salamat po!" Sigaw ko kasi malakas na ang ulan tapos nun nagmadali na akong naglakad.

"Opo ma'am! Salamat po!" Sigaw niya din kasi medyo malayo na ako, muli akong tumingin sa kaniya at ngumiti tapos nun umalis na siya.

Masaya yung nakakatulong ka sa ibang tao kahit paminsan minsan dahil pag lagi na lang ay aabusuhin ka pero kay kuya iba kasi tingin ko talaga ay puro na lang pamilya niya ang inuuna niya, hindi naman sa sinasabi ko na wag niyang gawin yun pero dapat kahit isang gamit lang mabili din natin para sa sarili natin.

Nakarating na ako sa bahay after ng ilang minuto pa na paglalakad.

Nagulat ako ng naka lock yung pinto ibig sabihin ay wala pa siya?! Loko talaga! Andun yun malamang sa babae niya.

Sana nga doon na muna siya eh para naman masulo ko muna tong bahay.

Umakyat na ako sa taas tapos nun hinanger yung coat ni sir, kasi balak kong ibalik after kong malabhan total ay lagi naman siyang pumunpunta ng restaurant eh.

Naligo na ako after kong punasan ang sarili ko at isampay yung basa kong damit.

After maligo nagpunas muna ako ng buhok at bumaba para magluto kasi nagutom ako bigla.

Habang naghihiwa ako ng sayote, biglang bumukas yung pinto.

"Yuki!" Sigaw niya kaya nagulat ako.

Sira ulo talaga.

"Yukiiiiiii!!!!!! My lovely wuuuufe!" Komonot ang noo ko.

Wait? Lasing ba yung kupal na yun?

Tinigil ko ang paghihiwa tapos pumunta ng sala.

Nakita ko siya na nakahiga sa sofa.

"Hoy!" Sabi ko tapos nag cross ng arms.

Tumingin siya sa akin at tumayo.

Ang gulo ng damit at buhok niya.

"Hehe"

Parang timang.

"Wata yuuu duiinggg" sabi niya tapos lalapit sana sa akin kaso umiwas ako kaya naman napaupo siya sa sahig.

"Fix yourself kasi mukha kang timang diyan" sabi ko tapos tumalikod na tapos napahinto ako ng marinig ang paghilik niya.

Tumingin ulit ako sa kaniya at nakasandal na siya sa may sofa.

"Parang comfortable naman siya kaya diyan na muna siya" sabi ko tapos nun naglakad na pabalik ng kusina.

Nakaluto na ako pero ganoon parin ang itsura niya kaya naman inayos ko na lang siya ng nakahiga sa sofa.

"I still care for you pero hindi na kita mahal after ng contract, hindi na dapat tayo magusap pa" Sabi ko sa kaniya kahit di naman niya naririnig.

I Found My Light And It's YouWhere stories live. Discover now