After namin kumain nagkaroon ng meeting sila sen kaya ako na lang ang naiwan dito sa office niya.
Nakaupo ako dito kanina pa kaya bored na din ako.
Ang tagal naman ng meeting nila tsaka anong oras na kaya? 6:15 na ng gabi.
Dumiretso ako sa may desk ni sen at tumingin sa labas tapos nun namangha talaga ako sa ganda ng mga lights na nakikita ko.
Kita mo dito yung mga bahay tapos yung kalsada din.
Grabe sobrang ganda naman dito.
Yung pamilya ko kaya nasan na sila? Okay lang kaya sila? Anong dahilan bakit sila umalis ng wala ako?
Ang daming tanong sa isip ko na gusto kong masagot.
Ang ganda parin mabuhay sa mundo kahit wala kang maalala.
Mga ilang minuto din akong nakatayo at tinitignan lang ang magandang tanawin.
Nagulat na lang ako ng may yumakap sa akin mula sa likod.
Si sen!
Bumilis ang tibok ng puso ko ng maramdaman ko ang matigas niyang dibdib sa likod ko.
"What are you looking at?" Tanong niya tapos hinigpitan ang yakap sa akin.
"A-Akala ko ayaw mo sa babae?" Kinakabahan kong sabi.
Ano ba kami para mag yakapan? I mean we're not together para gawin to right?
Maybe he's doing this because I'm his comfort zone?
He's acting like he's my boyfriend or something.
"Do you like me?" Biglang kong tanong.
Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin tapos naramdaman ko ang hininga niya sa may tenga ko.
"Paano kung oo?" Mas kinabahan ako.
"W-What? Hahahaha stop joking"
Awkward kong sabi.
"I'm not joking" he's whispering kaya naman tumaas ang balahibo ko sa boses niyang sobrang lalim.
"Sen! Stop! I'm not playing games!" Saway ko tapos pinilit na umalis pero mas hinigpitan niya lang ang yakap niya.
"I won't stop until you feel the same way and I'm not playing games or joking because I'm sincerely love you yuki" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at tinulak siya.
Humarap ako sa kaniya tapos nun konot noo siyang nakatingin sa akin.
"What are you talking about?! Paano mo naman ako mamahalin? Hindi kita maalala at hindi ko alam kung anong klaseng relasyon ba talaga mayroon tayo noon!"
Sigaw ko sa kaniya.
Ang totoo naguguluhan din ako eh kasi everytime na andiyan siya hindi ko alam pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Sinabi niya yung nakaraan niya dahil mahal niya ako? Really? I trusted sen pero hindi ko alam ano bang dapat gawin? Mahal ko na din siya? Ilang araw ko palang siyang nakakasama tsaka hindi ko pa talaga siya kilala pero sinabi niya yung bagay na dahilan ng pagdurusa niya kaya naman naguguluhan ako.
"Hindi ka naniniwala na mahal kita? Yuki! Simula palang nung unang kita ko sayo minahal na kita! Akala ko curiosity lang eh pero bakit hindi ka mawala sa isip ko tapos Ikaw pa!" Huminto siya at tinuro ang puso niya.
"Bakit Ikaw yung laman nito?! Hindi ko mapigilan na hindi ka isipin! Gusto ko pag andiyan ka malapit sa akin! Masaya akong makita ka lagi! Mas gugustuhin ko pang bumisita sa restaurant kung saan ka andun kaysa mag trabaho at makipag negotiate! Gusto ko ang magandang mukha mo pati ang napakagandang ngiti mo! I'm also imagining getting married to you! I get jealous to every guy who try to court you, even talking or laughing na kasama ka! Ano ba kasing ginawa mo sa akin? Hindi gayuma eh! Kasi kung gayuma bakit sobra kitang mahal? Hindi gayuma kasi nga mahal kita! Pwede bang tanggapin mo na lang?" Humina ang boses niya sa huling linyang sinabi niya tapos nun para siyang problemado.
"Hindi ako comfortable pag may babae sa paligid pero pag sayo panatag ang loob ko tapos napapangiti na lang ako pag naiisip ka" Yumuko siya.
Hindi ko alam ang sasabihin dahil hindi ko alam kung tama ba na mahalin ko din siya? Wala akong maalala na kahit na ano about my past kaya naman hindi ko na alam!
"Hindi mo maalala yung nakaraan mo right? Kung ganoon sige" nagangat na siya ng tingin.
"Pwede bang bumuo ka ulit ng memories Kasama ako? Kung maalala mo na yung nakaraan mo at gusto mong bumalik doon hindi kita pipigilan kasi nga" Napakagat labi siya at lumuha.
"Mahal kita eh kung hindi mo tanggap paano? Pwede bang magtiwala ka sa akin? Kung gusto mong hanapin ko ang pamilya mo sige! Kung gusto mo na bumalik ulit sa restaurant sige! Lahat handa kong gawin para sayo! Sayo lang! Tutulungan kita na maalala mo lahat kaya naman kung pwede" lumapit siya sa akin tapos hiwakan ang mga kamay ko.
Pinunasan niya din ang mga luha niya.
"Pwede bang mahalin mo din ako? Kahit hindi ngayon dahil hindi naman kita pipilitin basta sana maniwala ka na mahal kita yuki" Hinila niya ako at niyakap.
Para siyang batang nagmamakaawa sa magulang.
"I'll do anything para lang mapasaya ka yuki kaya kung pwede pagisipan mo sana"
Niyakap ko na lang siya pabalik dahil hindi ko pa alam ang sasabihin ko.
"Yuki" muli siyang nagsalita.
"Hm?" Sagot ko.
"I'm tired gusto ko na lang umuwi tapos magpahinga muna" tumango ako tapos humiwalay sa kaniya.
"What about your work?" Umiling siya.
"Ayaw ko muna isipin tsaka tapos na din naman ako eh gusto ko lang mahiga"
Hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Pero before that kain ulit tayo for dinner later ayaw kong nalilipasan ka ng gutom kaya naman kakain ulit tayo pagdating ng bahay" tumango.
"Pagluluto kita gusto mo?" Nakangiti kong tanong sa kaniya na nagpangiti din sa kaniya.
"Really?" Excited niyang tanong sa akin.
"Oo! Sure na sure kaya kung gusto mo na umuwi at magpahinga muna sige go kasi tao ka lang din naman" Hinila ko na siya palabas ng office niya.
"Tinawagan ko na si Charles kaya naman siya na ang bahala muna"
Kung ganoon planado na talaga? Hahahahaha.
Paglabas namin gulat ang mga employees niya ng makita kami.
"Sir?! May girlfriend ka na?!" Sabi nung isang employee niya.
"Chismoso ka talaga pero hindi pa ngayon kasi di pa siya ready" nakangisi niyang sabi kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
At talagang kumindat pa nga!
"Good work everyone!" Malakas niyang sabi tapos nun hinila na ako papuntang elevator.
YOU ARE READING
I Found My Light And It's You
RomanceThis story is about yukira, a young beautiful woman who get forced to marry a man who hates her to death, his name is zander, he hates her because he doesn't want to get married because he enjoy being a single person. Yukira's life was full of hards...