Pagkatapos ng ilang linggo, nakalabas na din ako sa hospital sa wakas at dahil parin yun sa tulong nila tita kristina at cade.
Hindi ko alam kung anong parusa ang binigay ni tita kristina kay cade pero mukhang hindi basta-basta.
Andito ako ngayon sa apartment na sinasabi ni cade, nakahiga lang ako at nakatingin sa kisame habang iniisip kung ano bang dapat kong gawin?
I lost my phone na pinagpapasalamat ko,para di na din ako mahanap ni sen.
Masakit parin yung nangyari pero tingin ko hindi na kasing sakit nung una pero sa totoo lang may sama ako ng loob sa kaniya at hindi ko alam kung kailan ko siya mapapatawad.
Being betrayed by your special love one lalo na at talagang minahal ko siya ng sobra, everytime na naiisip ko hindi ko mapigilan ang lumuha tulad ngayon, siguro nga mali ako na hindi na ganoon kasakit pero sa totoo lang I'm just deceiving myself na hindi na masakit.
I hate you but i love you and i don't know what to do kaya sana wag ka ng bumalik at magpakita pa.
Nakatulala ako ng biglang may kumatok sa pinto. Itong apartment kasi na ito ay good for one person lang kaya yung kama na sa may bintana at malapit lang din ang pinto.
"Sino yan?" Sigaw ko tapos bumangon at tumayo na.
"Si tita mo!" Tili ni tita kristina kaya naman napailing na lang ako dahil sobrang ingay niya parin.
Lumapit ako sa pinto at binuksan yun.
"Iha! How are you!" Bungad niya pagbukas ko ng pinto.
May dala siyang mga plastic.
"Ito nga pala para sayo lahat!" Masayang pinakita niya ang dala sa akin.
"S-Sige po, pasok kayo" Saad ko tapos kinuha na yung dala niya kasi magagalit pag tumanggi ako.
Sinara niya na ang pinto tapos nun dumiretso sa sofa at umupo, ako naman binaba sa may kusina yung dala niya para sa akin.
"Tita! Ano pong gusto niyo?" Tanong ko.
"Maging pamangkin ka iha!" Sigaw niya.
"Tita naman eh" saad ko.
"Sige na nga! Juice na lang yung galing pa sa puno" Napailing na lang ako at pinagtimpla siya ng kape. Lumapit na ako sa kaniya after kong magtimpla ng kape. Binaba ko sa lamesa sa harap ng sofa yung kape at umupo sa tapat na sofa.
"Iha, sobrang ganda mo talaga! Gusto kitang maging pamangkin ko!" Bumuntong hininga ako at umiling.
"Yung masungit niyo nanaman po bang pamangkin yan?" Tumango siya tapos kinuha yung kape at humigop.
"Oo kaso iha alam mo ba" Saad niya paghigop ng kape tapos muling nilagay ang tasa sa lamesa.
"May gf na pala di manlang nagsabi sa amin! Tapos ngayon parang baliw na hanap ng hanap doon sa babae, halos di na natutulog, lagi ding nakasigaw at mainit ang ulo tapos di na din nag tratrabaho kaya nagagalit ako sa kaniya pero wala eh hanggang hindi daw nakikita yung babae ayaw niyang gumawa ng kahit na ano" Napaisip nanaman ako tungkol kay sen.
He said I'm his light pero iba talaga yung totoong liwanag ng buhay niya.
I should stop thinking about a person na hindi worth it isipin.
"Ang suwerte po nung babae kung ganoon kasi bihira ang ganiyan kasi kung ganiyan ang lalaki talagang mahal niya yung babae" Tumango si tita kristina.
"Naalala mo pa ba si harold?" Tumango ako.
"Opo" Sagot ko.
"Alam mo bang simula nung araw na makita ka namin halos araw-araw ka na lang bukang-bibig!" Napakamot na lang ako sa ulo.
"Over naman yan tita" Mabilis siyang umiling.
"Totoo nga! Halos di ka na mawala sa isip kaso nga lang kinasal na siya sa taong di niya mahal dahil din sa lolo nila" Napaisip ako kung bakit lolo ang minsan yung gustong makasal ang mga apo sa kung sino.
"Bukas pala balak ko invite ka sa bahay ko para sa munting celebration kaya sana naman pumunta ka, okay?" Hindi ako agad sumagot kasi ayaw ko talaga sa maraming tao lalo na sa mga party or occasion kasi di ako ni minsan nakaranas kaya baka may magawa pa akong di maganda doon.
"Pero po nakakahiya tsaka hindi naman ako family member eh" Tumayo siya at lumapit sa akin tapos umupo sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
"Kahit birthday ko?" nagulat ako sa sinabi niya pero kahit gusto ko hindi talaga ako sanay eh kasi ni minsan nga di ako nakapag celebrate ng birthday ko.
Nakakahiya na tumanggi kaya naman tumango na lang ako.
"Sige po" Biglang lumiwanag ang mukha niya at masaya akong niyakap.
"Salamat iha! I'm so glad na pumayag ka!" Niyakap ko din siya dahil parang tita ko na din talaga siya.
Humiwalay na ako tapos si tita kristina, hinimas ang buhok ko.
"Sana maging part ka din ng family ko iha kaso hindi pwede hahahahah mga pamangkin ko kasi puro kalokohan tsaka mga anak ko din!" Natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Pwede naman po akong maging pamangkin niyo pero di family members" Lumungkot ang mukha niya.
"Sayang talaga" Hinawakan ko na lang ang kamay niya.
Nakatitig kami sa Isa't Isa ng may tumawag sa kaniya.
"Wait iha, sagutin ko lang ito" Kinuha niya ang phone niya sa bag tapos sinagot yun sa harap ko.
"What's wrong?" Bungad niya.
"Ma! Si kuya son talagang hibang na! Tignan niyo nga puro na lang inom at pagwawala ang ginagawa!" Inis na sabi ni cade.
"Just give her back! P-Please.....just bring my w-wife back....hindi niya ako iniwan" Sigaw ng isang pamilyar na boses sa kabilang linya at base sa narinig ko lasing na lasing yung lalaki.
"Sige na ma punta ka na muna dito" Tumango si tita.
"Sige na" Saad ni tita tapos binaba na ang tawag.
Tumingin siya sa akin.
"Iha, kailangan ko ng umalis bale yung susuotin mo for tomorrow, ipapadala ko mamaya okay?" Tumango ako.
"Sige po ingat kayo" Tumayo na siya tapos nagmamadaling umalis.
Bumuntong hininga ako dahil bakit ba lagi paring si sen ang naiisip ko? Bakit ba kasi ang daling umibig ang hirap mag move on?!
Humiga na lang ako at pinikit ang mga mata ko.
YOU ARE READING
I Found My Light And It's You
RomanceThis story is about yukira, a young beautiful woman who get forced to marry a man who hates her to death, his name is zander, he hates her because he doesn't want to get married because he enjoy being a single person. Yukira's life was full of hards...