"Grabe ka naman yuki! Naging masungit kana!"
Madrama niyang sabi pero di ko nakikita ang expression niya dahil nga nakatalikod ako.
Gusto ko lang naman na magpahinga eh.
Humarap ako sa kaniya at umupo ng dahan dahan.
"Wait! Sandali lang!" Lumapit siya sa akin at inalalayan ako.
Sumandal ako sa bed rest nitong kama.
"Ano ba kayo ni lawson?" Umayos na siya ng tayo tapos tumingin sa akin ng seryoso.
"Best buddy kami simula palang nung 12 years old kami and to tell you the truth, sobrang hirap niyang pakitunguhan noon dahil nga sa mailap siya sa mga tao"
Nalungkot ako ng marinig yun.
Siguro ay sobra din ang pinagdaan niya.
"Pero yuki" Ang diin ng sinabi niya habang seryoso nanaman ang mukha na nakatingin sa akin.
"Just trust sen okay? He's not a bad person at alam yun ng yuki na nakilala namin noon"
Ramdam ko at kita ang sincerity sa mga mata niya pati sa bawat salitang binibigkas niya.
Alam ko naman na mabuti silang tao dahil kung sino ay kahit wala akong maalala hindi magaan ang loob ko sa kanila.
"Okay" ngumiti ako na napangiti din sa kaniya.
"Sige na at hintayin mo na lang siya dito kasi may gagawin pa ako eh" Tumango ako tapos humiga na, siya naman ay lumabas na.
Bakit naman kaya yuki ang pangalan ko?
Parang japanese name hahahaha.
Masakit ang buong katawan ko tapos may bali pa ako sa paa ko kasi ano bang nangyari?
Ilang oras pa akong nakahiga kasi hinihintay ko si lawson eh kasi sabi niya babalik siya pero bakit wala pa siya?
Gusto kong lumabas gusto kong makalanghap ng sariwang hangin.
Nagulat ako ng bigla ba namang bumukas ang pinto.
"Ha....ha..ha" hinihingal na pumasok si lawson dala ang isang lalagyan ng pagkain.
"Bakit ang tagal mo?" Malungkot kong tanong.
"Sorry kasi may inasikaso pa ako bago pumunta dito kaya sorry if pinaghintay kita"
Saad niya.
Magulo ang buhok niya pero gwapo parin.
Naka suit pa siya kaya halatang galing sa trabaho.
Lumapit na siya sa akin at nilapag yung dala niya sa lamesa sa harap nitong kama.
"Niluto ko pa ito kaya sana pag pasensiyahan mo na yung lasa" Ngumiti ako.
"Thank you" I gave him a warm and since smile.
Nakita ko ang gulat sa mukha niya at namula din siya tapos nag Iwas ng tingin.
"Ahem!" He clear his throat.
Wait? I know english?
Hay! Ewan!
"Lawson" tawag ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin.
"Not lawson" komonot ang noo ko.
"I want you to call me sen" tumango ako.
"Nickname mo?" Ngumiti siya at tumango tapos lumapit na sa akin dala ang bowl ng lugaw.
Umupo siya sa tabi ko tapos hinalo halo yung lugaw ng dahan dahan.
Hinihipan niya na din.
"Ah" sabi niya.
Nahiya ako kasi ang lutang ko naman kasi!
"Ako na hahahah" awkward kong sabi.
"Di naman bali ang mga kamay ko" umiling siya tapos nun konot na ang noo niya.
"But I want to take care of you kaya sana naman ay hayaan mo ako" komonot ang noo ko at naguguluhan siyang tinignan.
"Why? Akala ko ba ay hindi naman ganoon ang relasyon natin? Why do you want to take care of me? Kasi niligtas kita?" Umiling siya.
"I have a reason but I can't tell you now baka kasi layuan mo ako" mahina niyang sabi pero narinig ko parin.
"Huh?" Sabi ko.
"Nothing" bumuntong hininga na lang ako.
"Sen" tawag ko sa kaniya.
"B-Bakit?" Yumuko siya tapos namula yung tenga.
"Gutom na ako" nagangat siya ng tingin tapos nun sinubuan na ako.
"What do you think?" Tanong niya habang ako naman nilalasahan yung lugaw sa bibig ko.
"Masarap" sabi ko.
Ngumiti naman siya.
"Good! I thought di mo magustuhan eh" natawa ako.
"Wait lang" muli niya akong sinubukan.
"What?" Hinintay niya muna ako magsalita.
After kong ilunok yung lugaw, nagtanong na ako.
"Wala ka bang girlfriend or wife?" Natawa siya bigla na nagpakonot ng noo ko.
"Hahahhahaah bakit mo naman natanong?" Tumigil na siya sa pagtawa at umayos ng upo.
"Ayaw ko lang kasi na may gulo lalo na at parang ayaw mo ng umalis dito" seryoso nanaman siyang tumingin sa akin.
"Totoo naman ah kasi gusto ko dito lang sa tabi mo" napayuko ako kasi bakit ang lakas ng tibok ng puso ko.
"What's wrong may masakit?"
Sabi niya tapos nag panick.
"Wait! I'll call the doctor!" Tumayo siya kaso hinawakan ko ang kaliwang kamay niya kasi yung kabila nakahawak sa bowl ng lugaw.
"No! Stay here please" sabi ko kasi hindi ko alam pero bakit gusto ko na dito lang siya?
Binitiwan niya yung hawak niyang bowl, pinatong niya sa gilid nitong kama ko sa ibabaw ng small cabinet.
Nagulat ako ng yakapin niya ako.
He tightened the hug.
"Then I'll stay with you forever kung gusto mo dahil isang salita lang galing sayo handa kong gawin at ipagpaliban ang ibang bagay, just say the word and let me do it for you"
Naramdaman ko nanaman ang bilis ng tibok ng puso ko.
Niyakap ko din siya pabalik.
Hindi ko alam kung bakit ganito ako eh hindi ko naman alam kung ano ba talaga kami kahit sinabi na nila.
Para kasing may iba pa eh pero sana nga ay maalala ko na ng masagot na ang mga tanong ko.
YOU ARE READING
I Found My Light And It's You
RomanceThis story is about yukira, a young beautiful woman who get forced to marry a man who hates her to death, his name is zander, he hates her because he doesn't want to get married because he enjoy being a single person. Yukira's life was full of hards...