Malapit na kaming magsara kaya naman yung ibang table ay pinunasan na namin.
Nagtataka ako bakit di parin umaalis yung sila sir pogi? Magsasara na kami pero andun parin sila.
Hindi kaya may pinaguusapan sila?
8:55 pm ng lumabas na yung dalawang customers namin bale sila na yung last.
Pumunta ako sa table na yun at nagpunas na, si lily naman nagdala nung mga pinagkainan.
Habang nag pupunas ako ng table, lumabas na din sila sa wakas.
Saglit ko lang silang tinignan tapos bumalik na ulit sa pagpupunas ng lamesa.
After kong mapunas babalik na sana ako sa kusina, ng pagharap ko may nabunggo ako.
Buti nasalo ako.
Tumingin ako doon sa nabangga ko para humingi ng sorry.
Nagulat ako ng makita ang gwapo niyang mukha.
"Naku! Sorry po sir!" Umalis din ako agad sa mga bisig niya at lumayo.
Yumuko ako tapos kinakabahan.
Bakit naman kasi andiyan siya?!
"Raise your head" Sabi niya kaya naman nagangat ako ng tingin.
"Yuki!" Napatingin kami kay Jake ng tawagin ako at lumapit sa akin.
"Okay ka lang?" Sabi niya tapos tumingin kay sir.
"May problama po ba?" Tanong ni Jake kay sir pero masama siyang tinignan nito.
"Nothing" Masungit niyong sabi tapos umalis na.
Komonot ang noo ko.
Ano? May gusto ba siyang sabihin?
"Okay ka lang ba?!" Tanong ulit ni Jake.
"Oo" Bumuntong hininga siya.
"Akala ko may problama nanaman sayo yung customer eh" Umiling ako.
"Nabangga ko lang siya pero kasalanan niya naman eh akala ko kasi aalis na sila pero bakit andito siya bigla sa likod ko?" Reklamo ko natawa lang si Jake.
9:10 pm
9:10 pm na ako nakalabas ng restaurant dahil nga sa paglilinis at iba pa.
Nagpaalam na ako kila Jake na gusto pa akong ihatid pero sabi ko wag na.
Habang naglalakad ako papuntang sakayan, nagulat ako ng makita si zander na nakatayo sa waiting shed.
Lumapit ito sa akin.
"Kung ganoon, work pala?" Nakataas na kilay na sabi niya.
"So?" Sabi ko.
"Confirmed na ba na hindi lalaki ang pinagkakaabala ko na pinipilit mo?" Bigla siyang natawa.
Tumingin yung ibang mga taong nasa waiting shed din.
Nakakahiya.
"Oo nga! Work! Pero bakit may paganoon sa workmate mo?!" Sigaw niya sa akin.
Umiling ako tapos naglakad na kasi pinagtitinginan kami.
Nagulat ako ng hawakan niya ako sa kamay tapos hilahin papunta ng kotse niya tapos he forced me to get inside the car.
Sinara niya yung pinto tapos pumunta ng driver's seat then nilock yung mga pinto.
"What's the meaning of this?!" Sigaw ko sa kaniya.
Galit siyang tumingin sa akin.
"Work ba yun?! Eh nakikipaglandian ka nga doon sa lalaking yun kanina! You think di ko nakita?!" Napahilamos ako sa mukha ko.
"I know you don't love me! But don't freaking cheat on me!" Napatingin ako sa kaniya na di makapaniwala sa mga sinabi niya.
He can cheat but i can't?
Tapos nandadamay pa ng taong nagmamalasakit lang sa akin?
"That's right! I don't love you! Pero hindi ako gaya ng iba diyan na gagawa ng ganoong bagay!" Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan sa labi.
Tinulak ko siya at sinampal.
"Did you just slapped me?!" Sigaw niya habang naka hawak sa pisngi niya.
"Wala ka talagang Ibang ginawa kundi ang gawin lahat ng gusto mo!" Pinilit kong buksan yung pinto pero wala eh naka sara!
"Don't try to run away dahil uuwi na tayo!" Sabi niya tapos pinaandar na yung sasakyan.
"Don't forget yuki na kahit di tayo kasal sa simbahan ay asawa parin kita" sabi niya na nagpatawa sa akin.
"Oo sa papel" masama nanaman ang timpla ng mukha niya.
"Don't forget din na malapit na ang divorce natin" sabi ko tapos tumigil ang sasakyan bigla Buti na lang walang sasakyan sa likod.
"Are you crazy?! Paano kung may sasakyan sa likod?!" Galit akong tumingin sa kaniya tapos nun komonot ang noo ko ng makita ang mukha niya na parang nasaktan.
"Wag mong isampal sa akin yan dahil alam ko" Ganoon parin ang mukha niya habang sinasabi yun.
"Pero bakit mo ako tinatawag na mahal noon? Bakit sweet ka?" I rolled my eyes.
"Because that's how a wife should do to her husband" Napakamot siya sa batok niya.
"Start the car dahil nasa gitna tayo ng kalsada" sabi ko tapos tumingin sa bintana.
Pinaandar niya na ulit ang sasakyan.
"So, you're just faking it?" Tumingin ako sa kaniya.
"Oo" sabi ko pero ang totoo, minahal ko siya simula pa noon pero ngayon hindi na dahil sumuko na ako.
Wala ng nagsalita pa sa amin after nun hanggang sa makauwi kami.
Umakyat na ako ng kwarto ko dahil naiinis ako sa kaniya.
Sana dumating na yung araw na divorce para mawala na din siya sa paningin ko once na nakaalis na ako dito, dahil kahit umalis ako o mawala, wala namang maghahanap sa akin.
Lahat sila selfish at greedy for money and wealth kaya wala silang pake kahit may tao silang nasasaktan kahit pamilya pa nila.
Ayaw ko ng magmahal kung ganoong tao lang din naman.
Humiga na ako sa kama ko tapos natulog na.
Sana lang wag na niyang idamay si Jake dahil parang kapatid ko na yun at sobrang bait na tao.
YOU ARE READING
I Found My Light And It's You
RomanceThis story is about yukira, a young beautiful woman who get forced to marry a man who hates her to death, his name is zander, he hates her because he doesn't want to get married because he enjoy being a single person. Yukira's life was full of hards...