Nagka crush kana ba?
Siguro naman lahat tayo, may naging crush na noon o may crush ngayon.
Sa school, sa kapit-bahay, sa artista, kababata mo man yan o sa trabaho.
Pero...sa bakla, nagka crush kana din ba?
Ako kasi oo.
Hindi ko masabi pero parang mas mahirap iyon dahil alam mong kahit kailan ay hindi magiging kayo.
Hindi pwede. Walang pag asa o kumbaga, cannot be.
dahil pareho kayo ng kasarian na hinahanap. Sa isang lalaki.
Oo, lalaki.
Yung may abs, adams apple, muscles at syempre yung may malaking ti-
tigas ng katawan.
Mga katangian na wala ako. Mga parte na kahit kailan ay hindi ako magkakaroon dahil isa akong babae.
Sinabi nya na mismo sa mukha ko na ayaw nya ng tahong dahil allergic daw sya.
talong ang gusto nya.
Vegetarian ang bakla, ayaw ng seafood. kakairita.
Saan naman ako kukuha non o anong laban ko kung taliwas ako sa gusto nya?
Pero sumumpa ako sa mismong pagkababae ko na hindi ako titigil hanggat hindi nya ako nagugustuhan.
Magugustuhan din nya ako.
Ano yun, crush ko sya tapos di nya ako crush?! bobo pala sya eh.
Joke!
Matalino yung baklang yon. Kaagaw ko nga din yon hindi lang sa mga lalaki kundi pati sa mga awards sa school.
He's that good. Hindi lang talaga nya ako gusto, at yun ang problema.
Pero darating ang araw na siya naman ang pa-aasahin ko at sasaktan.
Just like what he did to me.
Alam ko na darating din ang pagkakataon na matututo syang kumain ng tahong at magsasawa sa nakasanayan na hotdog at talong.
Hintayin mo lang, Yasher. O si "yesha" ka man kapag naglalandi ka sa gabi.
Kakainin mo lahat ng sinabi mo sakin, at sana mabusog ka. Tse!
YOU ARE READING
INLOVE WITH A GAY
Teen FictionSamara Faye Estacio is deeply inlove with Yasher Monteverde. Her gay bestfriend. and the worst part is, Yasher never look at her way, even if she grow penis in her body like a man or beg him to love her too. He's just too good for her. But Faye can'...