CHAPTER 30: SLEEP THE NIGHT

0 0 0
                                    

"What are you thinking?!"

Madiin niyang sabi pero pabulong.

Natatakot yata na baka marinig kami ng papa niya

Patay malisya naman akong umiwas ng tingin at nilibot ang mata sa loob ng kwarto.

"What?"

"Bakit mo sinabi sa papa ko na girlfriend kita?!"

"Why? May girlfriend kana ba?"

Kumunot ang noo niya sakin at naguluhan.

"Wala pero dapat hindi mo sinabi yon. Paniguradong magtatanong yon sakin bukas! Sinabi mo pang live in tayo sa Manila!"

"Hindi naman siya galit ah? He's even pleased to see me as your girl."

Frustrated niyang sinabunutan ang buhok kaya napangisi naman ako.

Ang sarap pala niyang inisin.

Hindi niya yata alam kung ilang lalaki ang nagmamakaawa para lang ipapakilala akong babae nila.

"Tyaka sinabi ko lang yon dahil sa tinawag mo sakin kanina."

Sabi ko at humiga sa kama niya. Nilingon ko siya at nakitang gulat na gulat siya kaya umupo ako agad at umirap.

Tss.

Baka isipin niya na nilalandi ko siya.

"A-Anong tinawag ko sayo?"

"Baby."

"Huh?"

"Tinawag mo akong baby kanina during the game. Did you forget? You don't have any right to call me like that."

Tumayo ako at tinignan ang buong kwarto. Pinagbubuksan ko ang kabinet niya at sinilip ang malinis na banyo.

Plain black and white ang theme ng kwarto at malinis. Naka aircon din, may study table at maraming libro.

I guess he's a reader at night.

"Is this your room?"

"Oo bakit?"

"Are you gay?"

"A-Ano?!"

Nilingon ko siya at nakitang na offend siya sa tanong ko.

"Hindi ako bakla!"

"But you work in a gay bar."

"Nagta-trabaho lang ako don pero hindi ako bakla! Bakit mo ba tinatanong yan?!"

"Kasi wala kang kahit isang sex toy dito sa kwarto mo."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

"You don't even have any porn magazine in your bathroom."

"B-Bakit naman ako magkakaroon non?"

"You said you're a man, right? A man has needs. You're a lascivious human."

Mas kumunot ang noo niya at parang hindi makapaniwala sa pinagsasabi ko.

"Hindi naman lahat ng lalaki malibog."

"Talaga?" I asked sarcastically.

Napangisi ako ng napalunok siya.

INLOVE WITH A GAYWhere stories live. Discover now