CHAPTER 16: PREPOSITION

0 0 0
                                    

Napaaga ang uwi ni mommy nang malaman niya ang nangyari. Galit na galit siya at ako agad ang pinuntahan pagka uwi niya sa bahay.

"What was that Faye? Wala kana ba talagang balak magtino?!"

I bit my lips as I saw our maids watching us from afar. Walang hiyang nakikinig si Nica at masama naman ang tingin ni manang sakin.

Mga chismosa!

Nalaman kong sinumbong pala nila ang pag iinom at pagbibilyar ko kay mommy. Isama pa ang nangyari kay Jude! Sila ang nagsimula ng gulo pero sila ngayon ang nasa hospital kaya ako pa ang nasisi.

Damn this life.

"I told you, they punched and tried to rape me."

"Pero sana sinumbong mo nalang sila Faye! Alam mo bang nagrereklamo ang mga magulang ng binugbog mo?!"

Tss.

Ang kakapal din ng mukha ng mga iyon. Nireklamo pa ako sa school at ang mommy pa ni Yash ang nagbabayad ng hospital bills nila kahit sila Jude naman ang naunang nanakit.

Hindi yata nila alam na demonyo ang mga anak nila.

"You're being too much Faye! Ilan na ang mga offenses mo at pabagsak pa ang mga grades mo!"

I sighed and looked away.

Isa pa yan.

Simula nung nangyari ay tinamad na akong pumasok. Marami akong absents at mga activities na hindi nagawa. Mas madalas pa akong mag inom kaysa mag review kaya bumagsak talaga ang mga grades ko.

"Mabuti nandon si Yasher para saluhin ka! Pero kung wala anong mangyayari sayo?! Suspended ka nanaman! I was working my ass abroad and all you do here is nothing?! Ano ba talagang gusto mo Faye?! May pangarap kapa ba?!"

"I'm sorry."

"If your dad is here, he will be disappointed as well!"

But he's dead so he wouldn't be worry anymore.

Bata palang ako ay namatay na si Daddy. Kay mommy naiwan ang mga pera at ari arian niya. Simula noon ay siya nalang ang mag isang nag alaga sakin.

My dad killed himself.

Natagpuan nalang siya isang araw na hindi na humihinga. An overdosed. Pero may naririnig ako sa mga tita ko na hindi daw siya nag pakamatay.

Sinadya daw iyon at si Mommy ang sinasabi nila.

Bagay na matinding itinanggi ni mommy kaya galit siya sa mga tita ko ngayon. Ganon din naman sila sa amin.

"Your Tita Jessica called earlier. She have a preposition for you."

Yasher's mom?

"What preposition?"

"She wants you to change her son."

What?!

"What do you mean mommy?"

Huminga siya ng malalim at medyo kumalma. Nakakunot naman ang noo ko sa kaniya dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"We all know that...Yasher is gay. Jessica wants that to change and—"

"What?! Akala ko ba tanggap nila si Yasher?"

"They are but they want to see if he can still change and be a man."

"And they want me to do it for them?!"

Unbelievable.

"Yes that's why they called to give you a preposition."

"That's crazy. What will I get then?" I asked sarcastically.

"They promised to give anything you wish. Whether it's a car, money, condo or anything you want."

What?!

They are really serious.

"Do I hear it right? Gusto nilang gawin kong straight si Yasher kapalit ng isang materyal na bagay?"

"Yes."

"That's bullshit mom."

"Language Faye!"

"Why would they want that? They still have Denver at may kapatid pang lalaki si Yasher sa abroad. Si Axcel."

"They still want Yasher to be a man have a normal family in the future, Faye. I hope you help them."

Tss.

"You still have time to make decisions. Call your Tita Jessica once you decided."

Yun lang at tumalikod na siya paalis. Naiwan akong nakatulala sa dining.

Make Yasher a man?

In return I can get a car or a condo. Mga bagay na matagal ko nang gusto. Hindi ko alam pero parang yun din naman ang ginagawa ko ngayon. Pinipilit ko siya na gustuhin din ako.

I'm just not trying harder.

Napalingon ako ng makitang nakatingin si Manang habang nagpupunas ng lamesa sa kusina. Masama parin ang tingin niya sakin kaya napangisi ako at agad lumapit.

"What did you do, you old bitch?"

Mas sumama ang tingin niya at napahawak ng mahigpit sa basahan.

"You have the time para isumbong ako ay mommy huh."

"Tama lang na malaman ng mommy mo ang pinag gagawa mo, Faye. Lumalabas ka tuwing gabi at uuwing lasing ng hindi niya alam. Kung sino sino pang lalaki ang dinadala mo dito."

"Oh. Is she my mom o Ikaw? Mas makapal pa ang mukha mo pagalitan ako eh katulong ka lang naman."

Kung dati ay takot pa siya sa akin pero ngayon ay makapal na ang mukha niyang pagsabihan at isumbong ako.

"Listen, you old bitch. Sa susunod na malaman kong magsumbong ka ulit kay mommy ay lagot kana talaga sakin. Tandaan mo yan."

Bwisit na matanda.

Tumalikod na agad ako at kinuha ang cellphone para tawagan si Tita Jessica. Isang ring lang ay agad niya iyong sinagot.

"Was it true Tita? You want me to change Yasher? To be a man."

"{Yes Faye.}"

"Why me? I can't even—"

"{You're the only woman he's friends with, Faye. I can feel that you have the power to make him realize.}"

"How can I do that, Tita?"

"{Do everything, Faye. I think my son is just confused about being a gay and a man. He needs you in order to figure it out. To realize what he really wants.}"

"Was it true that you will give me anything I wish?"

"{Yes Faye. A car, condo or money. Name it.}"

I sighed.

Wala namang mawawala kung gagawin ko.

Baka nga magka condo at kotse pa 'ko.

So why not? After all, Yasher is someone that challenge me so much. He's a nut that is so hard to crack.

and I guess I'm down to broke him up. Just to see what's inside.

So..

"Alright tita. It's a deal, then. I'll do everything. I will make Yasher a man. Just like you want him to be."

I said and ended the call.

It's show time.



INLOVE WITH A GAYWhere stories live. Discover now