It's been hours but I'm still having a hard time choosing what to wear tonight. Pupunta akong bilyaran ngayon dahil hindi ko napilit si Yasher na dito matulog at umuwi nadin siya kanina.
Hindi ko naman siya mayaya doon dahil ayaw na ayaw niyang nagpupunta ako ng bilyaran.
Nung minsan nyang nalaman na lumalabas ako ng hatinggabi para lang mag inom at mag bilyar ay nagalit siya sakin at sinumbong ako kay mommy.
He's like my own conscience.
Nilapag ko ang dalawang damit na napili kong sootin ngayon. Ang isa ay simpleng black t-shirt at fitted na maong short. Ang pangalawa ay satin dress na mababa ang cut.
Namiss ko kasing magsoot nito dahil puro crop at sexy tops ang mga type kong sootin sa tuwing lalabas.
"NICA!! Come over here!"
Bumakas agad ang pinto ng kwarto ko at sumilip ang ulo ng batang kasambahay namin. Bata dahil parang mas matanda pa ako sa kaniya ng ilang taon.
"Yes ma'am?"
"Choose one."
Tinuro ko sa kaniya ang dalawang damit na nakapatong sa kama at tinignan niya naman iyon.
"Choose one?"
"Yes. Mamili ka dyan."
"Bibigyan nyo ako ma'am?"
Tinignan ko siya ng masama kaya agad siyang natahimik.
"Charot lang. Ang serous mo naman Ma'am Faye."
"Mamimili ka ba o hindi?" nagtitimping tanong ko.
"E-Eto na nga po hehe. Ahm...maganda po yung dress pero pa-gabi napo kaya itong t-shirt nalang ang sootin nyo. Pero kung bet nyo ma'am magka pulmonya ay itong dress ang pwede."
Tss.
"Tyaka ma'am may lalaki po pala sa labas. Hinahanap kayo."
Agad kumunot ang noo ko at inisip kung may nakalimutan ba si Yasher. Wala naman kasi akong inaasahang bisita ngayon.
"Bumalik si Yasher?"
"Sinong Yasher ma'am?"
"Yung kasama ko kanina."
"Ahhh yung kalandian nyong pogi? Hindi yon ma'am, pero gwapo din po ahihihi."
Mas lalo akong nagtaka at kinabahan dahil baka si Brent iyon.
Minsan nang nagpunta yon dito sa bahay nung nag party ako at nung wala si Mommy. Pero nagt-text naman siya sakin bago pumunta.
"Ikaw ma'am ah, ang landi landi nyo. Ang dami nyong boys."
What the fuck?
Tumawa siya at tinulak pa ako na akala mo ay close kaming dalawa.
"J-Joke lang ma'am, hehe."
Agad siyang napangiwi ng makita ang titig ko sa kaniya. Nauna na din akong lumabas dahil baka masaktan ko pa siya.
She's noisy and psychotic.
Binuksan ko ang gate at nagulat ng makita ang nakangiting mukha ni Raven.
"Hi Faye."
"Why are you here?"
Naka uniform pa siya, pawisan at may dalang notebook.
"Ahm, Hindi ka kasi pumasok sa first subject natin kanina kaya dinalhan kita ng notes."
YOU ARE READING
INLOVE WITH A GAY
Teen FictionSamara Faye Estacio is deeply inlove with Yasher Monteverde. Her gay bestfriend. and the worst part is, Yasher never look at her way, even if she grow penis in her body like a man or beg him to love her too. He's just too good for her. But Faye can'...