CHAPTER 25: FIRST CHALLENGE

0 0 0
                                    

"The first game is called 'Subuin at sagutin mo.' Paunahan ang girls maubos ang spicy hot noodles at sagutin ang math problem sa harapan. Ang unang makakagawa ang makakakuha ng tubig at puntos."

Nagsigawan ang mga kaklase namin.

"GO FAYE!!"

"FOR THE WIN BIANCA!"

"Pabagsakin mo yan, Faye!"

"GO BIANCA!"

Ang iingay.

Pakiramdam ko tuloy nasa isang game show kami.

Naglabas ang organizer ng dalawang plato ng noodles sa harapan namin ni Bianca. Pulang pula iyon sa sauce at halatang maanghang. Huminga ako ng malalim at hinintay ang signal ng "go."

Sa pagtunog ng whistle ay sumubo agad ako ng malaki. Nagulat ako sa lasa ng noodles at napaubo naman ng malakas si Bianca.

Putangina.

ANG ANGHANG!

Parang puro anghang lang ang nalalasahan ko. Ang oa pero ang anghang talaga. Nilingon ko si Bianca at nakitang hirap din siya sa bawat pagsubo.

"GO FAYE!!"

"GO PAYE!"

I heard Raven and Yasher shouted.

Kaya ko 'to.

Pinilit kong nilunok ang noodles kahit pinagpapawisan at sinisipon na ako sa sobrang anghang. Nauna kong naubos iyon dahil puro paypay ng kamay si Bianca.

Nagsigawan sina Christine ng makitang tumatakbo na ako para sagutin ang math problem sa unahan.

6x²–9 = 3 + 4x²

Puta.

Algebra?!

"Hindi kaya ni Faye yan! HAHAHAHHAHAHA" Someone shouted.

Ulol!

Tamad lang ako mag aral pero matalino ako.

Mabilis kong sinagutan iyon dahil nakitang humahabol si Bianca. Malakas na nagsigawan sina Christine at Raven ng matapos ako at narinig ang whistle. Hudyat na ako ang nauna at nanalo.

"WOOOOO GALING!"

Lumapit si Yasher at hinablot ko agad ang bottled water na dala niya.

"You did great, Paye."

"Magaling akong sumubo eh." Sabi ko at kumindat.

Natawa siya at sabay naming nilingon si Bianca na inis na inis sa akin.

Asar talo ang gaga.

Sa sumunod na round ay ganon padin ang laro. May nadagdag lang na random question na dapat sagutin. Kapag kasi nasagot yon ay skip kana sa pagkain ng sobrang anghang na noodles at diretso math problem agad.

"Kamay sa likod, girls. Here is the question."

Tahimik ang lahat habang inaabangan ang tanong ng organizer.

"Pang ilan si Dr. Jose Rizal sa kanilang magkakapatid?"

Mabilis kong ginalaw ang kamay ko pero ang buzzer ni Bianca ang umilaw.

Shit.

Naunahan ako!

"Seven." Proud na sagot ni Bianca at ngumisi sa akin.

INLOVE WITH A GAYWhere stories live. Discover now