CHAPTER 3: PISSED

1 0 0
                                    

It's Saturday and I'm eating when the doorbell rang. Nagtaka agad ako dahil wala naman kaming inaasahan na bisita ngayon.

"Faye open the gate! May tao yata!" Mom shouted from the kitchen.

"I'll get it, Mom!"

Napataas ang kilay ko ng makita si Yasher na may dalang laptop at box ng pizza. All smiles syang nakatingin sakin habang nakasimangot naman ako sa kanya.

"What are you doing here?"

"Makiki-kain lang! walang pagkain sa house eh."

Impossible.

"Why are you really here, Yash?"

"Geez, pwede ba papasukin mo muna ako? Hindi bagay ang beauty ko dito sa labas!"

I shook my head and widely opened the gate for him. He happily walked inside and loudly called my mom.

Their mansion is just around the block kaya madali lang sa kanya na pumunta dito. Matagal din syang kilala ng mommy ko dahil close din ang parents nya sa amin.

We've known each other since childhood so..

"I'm glad that you managed to visit us, Yasher. How's your mom?" Mommy happily asked him.

"She's getting better, Tita. She actually inviting you and Faye over dinner tomorrow!"

"Really!? We'll love that!"

"She said she'll call you tomorrow. At magpapa alam din po ako kasi may pupuntahan po kami ni Faye, tonight!"

What?

"Really? Ayos lang naman sa akin basta wag lang kayong uumagahin."

"Ofcourse, Tita! I'll drive her home!"

Ilang oras pa silang nag chitchats ni mommy bago nagpaalam si mama na may bibilhin lang sya sa labas. Naiwan kami ni Yasher.

"Anong sinasabi mo kay mommy? Saan tayo pupunta mamaya?"

"You will know, Paye! Let's go to your room."

Mabilis syang tumayo dala ang laptop nya at pumasok sa loob ng kwarto ko. Alam at kabisado nya ang buong bahay namin dahil ilang beses na syang nagpupunta dito noon pa. Ganoon din naman ako sa kanila.

"What are you doing, Yash?"

Dumapa sya sa kama ko habang nagt-type sa laptop nya. Nasa tabi nya ang pizza na dala nya kanina.

"I'm making our report. Help me here."

"Tss. Why would I? You chose him over me. I'm not your partner."

Hindi siya sumagot at seryoso lang na nagtipa sa laptop niya. Umupo ako sa tabi ng kama at tinitigan ang buong side view ng gwapo niyang mukha.

He's wearing an eyeglasses. Kapag ganito at seryoso ang mukha nya ay lalo siyang gumagwapo.

Matangos ang ilong niya. Manipis at natural na mapula ang labi. Maganda ang panga na parang inukit ng isang magaling na iskultor. Makapal ang kilay at maganda ang mga mata.

Ang katawan niya ay sakto lang din. Hindi siya patpatin o mataba. May biceps at triceps sya na mahahalata mong regular costumer sya ng gym.

Lalaking lalaki ang hitsura niya. Pati ang boses kung hindi lang niya iniipit minsan.

He looks so handsome and perfect.

He almost look like a god.

"What's your type, Yash?"

INLOVE WITH A GAYWhere stories live. Discover now