"Hayyy, sobrang gwapo talaga ni Yasher noh? Ano kayang skin care niya? Pwede kaya kaming dalawa? Ang gwapo gwapo niya parang blah blah blah..."
I rolled my eyes as I heard Christine's dreamy words again towards Yasher.
My gay bestfriend.
Naka patong ang isang kamay niya sa pisngi habang nakangiti na parang tanga sa gawi ng bakla. Nasa unahang row lang kasi si Yasher habang busy sa kanyang cellphone.
Second day ngayon ng first sem namin sa school. We're in our literature class, and yes we're classmates.
Simula pa noon ay dikit na kaming dalawa ni Yasher mula elementary pa kaya siguro naging mag kaibigan nadin kami.
"Ang gwapo gwapo niya talaga, Faye."
Totoo.
Halos buong schoolmate namin dito sa Apex University ay may gusto sa kanya. Kahit pa bakla siya.
Dito kasi sa school ay hindi sya nagdadamit babae, ng wig o kahit anong make up. Kaya lalaking lalaki ang hitsura nya at gwapong gwapo talaga.
Kung hindi nga lang papansinin ang pagtataray niya at pagpilantik ng mga daliri.
Maraming nagsasabi na sayang dahil gwapo talaga ang baklang iyon.
Mailalaban ang face card niya sa most handsome people in the world gaya nina Robert Pattinson, Henry Cavill o Ben Affleck.
Mas gwapo pa siya sa mga artista ngayon at pwedeng pwede sa international modelling.
Ganoong level ang kagwapuhan niya. Hindi lang si Christine kundi maraming babae dito sa school at sa labas ang nalalaglag ang panty sa tuwing nakikita siya.
Pati nga ako ay gusto din sya. I feel like I even love him.
But...
He's gay.
"Gusto mo din siya diba, Faye? Nag-gwapuhan kadin ba sa kanya?"
Matagal na.
"Tyaka single ba? M-May girlfriend ba siya?"
Wala. Boyfriend madami.
"Sobrang gwapo niya! May chance kayang maging straight siya?"
Hindi ko alam.
"Hays, Wala namang problema kung gay siya pero sayang ang genes niya. Nanghihinayang ako, Faye."
Ako din.
"Sana maka-talking stage ko siya."
Asa kapa.
Allergic sa babae ang baklitang iyon. Kapag nga nag uusap kami ay dapat may isang metro ang layo ko sa kanya. Nandidiri daw sya kapag nalalapit ang katawan ko sa kanya.
Pero kapag sa mga lalaki ay active at go lang sya kahit halos pumatong na o magkapalit ang mga mukha nila.
Ganoon sya ka arte at kalandi. Pero gustong gusto ko padin sya.
Hindi ko nga din alam kung kailan ako nagsimulang mahulog sa kanya. Nagising nalang ako isang araw na gusto ko na siya.
Hulog na hulog at bagsak na bagsak.
"Good morning, Class."
Dumating ang prof namin kaya natahimik na si Christine at umayos na ng upo sa tabi ko.
"Before we start, may I call the attention of Mr. Monteverde? Where is he?"
"I'm here, ma'am."
YOU ARE READING
INLOVE WITH A GAY
Teen FictionSamara Faye Estacio is deeply inlove with Yasher Monteverde. Her gay bestfriend. and the worst part is, Yasher never look at her way, even if she grow penis in her body like a man or beg him to love her too. He's just too good for her. But Faye can'...