CHAPTER 33: MADNESS

0 0 0
                                    

"WHERE DID YOU GO?!"

Sigaw niya sakin at marahas na hinablot ang braso ko. Nagulat si Mark na agad napaatras. Napalunok ako bago sumagot.

"Nag....sleep over lang."

"SLEEP OVER?!"

Galit niyang sabi at tinignan ng masama si Raven sa tabi ko. Pulang pula ang mata niya sa galit at mabilis ang paghinga. Mahigpit din ang hawak niya sa braso ko.

"You're hurting me, Yash." Bulong ko at tinignan ang mga kaklase namin na nakatingin.

"I WAS WORRYING ALL NIGHT! TAPOS ETO KA AT SASABIHING NAKIPAG SLEEP OVER?!"

Lumapit si Raven kaya agad napatingin si Yasher sa kaniya.

"Pare nasasaktan si Faye—"

"WAG KA MAKIALAM DITO! LEAVE THE FUCK US ALONE!"

Naglakad si Yasher habang mahigpit padin ang hawak sa braso ko. Nakita kong gustong sumunod ni Raven pero umiling lang ako sa kaniya.

Nagbubulungan at nakatingin Sila Mark habang halos kaladkarin niya na ako papuntang women's bathroom. Nagsigawan ang mga babaeng nandoon at agad lumabas.

Pabato niya akong binitawan na muntik ko pang ikatumba. Mabilis niyang sinarado ang pinto ng banyo at mahigpit nanamang hinawakan ang braso ko.

"Fuck. You're hurting me, Yash." Bulong ko dahil sumasakit na ang kapit niya sa braso ko.

"DID YOU SLEEP WITH HIM?!"

What?

"N-No."

"DON'T LIE TO ME!"

Umiling ako at napakagat ng labi nang makita kung gaano siya kagalit sakin ngayon.

I haven't seen him this mad and in rage.

"I'm sorry, Yash."

"ANSWER ME! DID YOU SLEEP WITH HIM?! DID HE FUCKED YOU LASTNIGHT?!"

Paulit ulit akong umiling at mas nagulat ng suntukin niya ang salamin ng cr. Nagdugo agad ang kamay niya at hindi ako nakapag salita.

I saw a deep anger and restraint in his eyes.

"You said you like me. That you want me. Why don't you want me alone?"

Napanganga ako at mas lalong hindi nakapag salita. Mababa ang boses niya na punong puno ng galit, lungkot at pagka dismaya.

"Yash."

Tawag ko ng walang lingon siyang tumalikod at umalis.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng banyo. Nagbubulungan padin ang mga kaklase namin habang nakatingin sakin. Hinanap ko agad si Yasher at nakita siyang nakaupo sa isang gilid.

"Yash. I'm sorry. Please let's talk."

"Leave me alone."

Agad siyang tumalikod at umalis. Napanganga ako at naiwang nakatanga doon.

"Faye."

Tawag ni Mark na lumapit sa tabi ko.

"H-Hayaan mo nalang siguro si Yasher. G-Galit talaga sayo eh."

"Did he wait for me, lastnight?"

"Oo...Hindi nga natulog yon kakahanap sayo eh. Narinig ko pa na tinawagan pa ang mommy mo at gusto na niyang bumalik sa Manila dahil baka nauna kanang umuwi. Hindi ka daw kasi ma-contact kagabi."

Shit.

Kinuha ko ang cellphone ko na kagabi pa naka off. Nag alert agad ng mga missed calls at maraming texts na galing lahat kay Yasher. Napalunok ako ng makitang tumatawag sakin si mommy.

"H-Hello?"

"{Faye, where are you? Yasher is looking for you lastnight. What happened?}"

"Na lowbat lang yung phone ko kagabi mommy. But we're...o-okay now. Why did you called?"

"{You're Tita Jessica is asking me about the progress of your relationship with Yasher.}"

Napakunot ang noo ko at hindi alam ang isasagot.

Galit na galit si Yasher sakin ngayon kaya hindi ko alam kung paano mags-sorry at magpapa liwanag sa kaniya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na mas lumalayo siya sakin dahil umaasa si Tita Jessica.

"I'll just call her later, mom."

"{Okay. Take care Faye.}"

Pinatay ko agad ang tawag at huminga ng malalim. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Kasalanan ko din naman dahil umalis ako ng walang paalam.

Hindi ko naman kasi naisip na hahanapin niya pala ako.

Pakiramdam ko tuloy ngayon ang sama sama ko. I caused him pain so I just deserve his resentment. I should do something.

All for him to forgive me.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 19 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

INLOVE WITH A GAYWhere stories live. Discover now