CHAPTER 18: THE GOAL

0 0 0
                                    

"Class, I just want to remind all of you our field trip this week. We will have our blah blah blah.."

Umirap ako at tumingin sa labas ng bintana. Nakakatamad talagang makinig. Isama pang nakaka badtrip ang upcoming field trip na yan sa sabado.

Field trip my ass.

If I were know, ginagamit lang nila ang field trip na yan para makalikom ng pera sa mga estudyante.

"Bakit naka busangot nanaman yang mukha mo, Faye?"

Kumunot ang noo ko kay Christine na nasa gilid ko. She know how much I hate to go tapos nagtatanong pa.

"Ayaw mo paring sumama sa field trip?"

"Ayoko. Sumama ka kung gusto mo. Gagastos at aksaya lang ng oras ang field trip na yan."

Mas gusto ko pang mag bilyar o mag car racing kaysa magpagod at pumunta sa iba't ibang lugar.

"Ows talaga ayaw mo sumama? Bahala ka, nandon pa naman si Yasher."

Tumaas ang kilay ko at ngumisi lang siya sa akin.

"Yasher will go?"

"Hindi mo ba alam? Bayad na nga siya eh."

I didn't know.

"Tyaka Baguio naman yung pupuntahan natin. Kasama pa si Raven."

Tinignan ko si Yash na tahimik sa desk niya habang nagsusulat. Naramdaman niya yata ang titig ko kaya napa lingon siya sa akin.

Kinindatan ko siya pero umiwas lang siya ng tingin.

Tss. Arte!

"Ano ngayon kung kasama si Raven?" lingon ko kay Christine.

Para naman siyang nagulat at na offend sa tanong ko.

"Edi more gwapo! Nakaka excite kaya!"

Kumunot ang noo ko sa kaniya.

For someone who's socially awkward like her, she's too noisy.

"Tss. Saan ba magbabayad ng ticket na yan?"

"Kay Veron."

Kinuha ko ang wallet ko at lumakad sa upuan ni Veron. Siya ang treasurer at class representative namin. Kaibigan at seatmate din siya ni Bianca.

Hindi pa dismissed ang klase pero iniwan na kami ni ma'am para gawin ang notes na hindi ko pa ginagawa.

Nakakatamad nga kasi.

"Veron."

Tawag ko habang nakatayo sa harap ng upuan niya. Kausap niya si Bianca na lumingon din sa akin.

Ikaw si Veron?!

"Bakit, Faye?"

Tanong ni Veron. Ngumisi ako ng makita ang irap ni Bianca.

"Magkano yung bayaran sa field trip? Sasama ako."

Kasama si Yasher kaya dapat nandon din ako dahil paniguradong nandoon din si Bianca.

Malandi pa naman ang babaeng 'to.

"Ah, no need Faye. Bayad kana."

"What?"

"Kasama na yung sayo nung nagbayad si Yasher kanina. Binayaran na niya."

He did that?

Umismid si Bianca kaya mas napangisi ako.

Parang ang sarap mang asar ngayon.

"Ah talaga? Ang sweet niya noh?"

Ngumiti pabalik si Veron sa sinabi ko pero halatang nainis at napa irap naman si Bianca.

Haha. Maduling ka sana.

Tumalikod na ako at lumapit naman sa upuan ni Yasher. Tahimik parin siyang nagsusulat katabi ni Jess.

Kami talaga ang dapat magkatabi kung hindi lang sa stupidong alphabetical arrangement.

"Jess, lipat ka muna."

"Huh?"

Bingi ba 'to?

"I said lumipat ka muna." Nagtitimping sabi ko.

Ayoko pa naman ng paulit ulit.

"A-Ayoko, Faye."

"Lilipat ka o susuntukin kita?"

Napangisi ako ng mabilis siyang tumayo at iwan ang upuan niya. Alam ng lahat na suki ako ng guidance at idagdag pa ang balitang pangbubugbog ko sa kaibigan ni Jude nung nakaraan.

Kaya rin siguro takot ang mga kaklase ko sa akin.

"You're being a bitch again, Paye."

Napalingon ako kay Yasher na umiirap at umiiling sa tabi ko. Nakita niya pala kung paano ko paalisin si Jess.

"Now you know how badly I want to sit with you."

Umirap lang siya at hindi man lang kinilig sa sinabi ko.

Ang sungit talaga.

"Why did you pay for me? The field trip."

"Gusto ko lang."

"Ako ba gusto mo din?"

Sumama ang tingin niya sakin kaya natawa naman ako sa kaniya.

"Let me treat you too, Yash. Tonight."

Tumingin siya sakin at pinag taasan ako ng kilay.

"Saan?"

"Sa bilyaran."

Sumimangot siya kaya napangisi ako.

Ayaw niyang nagpupunta doon na iba naman sa akin dahil bilyaran at racetrack ang mga tambayan ko.

"Kidding. Let's go to a club."

"Fine."

Maaga palang ay nagpunta na ako ng mall para bumili ng sosootin. Espesyal na dress dapat dahil sisimulan ko nang akitin si Yash mamaya at dapat may mang yari na sa amin.

That's the goal.

I chose the most fancy, sexy lower cut red dress partnered with a killer high heels.

Maganda at masikip ang damit kaya mas nadepina ang magandang hubog ng katawan ko. Litaw ang cleavage at ang makikinis na hita. Ilang oras din ang sinayang ko para lang mag make up.

I didn't stop until I was satisfied with my looks.

Napadaan si Nica na napa nganga sa ayos ko.

"Wow ma'am Faye, sobrang ganda nyo naman!"

I know right.

Napangisi ako at nagmayabang sa kaniya.

"Saang bar po kayo magta-trabaho?"

Tinignan ko siya ng masama kaya napangiwi ito at agad tumalikod sa akin.

Bwisit.

Nag picture ako saglit at agad tinext ang number ni Yash.

"I'm ready now."

and he should be ready too.

Because I will get him, by hook or by crook.

INLOVE WITH A GAYWhere stories live. Discover now